15. Sweet Escape!

Start from the beginning
                                    

"Ha? Sige! Saglit." kinalkal ko agad sa bag kung ano mang damit at short na makuha ko at dali daling nagbihis. "Tapos na."

Humarap sya sa akin. Tinitigan ako saka ngumiti. Biglang naghurimintado ang puso ko dahil sa ngiting iyon. "Sayang! Wala akong nasilip." nakangisi nyang sabi at kinuha ang bag ko at naunang lumabas.

"Ha?"

"Mag a-alas tres na pala,kailangan 3hours before bumiyahe ang barko ay nasa pier na kami. Aya,Japhet ihatid nyo kami sa Pier,alas sais ang alis ng barko." ani Cross ng maabutan ko sila sa sala.

"Sige,tara na." si Japhet ang bumuhat ng dalawa kong bag. Ginamit namin ang kotse ni Crayon. Gusto ko tuloy magtanong kung alam ba ito ni Crayon at Jai?

Si Aya ang nagda-drive,sa front seat si Japhet,sa backseat kami ni Cross.

"Inaantok ka ba? Matulog ka muna." bulong ni Cross,tumango ako at sumandal. Pero laking gulat ko ng akbayan nya ako at hilahin palapit sa kanya. "Dito ka umunan sa lap ko." dagdag nya.

Ihiniga nya ako at sa lap nga nya ako nag unan. Ninerbyos ako dahil sa harap ng ari nya mismo hinarap ang mukha ko. Hindi ko tuloy maiwasang titigan yung bumubukol,palaki ng palaki. Kayasa! Katatapos ko lang sa ganyan kanina kay Flexter eh! Huwag ngayon! Pero malawak ang utak ko at naimagine ko ang itsura ng kay Cross. Linsyak! Atay!

Sinuklay suklay ni Cross ng daliri nya ang buhok ko kaya nakalma ako. Ang sarap sa pakiramdam,pero ang puso ko nagririgodon pa din. Bakit kaya ganon? Posible ba yon? Na dalawang tao ang nagpapalakas at nagpapabilis ng tibok ng puso ko?

"Nandito na tayo. Hindi kami pwedeng magtagal,may pasok pa kami mamaya." ani Aya. Bakit parang ang bilis naman?

Lumabas na kami,ako na din nagbitbit ng dalawa kong bag,ganun din si Cross.

"Salamat mga pre sa tulong ah? Hindi ko maisakatuparan to kung walang tulong nyo. Pakisabi na lang kay Crayon at Jai na naka alis na kami ni Khalil." pagpapasalamat ni Cross.

"That was nothing,magkakapatid na tayo,kaya dapat mahalin natin ang isa't isa at magtulungan." nakangiting sabi ni Aya. Napanganga na naman ako. Nakakatuwa na magsabi sya ng ganun,eh napaka tahimik at suplado nya. "Mag iingat kayo dun. Ikaw Khalil,magtext ka lang pag pinabayaan ka ni Cross,mahal kita,ingatan mo sarili mo" dagdag nito at niyakap ako.

"Ano yon? Bakit sinabi mo pang mahal mo sya? Kala ko ba sikreto yan?" ani Cross na ikinangisi ni Aya. Ang gwapo din talaga ni Aya,sana magka girlfriend na sya.

"Salamat din Aya sa lahat lahat mula umpisa." sagot ko,nagulat pa ako at hinalikan ako ng mabilisan sa labi saka pumasok sa kotse na nakangisi.

"Hoy Aya! Bakit mo hinalikan?" at kinatok talaga ni Cross ang salamin ng kotse.

"So paano Khalil. Hanggang sa muling pagkikita?" napabaling ako kay Japhet. Bumigat ang dibdib ko,tumulo na ang luha ko,agad ko syang niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong gumanti sya ng yakap.

"Maraming maraming salamat Japhet,dahil sayo nakilala ko sila. Ikaw ang dahilan bakit ako nandito,ikaw ang una kong nakilala,salamat talaga,mami-miss kita." umiiyak kong sabi.

"Wala yon,basta tandaan mo,kung may mangyayaring panget,itext mo lang ako,kahit gano kalayo ang Cebu,pupuntahan kita. Mahal kita mula umpisa pa lang,kaso mahal ko din ang girlfriend ko,tulad ni Aya,Crayon at Jai hindi na ako lumaban dahil may mahal kang iba at may mas karapat dapat para sayo,huwag ka ng umiyak,mag ingat ka dun,huwag kang lalayo kay Cross." mahabang sabi ni Japhet at hinalikan din ako ng mabilisan sa labi. "Paalam Khalil."

"Ehem.."

"O sige, una na kami ni Aya." kumalas kami sa yakap,lumapit si Japhet kay Cross at nag manly hug sila at nagbulungan. "Kami na bahala kina Crayon at Jai pag nagwala,ingat at paalam Khalil,Cross tol!." at pumasok na din ito sa kotse at humarurot paalis.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now