Chapter 37 - Kayela..

Start from the beginning
                                    

Nasa may sasakyan na kami.. minsan, may napagkkwentuhan, minsan wala.. binuksan ko na lang ung radio, para hindi kami maboring sa byahe.. medyo traffic kasi kaya hindi mabilis ang byahe namin.. nung saktong nag-red light, tumunog ang phone nya na nasa dash board.. kinuha ko iyon at nakita ko kung sino ung tumatawag.. medyo nainis lang ako dahil si Cathie iyon..

“si Cathie..” sabi ko sabay abot ko sa kanya nung phone nya..

“si Cathie? Bakit naman kaya?” sabi nya sabay kuha sa phone nya..

Sinagot na nya un pero hindi man lang siya nag-hello at nanatili lang siyang nakikinig sa kabilang linya.. walang ka-ekspresyon ekspresyon ung mukha nya, pero, nagulat na lang ako dahil bigla na lang siyang nabigla at hindi nya alam na napataas na ang boses nya..

“WHAT?? Saang hospital kayo?...... ok.... ok.... relax, Cathie, Kayela will be good.... don’t worry.. ok bye..” binaba na nya ung phone nya at dali-dali siyang nag-u-turn na sakto naman na nag green light, at may u-turn slot sa di kalayuan.. “baby, hindi muna tayo pupunta sa park.. si Kayela daw nasa ospital..”

Kinabahan ako.. “bakit daw?”

“bigla na lang daw nag-collapse sa school.. nag-dugo daw ung ilong..”

----------------

Nasa ospital na kami.. exactly at Kayela’s private room.. naka-confine na ung bata at kasalukuyang kausap ni Kieffer at Cathie ung doctor.. nandito lang ako sa may couch at nakaupo lang.. nasa likod nila ko at nakikita ko ung magandang view ng mag-iina at mag-ama dun.. si Kieffer ay nakahawak sa kamay ng anak nya, habang kausap ang doctor, habang si Cathie naman ay naka-dantay sa may kama at nakaharap sa anak nya, habang kausap din ang doctor..

A perfect picture it is.. at talaga namang extra lang ako sa picture na un..

Hindi ko maiwasang hindi mag-selos.. pilit kong pinapaunawa sa sarili ko na nandito lang si Kieffer sa sitwasyon na to dahil sa anak nya, wala ng iba.. at in-assure nya sa akin un bago nya harapin ang doctor.. actually, kanina pa sila naguusap doon, pero wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi ng doctor.. pero naging attentive lang ako sa pakikinig, ng mapunta sila dito sa usapan na to..

“stage 1 pa lang ang leukemia ng bata, hindi pa ito malala.. pero she needs to have a blood transfusion because needs red blood cells and platelets.. malaki din ang chance na gumaling ito, kapag nag-undergo siya sa sa treatment na un.. so base sa test namin sa bata, she has an AB blood type.. sino ho sa inyo ang AB?”

Hindi nag-atubiling magtaas ng kamay si Kieffer, at pinrisinta ang sarili nya.. napaiwas ako ng tingin at pinipigilan ko lang ang luha ko.. to tell you the truth, hanggang ngayon ay umaasa pa din ako na sana hindi nya anak si Kayela.. umaasa pa din ako na lalabas ang totoo at malalaman ni Kieffer na hindi sila magkadugo ni Kayela.. na sana ay wala silang naging anak ni Cathie..

But i guess.. hindi na iyon mangyayari ngayon..

“babe.. babe.. are you ok?”

Napatingin lang ako sa harap ko at dun ko lang napansin na nasa harapan ko na pala si Kieffer.. kalalabas lang ng doctor ng tawagin nya ko.. nakalahad sa akin ung kamay nya kaya hinawakan ko iyon na hindi ko alam ang dahilan kung bakit..

False AlarmWhere stories live. Discover now