--

821 14 0
                                    

( K E V I N )

“Tart.” pagdaldal niya nang mag-almusal kami.

     “Bakit?”

     “Diba may utang ka pa sa’kin?”

     “Hmm?”

     “'Yun'g tungkol kay Ethan dati? Diba sabi mo babawi ka?”

     “O, eh ano ngayon?”

     “Pwede ba'ng….ay, 'wag nalang, gagastos lang tayo.”

     “Gusto mo'ng pumunta sa concert niya?”

     “Huh? Ah—” pag-aalangan pa niya pagkatapos ay ngumiti siya, “Sana, kung papayag ka.”

     “Kaya mo ba'ng mag-overseas mag-isa?”

     “Huh? Hindi ka sasama?”

     “Ayoko naman kay Ethan, kaya ba’t ako sasama? At isa pa, meron ako'ng importante'ng meeting this week kaya hindi ako pwede'ng mag-abroad.”

   Bigla'ng naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya.

     “Hindi na rin lang ako pupunta sa concert niya.” mahina niya'ng sagot.

     “Bakit?”

     “Eh kasi wala ka naman, at saka, hindi ako sanay sa Korea, baka maligaw lang ako.”

     “Tingin mo sanay ako ron?”

     “Mahilig ka'ng magbasa ng mga libro tungkol sa iba'ng bansa kaya pamilyar ka na sa lugar at lengwahe nila, kaya mas mabuti kung magkasama tayo. Pero kung hindi ka pwede, hindi na rin ako pupunta.”

     “Hintayin mo nalang na mag-concert dito si Ethan Lin.”

     “Tama, 'yun nalang ang gagawin ko. Baka susunod niya'ng puntahan ang bansa natin, hihintayin ko nalang ang araw na’yun.”

   Palihim ako'ng ngumiti, natutuwa talaga ako kapag nabibiro ko si Hani. Kung alam lang sana niya na matutupad na 'yun'g pangarap niya'ng makita sa personal si Ethan.

   Sa sumunod na mga araw ay palihim ko'ng pinuntahan ang ospital para kausapin ang management, ipinagpaalam ko si Hani sa kanila at sinabi ko rin na sana 'wag sabihin kay Hani ang tungkol sa ginawa ko dahil balak ko siya'ng sorpresahin. Buti nalang at kaibigan ko na si Francis kaya hindi na’ko nahirapan na kumbinsihin ang iba pa'ng head ng ospital.

   Tatlo'ng araw bago ang concert ni Ethan Lin ay sinadya ko'ng iwan ang isa'ng folder sa loob ng walk in closet namin, inipit ko ron ang tickets ng concert ni Ethan.

     “Tara na.” sabi ni Hani nang bumaba na’ko ng hagdan.

   Ngumiti ako at umakbay na sa kanya habang naglalakad kami papunta ng kotse ko na nasa garahe ng bahay.

   Pasakay na kami ng sasakyan nang matigilan ako at tiningnan siya.

     “Bakit?” tanong niya.

   Tiningnan ko kunwari ang loob ng bag ko.

     “Hani, naiwan ko 'yun'g papeles sa walk-in closet natin.”

     “Sige, babalikan ko.”

     “Salamat.” nakangiti ko'ng sagot.

   Ngumiti rin siya at mabilis na naglakad papasok ulit ng bahay.




( H A N I )

Pagdating ko ng walk in closet namin ay nakita ko agad ang folder na may papeles sa sofa.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathWhere stories live. Discover now