Third Anniversary

1K 16 2
                                    

( K E V I N )

Unti-unti na rin kami'ng bumalik sa dati. 'Yun'g normal namin'g ginagawa, naglalambingan, nag-aasaran, 'yun'g balikat at 'yun'g tagiliran ko bugbog sarado na naman dahil sa mga paniniko at panghahampas niya sa’kin. Hindi ko na lang rin namalayan na parating na pala ulit ang birthday ko at ang wedding anniversary namin ni Hani.

   Tatlo'ng taon na kami, parang kahapon lang noon'g una kami'ng nagkita sa mall. Ang bilis dumaan ng lahat.

   Huwebes ng gabi, nasa loob kami ni Hani ng kwarto—nagbabasa lang ako ng libro, nakahiga naman siya sa balikat ko habang pareho kami'ng nakaupo sa kama. 'Yun'g kana'ng kamay ko ay nakahawak sa libro at ang kaliwa'ng kamay naman ay hawak-hawak ng asawa ko.

     “Tart.” pagtawag bigla ni Hani.

     “Hmm?”

     “Sa Linggo na 'yun'g anniversary natin.”

     “Ano'ng plano mo'ng gawin sa araw na’yun?”

     “Ikaw? May mga plano ka na ba?”

   Tiningnan ko siya.

     “Balak ko'ng pagsilbihan ka.”

   Napatingin rin siya sa’kin at agad na nginitian ako.

     “Pero may pasok ako sa trabaho diba? kaya hindi pa rin tayo magkakasama buo'ng araw.” she even protrude her lower lip. Damn. You just don't know how cute she was.

   Napangiti ako at hinaplos ang kulay tsokolate niya'ng buhok.

     “Siyempre alam ko 'yun. Pero pwede naman kita'ng pagsilbihan bago ka pumasok sa trabaho, ako 'yun'g magpaplantsa ng uniform mo, tapos maghahanda ako ng breakfast para sa’tin, tapos ihahatid na kita sa ospital. Kapag 7pm na, susunduin na kita. Tapos pupunta tayo sa amusement park, para ron ipagpatuloy ang celebration ng anniversary natin.”

     “Gagawin mo ‘yun? Eh diba birthday mo rin 'yun? Dapat ako ang magsilbi sa’yo.”

     “Birthday gift ko na sa sarili ko ‘yun, gusto ko'ng pagsilbihan ka at maging house husband kahit sa loob lang ng isa'ng araw. Noon'g nakaraan'g birthday ko, ikaw 'yun'g naging abala kaya gusto ko ako naman this time. Dapat balanse tayo diba? Dapat may bigayan.”

   Ngumisi siya sabay tango.

     “Gusto ko 'yun'g naisip mo.”

     “Siyempre, ako pa.”

     “Tss.” pagkatapos ay humiga ulit siya sa balikat ko.

     “Eh ikaw, ano'ng plano mo sa anniversary natin?” 

     “'Yun'g plano mo, 'yun nalang ang gawin natin.”

     “Sus. Tinamad ka na naman'g mag-isip noh?”

     "He!" Na may kasama'ng kurot sa braso.

   Natahimik si Hani ilan'g saglit ang lumipas. Nang tingnan ko siya ay napag-alaman ko'ng nakatulog na pala siya habang nakahiga sa balikat ko. Siguro nakatitig lang siya sa libro'ng binabasa ko kaya siya na-knockdown.


( H A N I )

Magtatatlo'ng taon na ang kasal namin ni Kevin, magrecap nga muna tayo. Kung tutuusin, 5 years na kami'ng magkakilala. Year 2008, sa mismo'ng araw ng 20th birthday ko. Pangalawa'ng dekada ko sa mundo, at dun siya pumasok sa buhay ko. Year 2009 kinasal ako sa kanya nang biglaan. Year 2010 naghiwalay kami at kinasal ulit sa mismo'ng araw naman ng birthday niya. Year 2011 nagkagulo kami dahil kay Monique at Stan. Year 2012 grumaduate ako ng college, at ngayon na 2013 na, may trabaho na’ko at ganap na’kong nurse. Every year may mga achievement ako'ng natatanggap sa buhay ko. Sana sa susunod na taon may achievement na naman kami'ng matanggap ni Kevin.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathDonde viven las historias. Descúbrelo ahora