Her Appetite

914 15 1
                                    


( K E V I N )

Pag-uwi ko ng bahay ay nandun pa rin pala si Mama, talaga'ng hindi niya iniwan si Hani hangga’t 'di pa ‘ko nakakauwi. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko kay Mama dahil isa siya sa mga naging mother-figure ni Hani.

     “Ma, kumusta ho si Hani? Magaling na ho ba ang makulit at matakaw na babae'ng 'yun?”

     “Natutulog na ulit siya, pero puro prutas at tubig lang ang laman ng tiyan niya ngayon.”

     “Siguro ayaw nang tumanggap ng tiyan niya ng mga solid food, ang lakas kasi'ng kumain. Baka kung ano nang nangyayari sa loob ng tiyan niya.”

     “Ano ba kasi'ng mga kinakain ni baby girl?”

     “Kung ano-ano lang ho, sa nagdaan'g gabi ang rami niya'ng nakain na kanin.”

     “Sana naman binawalan mo, baby boy, bawal ang medyo marami'ng carbs.”

     “Ma, alam niyo naman'g natatalo lang ako kapag nakipag-diskusyon pa 'ko sa kanya. 'Wag ho kayo'ng mag-alala, dadalhin ko na po siya sa doctor bukas kapag hindi bumaba ang lagnat niya.”

     “Mas mabuti nga 'yun, baby boy, pa’no kung bumalik pala 'yun'g dengue niya?”

     “'Wag naman po sana, Ma.”

     “Mas mabuti na 'yun'g nakakasiguro tayo.”

   Nang makaalis na si Mama ay ako na nga ulit ang nagbantay kay Hani, may lagnat pa rin kasi siya pero hindi na rin naman masyado'ng mataas. Mula 38 ay naging 37.5 nalang ito. Umupo ako sa kama habang katabi ko ang natutulog ko'ng asawa, dinampi ko ang palad ko sa noo niya at tinitigan lang siya.

( H A N I )

Nagising ako at agad ko'ng naramdaman na may nakapatong sa noo ko. Pagtingala ko ay nakita ko si Kevin na nakaupo habang tulog, nakapatong ang palad niya sa noo ko. Napangiti ako at dahan-dahan na inalis ang kamay niya saka ako bumangon at dahan-dahan'g umalis ng kama. Ingat na ingat ako dahil ayaw ko naman'g magising ang asawa ko.

   Buti nalang at wala na’kong lagnat, sabi ko na nga ba, dahil lang sa pagod 'yun'g lagnat na ‘yun.

( K E V I N )

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko'ng gumalaw ang kama, ta’s sa pagdilat ko ay ang paalis ng kama na si Hani ang nakita ko. Hindi niya siguro napansin na nagising ako, tahimik din ako'ng umalis ng kama at sinundan siya.

   Nang pabas na siya ng kwarto ay bigla siya'ng nahilo. Tumakbo ako at umalalay sa kanya bago pa man siya matumba.

     “Okay ka lang ba? May sakit ka pa rin ba?” tanong ko.

   Tumingin siya sa’kin at umiling-iling.

     “Hindi, wala na, siguro dahil nagugutom na ako.”

   Napangiti ako.

     “May gana ka na ulit kumain?” nakangiti'ng tanong ko sa kanya.

   Tumango-tango lang siya.

   Magaling na nga siya dahil balik na naman sa dati'ng trabaho ang tiyan niya.

     “Eh di mabuti, sige magluluto lang ako, dito ka muna sa kwarto.”

     “Sasama ako sa’yo.”

     “Hindi, dito ka nalang muna, mahiga ka.”

     “Pero kakabangon ko lang.”

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon