--

840 13 1
                                    

( K E V I N )

Matapos ang break time ni Hani ay hinatid na niya ako sa parking lot ng ospital.

     “Babalik ka na ng opisina?” tanong niya habang nakaangkla sa isa'ng braso ko. 

     “Oo.”

   Ngumiti siya at inayos ang black suit na suot ko.

     “Susunduin kita mamaya.”

     “Talaga? Hindi ka ba busy?”

     “Hindi naman.”

   Napangiti ulit siya at tumango.

     “Sige, hihintayin kita.”

   Nahawa ako sa ngiti niya.

     “Ok." at binigyan ng halik ang pisngi niya.  “Aalis na ako, see you later.” dagdag ko pa.

     “See you later.”

     “I love you.”

     “I love you, too.”

   At nagngitian kami'ng dalawa.

   Nang nakasakay na ako ng kotse ay nagtinginan ulit kami, kumaway siya sa’kin sabay sabi'ng I love you. Napangiti ako at nag-I love you ulit sa kanya.

( H A N I )

Hinatid ng mga tingin ko ang kotse ni Kevin, palayo na ito nang palayo hanggan'g sa tuluyan nang mawala sa paningin ko.

   Napabuntong-hinga ako. Sana naman araw-araw niya ako'ng bisitahin sa ospital para palagi ako'ng kiligin. Pero impossible naman 'yun, abala rin siya sa trabaho niya ta's ang haba pa ng biyahe papunta rito. Magtitiis nalang ako sa pictures at videos niya sa loob ng cellphone ko.

   Naglakad na rin ako pabalik ng ospital, dala-dala ko pa rin ang kilig ko.

   Pero nagbago 'yun nang bumalik na’ko sa ward ni Bullet. Nadatnan ko ron si Doc Francis na chini-check ang paghinga ng bata.

     “Ano'ng nangyari?” tanong ko.

     “Difficulty in breathing.” simple'ng sagot ni Francis.

   Agad napalitan nang pag-aalala ang kilig na nararamdaman ko. 'Yun'g puso ko parang sasabog sa kaba.

     “Baby Bullet, ok ka lang? Ba’t 'di ka makahinga?”

     “Ganito po talaga ako, Ate Ganda." Naging kalmado na siya nang sagutin niya 'ko.

     “'Wag ka'ng mag-alala, binigyan ko na ng inhaler si Bullet.” sagot ni Francis sabay labas ng ward.

   Napatingin ako sa kanya at sinundan ko agad siya sa labas.

     “Doc Francis, sandali.”

   Lumingon siya, nandun na naman ang nanlilisik niya'ng mga mata.

     “Bakit?”

     “Talaga ba'ng okay lang si Bullet?”

     “Oo, paminsan-minsan hindi talaga makahinga si Bullet, side effect 'yun nang gamot na iniinom ng bata.”

     “Ah.” mahina'ng reaksyon ko sabay yuko nang bahagya.

     “Kaya dapat pagkatapos niya'ng uminom ng gamot kailangan bantayan muna siya. Pero may isa'ng nurse kasi na mas inuna pa ang pakikipagkita sa boyfriend niya kesa bantayan ang pasyente.” nagpaparinig pa siya.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz