Is it Fate?

1K 15 2
                                    


( H A N I )

Matapos ko'ng mag-breastfeed kay Via ay sinandal ko muna ang likod ko sa sandalan ng sofa, kanina pa kasi talaga sumasakit ang likuran ko. Paidlip na sana ako pero bigla'ng may nag-doorbell kaya nagising ako. Bumuntong-hinga muna ako saka tumayo para pagbuksan ang nasa labas.

     “Bree?” gulat ko'ng tanong pagbukas ko ng gate namin.

     “Sino pa ba?”

     “Ba’t napadalaw ka? Ay, pasok ka muna sa loob.”

     “Thanks. Nag-day off ako.”

     “Ah.” pagtango ko tapos ay sinara ko na ang gate.

     “Tara dun tayo sa loob mag-usap.” paanyaya ko pa sa kanya.

   Pagpasok namin'g dalawa ng bahay ay napansin agad ni Bree si Via na natutulog sa loob ng crib.

     “Natutulog pala ang baby.” pansin ni Bree.

   Ngumiti ako at tiningnan ang anak ko.

     “'Yan lang yung hobby niya, ang matulog.” sagot ko.

     “So kumusta naman ang bago'ng chapter ng buhay mo?”

   Binaling ko ang tingin ko kay Bree at nakangiti ako'ng sumagot.

     “Masaya, gumigising ako araw-araw na may dalawa'ng tao na naghihintay sa’kin.”

     “Hani, kung ano man ang nararanasan mo'ng kaligayahan ngayon, you deserve it. Naging mabait ka sa mga tao sa paligid mo kaya the good karma comes in.”

   Ngumiti ako lalo.

     “Salamat, Bree, eh kayo ni Boom? Kumusta?”

     “Super okay kami, pero hindi siya nakasama sakin ngayon kasi busy siya sa pag-aasikaso sa bahay na pinapatayo namin.”

     “Ah.”

     “Hani, gusto mo'ng kumain? Medyo nagugutom ako, tara kainin natin 'to'ng dinala ko'ng muffins.”

     “Sige. Medyo gutom na rin nga ako, eksakto'ng-eksakto at tulog si Via.”








( K E V I N )

Sa loob ng opisina ko, habang tinitingnan ko ang reports and suggestions na ni-submit ng mga hotel managers para sa isa'ng wedding event ay bigla naman'g may narinig ako'ng nagsalita.

     “Kumusta ang bago'ng Daddy?”

   Napatingin ako sa pumasok na lalaki.

     “Ikaw pala, Clark.”

     “Busy ka ata masyado.”

     “Kailangan ko'ng tapusin lahat nang ‘to ngayon para naman bukas pwede ako'ng mag-absent.”

     “Kasi gusto mo'ng makasama ang mag-ina mo?”

     “Oo.”

   Tumawa si Clark.

     “Ba’t ka ba tumatawa? Ganito ka rin naman noon diba?”

     “Oo nga, pero nakakatawa ka lang kasi. Dati ako 'yun'g pinagtatawanan mo.”

     “Ah so gumaganti ka ngayon?”

     “Parang ganun na nga.”

     “Salamat ha?” sarkastiko ko'ng sagot.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathWhere stories live. Discover now