Danita's Wish

1K 17 1
                                    

( K E V I N )

Nauna ako'ng nagising, yakap-yakap pa rin namin'g dalawa ni Hani ang isa’t isa. Hindi nga lang ito kasing higpit nang kagabi. Naramdaman ko na ang pamamanhid ng braso ko. Pero nang titigan ko ang asawa ko'ng payapa'ng natutulog ay napangiti nalang ako. Bahagya'ng nakabukas ang bibig niya, sobra'ng nakakagigil ng mga pisngi niya. Ilan'g saglit pa ay gumalaw siya at naalimpungatan habang nagkakamot sa likod ng tenga.

   Ngumiti naman ako nang mapalunok siya at dinilat na ang mga mata.

     “Good morning.” pagbati ko sa kanya.

   Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis at nakipag-nose to nose sa’kin habang pumipikit ulit at mas lalo ako'ng niyakap. Tiningnan ko lang siya at ilan'g segundo ang dumaan ay dumilat ulit ang mga mata niya at tinitigan ako.

     “Good morning.” paglalambing niya umaga'ng-umaga.

     “Maayos ba ang tulog mo?”

     “Oo, ikaw?”

     “Oo, kasi katabi kita.”

     “Aga natin'g mambola ah.”

     “Hindi ako nambobola.”

     “Weh?”

     “Oo nga.”

     “Sus, o sige na nga.”

   Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya, ang ilong niya, ang magkabila'ng pisngi niya, ang labi niya, ang baba at ang leeg niya. Nang hinalikan ko ang leeg niya ay natawa siya.

     “Nakikiliti ako.” pigil niya.

     “Hindi naman kita kinikiliti ah.” nakangiti ko'ng sagot at hinalikan ko ulit ang leeg niya. Wala'ng tigil naman siya sa pagtawa at tinutulak ako palayo pero mas lalo ko siya'ng kinukulit.

     “Tart naman eh.” nakangisi niya'ng sabi.

   Tiningnan ko siya, sabay nalang kami'ng natawa sa isa’t isa.

     “Magluto ka na, gutom na’ko.” utos nito.

   Ngumiti ako at humalik muna sa pisngi niya.

     “Ano ba'ng gusto mo'ng kainin?”

     “Gusto ko nang tosilog tapos mainit na tsokolate.”

     “Okay.”

     “Yehey!”

   Natawa ako.

   Lumabas kami ng tent, madilim pa ang paligid, maski ang hangin ay malamig pa. Nang tingnan ko ang cellphone ko ay pasado alas kwatro pa pala. Kanya-kanya kami'ng nag-unat ng katawan. Narinig ko pa ang pagtunog ng braso ko nang unatin ko 'to.

     "Tart." pagtawag niya.

     "Bakit?"

   Ngumiti siya at hinalikan ang braso ko.

     "Thank you sa pagpapahiram lagi ng braso at balikat mo."

     "Ba't di mo halikan pati ang balikat ko?"

     "Eii, 'di ko abot." 

   Tinawanan ko siya.

     "Sige, magsalita ka. Magsalita ka." banta niya na may pagsapak sa tagiliran ko.

     "Cute naman kasi ang height mo."

     "He! Magluto ka na nga."





BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathWhere stories live. Discover now