Napakagat na lang din ako sa labi. Ngayon ko lang naalala na first day ko pa lang pala, at sobrang dami ko nang nasaksihan dito. At nanganganib na di rin ako magtagal dito.

Hinatid ako ni Alice sa Temporary Table ko habang nandito pa siya. Dahil pag nag start na ang maternity leave niya ay ako na ang papalit muna sa kanya duon sa pwesto niya kanina.

Di pa nga nagiinit ang pangupo ko sa pagkakaupo sa aking sariling swivel chair ay humahangos na bumalik si Alice patungo sa akin.

"Pinapatawag ka ni sir" sabi nito na para bang nagaalala siya para sa akin.

"Da...dapat ba akong kabahan?" Kinakabahang tanong ko din dito.

Napaiwas na lamang ito ng tingin, kaya naman sala na akong nagawa kundi ang nagtungo sa office ni sir gregory.

"Pumirma na ba siya?" Walang paligoy ligoy na tanong ni sir sa akin, di pa nga ako nangangalahati ng lakad patungo sa kanya.

Kaya naman binilisan ko na ang paglalakad at tsaka marahang inilapag ang contrata. "Im afraid to tell you sir...unfortunately di po niya pinirmahan" malumanay na sagot ko dito.

"DAMN IT!" sigaw niya at nagulat na lamang ako ng lahat ng nasa ibabaw ng kanyang lamesa ay nasa sahig na ngayon.

"Kahit ano? Wala ba siyang hinihingi na kahit ano? Baka pwede nating gawan ng paraan, wala ba siyang ibang sinabi?" Desperadong tanong nito sa akin.

Napalunok tuloy ako at napatulala. Ibig bang sabihin nasa akin ang susi ng lahat ng ito? Pero di ko kayang gawin ang pinapagawa ni Sir Zach sa akin gusto niyang magtaksil ako sa asawa ko at di ko kayang gawin iyon kay Callum.

"Wa...wala po sir" sagot ko dito.

Tumango na lamang ito tsaka ako pinalabas. Kita ko din ang lungkot sa mga mata ni Alice. "Gaano ba ka big deal ang maging kapartner ang companya nila Mr. Alonzo?" Tanong ko kay alice.

"Ang totoo kasi niyan, kung hindi natin makukuha ang endorsement ng Hospitals, University at Company ni Mr. Alonzo, mapipilitan si Sir gregory na ibenta ang companya, mawawalan siya ng karapatan dito...at damay ang lahat pag nagkataon" problemadong pagkwekwento ni Alice sa akin.

Matapos ang mga tagpong iyon ay bumalik na din naman sa ayos ang lahat. Kaya nga lang kita mo pa din ang pagkakatamlay ng ibang empelyado na para bang may kinakatakutan silang mangyari.

Nang magtatanghali na ay nagtext ang mga kaibigan ko na sumabay na ako sa kanila na maglunch at dahil wala namang pinapagawa si alice sa akin at umalis si Sir gregory ay bumaba ako at tsaka pinuntahan kung nasaan ang mga ito.

"Kamusta ang First day?" Tanong ni Elayza sa akin.

Napanguso ako. "Super stress, at super miss ko na din ang baby ko" sagot ko sa kanya.

Sumangayon naman ang mga ito sa akin.

"Nakakatakot nga eh, alam mo na siguradong maraming magbabago...at di impossibleng magtanggal din ng Empleyado" sabi naman ni Christine.

"Di naman siguro" si grace iyon.

Pero parang wala na talagang makakapagbago sa emosyon nila. Batid ko ang takot at kaba sa kanilang dibdib dahil sa issue ngayon.

Tinuruan ako ni Alice ng mga importante kong gagawin sa oras na palitan ko na siya. Di na din naman bumalik si Sir Gregory, marahil ay sobra sobra talaga siyang apektado dahil sa nangyari.

NagGrocery na din na muna ako bago dumiretso ng uwi. Miss na miss ko na talaga si Zeus. Kaya naman lahat ng makita ko sa grocery na pwede niyang makain ay binili ko na.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now