I Can Be Your Bestfriend

989 15 2
                                    


( K E V I N )

Nagbabasa ako ng report ng staff ko sa loob ng kwarto namin ni Hani. Paglabas niya ng banyo ay lumapit siya sa’kin at niyakap ako bigla mula sa likod.

     “Trabaho ba ‘yan?” pang-uusisa niya.

   Ngumiti ako at tumango-tango.

     “Okay. Mauuna na ako'ng matulog ha?” 

     “Sige.”

     “Good night.”

     “Good night.”

   Humalik siya sa pisngi ko at pumunta na sa kama pagkatapos.

   Matapos ko rin'g basahin ang report ay napalingon ako kay Hani na humihilik na sa oras na ‘yun. Napangiti ako at bumalik na sa pag-aayos ng mga gamit ko hanggan'g sa makita ko sa loob ng drawer ang isa'ng notebook.

   Tiningnan ko ulit si Hani.

     “Magagalit ka kaya kapag nalaman mo'ng may mga itinago ako'ng sekreto sa’yo?” ang nasa loob ng utak ko.

   Nanatili ako sa pagtitig sa humihilik ko'ng asawa, kalaunan ay napabuntong-hinga ako at binalik na ang notebook sa drawer.

   Sa pagbukas ng bago'ng araw, nasa kusina lang si Hani, hinahanda ang tanghalian namin. Ako naman ang naiwan kay Via sa loob ng nursery room para alagaan at aliwin siya. Binabasahan ko siya ng libro, habang nakaupo siya sa kama. Nakatingala lang siya sa'kin, nakikinig sa pagbabasa ko ng parable. Minsan naman nakikisabat siya, hindi ko nga lang maintindihan. Pero panigurado madaldal din 'to'ng anak ko.

   Matapos ko siya'ng basahan ng parable ay humiga ako sa kama. Agad naman ako'ng dinaganan ng anak ko. Hawak-hawak niya ang mga stuff bears niya at gumagapang paakyat ng dibdib ko. Binababa ko siya agad tapos gagapang na naman ulit. Paulit-ulit ko 'yun'g ginagawa dahil natutuwa ako pero bigla siya'ng umiyak. Kaya tuloy napabangon ako at kinarga siya.

     "Binibiro ka lang ni Daddy eh." Pagpapatahan ko sa kanya, pero wala'ng tigil pa rin siya sa pag-iyak kaya lumabas nalang ako ng kwarto, karga-karga ang anak ko.

   Sa pagbaba ko ng hagdan ay natahimik na si Via, tumitingin-tingin na rin siya sa paligid ng bahay. Pinunasan ko ang pisngi niya habang naglalakad ako papunta'ng kusina.

     “Princess, si Mommy oh.” sabi ko nang nasa tabi na kami ni Hani.

   Ngumiti si Hani sabay pout ng lips niya at nakahawak pa sa sandok. Hinalikan ko ang labi niya at inilapit ko rin sa kanya ang mukha ng anak namin saka niya hinalikan ang lips ni Via.

     “Gutom na ba ang mag-ama ko?” tanong niya.

     “Medyo.” 

   Ngumiti ulit siya.

     “Sige, maupo muna kayo. Maghahain lang ako.” utos niya sa’kin.

   Tumango ako at dinala na si Via sa dining area. Pinaupo ko ang anak ko sa high chair na kulay pink at katabi naman niya ang upuan ko.

     “Kakain na tayo maya-maya lang ha? Behave ka muna, princess.” sabi ko kay Via na busy sa paglalaro nang hawak-hawak niya'ng pacifier.

   Dahil araw 'yun ng Linggo, buo'ng araw ako'ng nasa tabi lang ng asawa at anak ko. Nagkulong kami'ng tatlo sa nursery room at sabay namin'g inaaliw si Via habang pareho kami'ng nakahiga sa kama na nandun din sa nursery room. 'Yun'g tawa ni Via nakakagigil, parang 'yun'g tawa lang din ng Mommy niya.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathWhere stories live. Discover now