"Eat Dii" tawag niya kay Callum at itinapat ang bread stick nito sa bibig ni Callum.

Dumilat si Callum at tsaka ngumanga, tuwang tuwa ang anak ko habang sinusubuan ang daddy niya. "Bakit basa ito?" Natatawang tanong ni callum sa akin habang nasa bibig ang binigay na tinapay ni Zeus.

Natawa na lamang din ako sa kanya. Basa na kasi iyon ng laway ni Zeus. Pero game na game pa din si Callum na kainin lahat ng isinusubo sa kanya ng aming anak.

"Si mommy din subuan mo ng bread stick na sinawsaw mo sa laway mo" pagbibiro na utos ni Callum kay Zeus.

Tinawanan ko na lamang siya ng di na siya pansinin ni Zeus dahil nagsimula na ang susunod na palabas. Dinilaan ko si Callum para asarin.

"Pinagtutulungan niyo akong dalawa ha" pagtatampo nito at umayos na ng upo. Nasa likuran ko na siya ngayon at hinila niya ako pasandal sa kanya.

"Akin mommy" pagsisimula nanaman niya ng pakikipagaway sa anak namin.

"Akin!" Sigaw ni Zeus habang nasa Tv pa din ang buong atensyon niya.

"Love ko kaya si mommy!" Dugtong pa ni Callum dito.

"I love mommy Mo...." more.

Natawa si Callum dahil hindi magpapatalo ang aming anak. "Ano suntukan na lang oh" pangaasar nito kaya naman nakatanggap siya mula sa akin ng pingot.

Masaya ako sa pamilya namin. Kuntento na ako dito...konting konti na lang, buong buo ko ng maibibigay kay Callum ang sarili ko.

"Wag kang kabahan, kaya mo yan" pagaalo sa akin ni Callum tsaka ako hinalikan sa noo.

Napayakap na lang din ako dito dahil sa sobrang kaba. Ngayong araw kasi ang schedule ko for interview sa Combridge. Walang pasok si Callum ngayon kaya naman inihatid nila ako ni Zeus sa papasukan kong Companya.

"Kiss mo na si Mommy ng Good luck baby" sabi ko pa dito.

Nasa harap na kami ng Building, hawak hawak siya ni Callum habang humihingi ako ng kiss mula sa kanya.

"SOFIA!" napatigil kami dahil sa sigawan.

Napabaling ako sa pinanghalingan ng sigaw at duon ko nakita ang mga kaibigan ko. Ang mga ito ay nakangiting nakatingin sa aming gawi. Mabilis din silang lumapit.

"Yan na ba ang baby m..." di natuloy ni Elayza ang kanyang sasabihin ng mas lalo silang makalapit sa amin.

Napakunot ako ng noo ng makita napatigil ang mga ito habang nakatitig sa aking anak na si Zeus na hawak hawak ni Callum.

"Hoy! Anong nangyari sa inyo?" Natatawang pagkuha ko ng atensyon nila.

"Eh uhmm...yan na ba ang anak mo?" Si Jochelle iyon.

"Oo, ito si Zeus..." pagpapakilala ko sa kanila.

Kinuha ko ang kamay ng anak ko at pinagkaway iyon. "Say Hi sa mga tita mo baby" sabi ko pa.

"At ito nga pala si Callum, napakilala ko na siya sa inyo dati di ba? Siya ang asawa ko" nakangiting pagpapakilala ko pa sa mga ito.

Pero sobra talaga akong nagtaka sa mga kinikilos ng mga ito. Nagpaalam na sina Callum at Zeus sa akin. Baka malate na din kasi ako sa Interview ko.

"Kinakabahan talaga ako" sabi ko sa mga ito.

Napahinto ako ng paglalakad ng mga nakatahimik lamang itong nakasunod sa akin na hindi naman nila normal na gawain.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon