He's Jealous

1K 15 0
                                    


( H A N I )

Hindi ko alam kung ba’t ganun si Kevin, kanina habang nasa biyahe kami, talaga'ng ang tahimik lang niya. Kagabi rin parang nainis siya sa’kin. Pero wala naman ako'ng naaalala'ng nasabi ko na  hindi niya gusto.

   Siguro may iba lang siya'ng iniisip.

   Matamlay at malungkot ako habang naglalakad papunta sa locker room ng ospital. Nadatnan ko ron si Bree.

     “Oh, Hani, ba’t malungkot ka?” tanong niya nang mapansin ang ekspresyon ng mukha ko.

     “Nalilito ako kay Kevin.”

     “Hmm? Bakit?”

     “Kasi ayaw naman nun na naaapi ako, pero bakit noon'g sinabi ko ang tungkol kay Doc Francis ang sabi lang niya sa’kin 'wag daw ako'ng makikipagtalo, hahayaan ko nalang daw?”

   Nagkibit-balikat naman si Bree.

   Bumuntong-hinga ako at inayos muna ang suot ko'ng nurse cap tapos ay umalis na’ko para puntahan si Bullet.

     “Baby Bullet, oras na nang pag-inom mo ng gamot.” sabi ko sa kanya pagpasok na pagpasok ko pa lang sa kwarto niya.

     “Ate Ganda, okay lang po ba kayo?” tanong naman nito matapos ko siya'ng painumin ng gamot.

     “Oo naman, bakit?”

     “Kasi po parang matamlay kayo.”

   Bumuntong-hinga ako.

     “'Wag mo na ako'ng alalahanin, Bullet. Okay lang si Ate.”

     “Ate Ganda, pwede ba'ng kwentuhan mo ako sa sumunod na nangyari sa kwento ng Ulupong na prinsipe at Kutong-lupa'ng prinsesa?”

   Ngumiti ako.

     “Oo naman, sa’n na nga ba tayo?”

     “Dun po sa palagi'ng pinapahirapan ng Prinsipe ang Prinsesa.”

     “Ah, 'yun marami'ng ginagawa ang prinsipe para lang mapaalis sa palasyo ang prinsesa, kaso ayaw magpatalo ng prinsesa kaya gumagawa siya ng paraan para makaganti sa prinsipe, ang dami-dami nila'ng banggaan at awayan…” at nagpatuloy ako sa pagkwento.

   Natigil lang ako sa pagkwekwento nang makita ko'ng nakatulog na si Bullet. Ngumiti ako at inayos ang kumot ng bata.

   Dala-dala ko na ang tray at palabas na sana ng kwarto nang eksakto'ng pumasok si Francis.

     “Tulog na si Bullet.” sabi ko sa kanya.

   Sinulyapan niya ang natutulog na bata sa likuran ko.

     “Kinwentuhan mo na naman ba siya?” bigla niya'ng tanong ta's nagtama pa ang mga tingin namin.

     “Oo.”

     “'Yun'g kwento'ng 'yun, 'yun din ba ang totoo'ng lovestory niyo ng asawa mo?”

     “Oo.”

     “Interesting pala.”

     “Oo.”

   Natahimik kami pareho, ang awkward nang titigan kiyeme na 'yun. Hindi na naman siya sumagot kaya nagpaalam na 'ko na mauuna na'ko'ng umalis.

   Buti pa puro Oo nalang ang isagot ko para hindi na kami magbanggaan, para hindi na rin mainis si Kevin.

   Banda'ng hapon, nakita ko si Boom sa nurse station. Hawak-hawak ko nun ang clipboard ko, kagagaling ko lang sa pag-ra-rounds.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathWhere stories live. Discover now