--

901 13 2
                                    

( K E V I N )

Mula nang umuwi ako sa bahay ay napansin ko'ng malalim ang iniisip ng asawa ko. Maging hanggan'g sa pagkain namin ng hapunan, ramdam ko'ng may iba siya'ng iniisip.

     “Dinalaw nga pala namin ng anak mo si Lea kanina.” simula na nang pagkukwento niya.

     “Talaga?”

     “Oo, nabore kasi kami rito sa bahay kaya umalis kami, nag-enjoy naman si Via sa pakikipaglaro sa kinakapatid niya'ng si Lance.”

     “Buti naman.”
    
   Ngumiti siya.

     “Alam mo, Tart, ang laki na ng tiyan ni Lea.”

     “Ilan'g months na ba ang pinagbubuntis niya?”

     “Pito.”

     “Dalawa'ng bata na ang palalakihin ni Clark.”

   Ngumiti ulit siya at kumain.

     “Tart.” pagtawag ko sa kanya.

     “Hmm?”

     “Ba’t matamlay ka? Ano ba'ng iniisip mo?”

     “Iniisip ko? Wala naman maliban sa'yo.” nambola pa siya.

     “Hani, kilala kita, may iba'ng laman ang isip mo. May nararamdaman ka ba'ng hindi maganda?”

   Bumuntong-hinga siya.

     “Baka kapag sabihin ko sa’yo pagtawanan mo lang ako.”

     “Bakit?”

     “Kasi nakakatawa ako.”

     “Hani.”

   Matamlay siya'ng ngumiti saka sumagot.

     “Ikakasal na si Ces sa susunod na buwan, aalis na siya rito sa Marikina kasi nasa Bulacan ang bahay na nabili nila ni Jerry. Ibig sabihin nun malalayo siya sa’kin, hindi ko na siya makikita agad-agad kasi kailangan pa niya'ng bumiyahe. Nalulungkot lang ako kasi alam ko malaki ang magbabago kapag nagpakasal ang babae'ng ‘yun.”

     “Siguro ayaw mo'ng mawala siya noh?”

     “Siyempre naman. Magkadikit kaya'ng mga bituka namin. Alam ni Acesia lahat nang sikreto ko, kilala'ng-kilala niya rin ako, lahat sinasabi ko sa kanya, sa kanya ko rin naririnig lahat nang panlalait at pamumuna pero kapag siya ang nagsabi hindi naman ako nasasaktan. Ang hirap lang tanggapin na darating pala ang isa'ng araw na magkakalayo kami'ng dalawa.”

     “Tart, lahat naman ng tao nagmamature at nagkakaro'n nang sarili'ng buhay at pamilya. Matanda na si Ces, at may nakalaan din ang Diyos para sa sarili niya'ng buhay. Alam ko kung ga’no kayo kalapit ng bestfriend mo sa isa’t isa, nakikita ko kung ga’no ka kasaya kapag nakakausap at nakakasama mo siya. Pero kailangan mo siya'ng pakawalan at maging masaya sa buhay na papasukin niya. 'Wag ka'ng umiyak dahil alam ko 'pag nakita ka ni Ces na ganyan ang nararamdaman mo dahil magpapakasal na siya, tiyak magiging malungkot 'yun.”

     “Ayoko talaga kasi ng goodbyes eh.”

     “Hindi naman talaga tuluyan'g mawawala si Ces, nasa Bulacan lang siya. Pwede mo naman siya'ng dalawin dun diba? Hindi na nga lang kayo magiging kagaya noon'g dati na pwede ka'ng maglagi sa bahay niya nang buo'ng maghapon. 'Wag ka'ng mag-alala Tart, pwede mo rin naman ako'ng maging bestfriend diba? Habang malayo si Ces, ako na muna 'yun'g bestfriend mo. Pwede mo naman ako'ng kausapin palagi, sabihin mo sa’kin lahat nang nararamdaman mo, lahat nang plano mo, lahat nang sikreto mo. Kaya rin kita'ng laitin at punain. Pwede'ng-pwede mo 'ko'ng maging bestfriend, at pangako, ako, hindi ako lalayo sa’yo.”

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathWhere stories live. Discover now