--

985 13 0
                                    


( K E V I N )

Ang saya ni Hani sa gabi'ng 'yun. Habang tumatagal mas nagiging maganda siya, mas nakakagigil tignan, 'yun nga lang mas nagiging clingy at mataray rin.

   Umuwi sina Mama banda'ng alas nuwebe ng gabi, mahigit isa'ng oras lang ang nilagi nila sa bahay. Kahit na gustuhin pa nila'ng mag-usap, hindi na muna pupuwede dahil nga maselan ang kondisyon ng asawa ko. Sabay namin'g hinatid sa garahe ng bahay ang mga magulang namin, nakakaakbay ako sa kanya habang kumakaway na siya kina Mama.

     "Kailangan mo nang matulog." Nasabi ko pagkasara ng gate.

     "Okay. Tabihan mo 'ko ha?" Ang cute lang nang sabihin niya 'yun. Para siya'ng bata na hindi makakatulog kapag wala siya'ng katabi'ng magulang.

   Napangisi ako.

     "Siyempre naman."

   Ngumisi na rin siya at nagtago sa kilikili ko. Napabuntong-hinga ako at naglakad na papasok ng bahay habang sinisimot niya ang kilikili ko. Pinaglilihian ata talaga niya ang amoy ko.

   Sa loob ng kwarto namin, nauna ako'ng pumwesto sa kama. Nagpunta muna siya ng banyo. Habang nandun siya sa loob ng banyo ay inihilig ko muna ang likod ko sa unan, pinagpahinga ko kahit sandali ang balikat, likod at mga binti ko. Huminga ako nang malalim at binuga rin ito matapos ang ilan'g saglit.

   Hanggan'g sa bumukas na ang pinto sa banyo, napatingin agad ako ron at nagngitian kami'ng mag-asawa. Tinitigan ko lang siya habang naglalakad siya palapit ng kama namin. Umalalay agad ako sa kanya nang pasampa na siya rito.

   Ngumiti ulit kami sa isa't isa.

     “Masaya ako kasi dumalaw si Mama at Papa.” pagkwento niya habang inaayos ang unan, tapos ay humiga na rin ilan'g segundo ang dumaan.

   Ngumiti ako at umusog para ikulong siya ulit sa mga bisig ko.

     "Tart."

     "Hmm?"

     "Bakit ako?"

     "Bakit ikaw ang alin?"

     "Ang nandito sa pwesto'ng 'to? Ang kayakap mo, ang nagdadala ng anak mo? Bakit ako?"

    Ngumiti ako.

     "Kasi ikaw si Hani Mirasol."

     "Ha?"

     "Hindi ko rin alam kung bakit. Pero isa'ng araw, narealize ko nalang na pwede kita'ng kwentuhan nang kahit ano. Naging mas kilala ko ang sarili ko sa emosyonal na paraan mula nang dumating ka sa buhay ko. Natuto ako'ng magselos, magalit, matakot, magmahal. Isa'ng araw naisip ko nalang na gusto ko'ng gawin habangbuhay ang asarin ka at suyuin ka kapag napikon ka sa'kin. Isa'ng araw naisip ko nalang na gusto ko'ng yakapin ka kapag pagod ka, kapag umiiyak ka gusto ko ako ang magpupunas ng mga luha mo, kapag may nagawa ka'ng maganda, gusto kita'ng sabihan na proud ako sa'yo. Kapag may gusto ka'ng gawin, gusto ko'ng iparamdam sa'yo na sinusuportaan kita. Gusto ko'ng gawin ang mga bagay na 'yun kasama ka, araw-araw."

   Napasinghot-singhot siya.

   Nang silipin ko siya ay luhaan na naman ang mga mata nito.

     "Mahal na mahal kita." sabay punas ng luha niya.

   Nangiti naman siya kahit na umiiyak pa rin.

     “Magpahinga ka na. Bukas, mahal at mamahalin pa rin kita.”

     "Ako rin." nakangisi niya'ng sagot.

   Hindi na'ko nagsalita.

   Ang sarap lang niya'ng pagmasdan.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathWhere stories live. Discover now