--

959 18 2
                                    


( H A N I )

Sa kalagitnaan ng gabi, habang natutulog na si Kevin ay hindi pa rin ako madapuan ng antok. Tinitigan ko nanf mabuti ang tulog ko'ng asawa na nakakainis sa sobra'ng kagwapuhan.

   Naalala ko ulit ang sinabi ni Bree.

     “Buntis nga ba talaga ako?” tanong ng utak ko.

   Napahaplos ako sa pisngi niya at niyakap siya nang mahigpit pagkatapos.

   Sa mga sumunod na araw, parati'ng nagtatalo ang sarili ko kung gagamit ba ako ng PT o kakatok sa opisina ni Doc Alice. Hindi na rin naman ganun kalala ang cravings ko, okay fine paminsan-minsan kulang nalang magwala ako kapag hindi ko mabili 'yun'g gusto ko'ng kainin.

   Miyerkules, dinatnan ako.

   Huwebes, hindi umuwi si Kevin dala na rin ng trabaho niya. Masyado'ng marami'ng kailangan na asikasuhin'g event sa hotel.

   Biyernes.

   Sabado.

   Alam ko may kakaiba.

   Linggo, nagising ako na hindi na naman maganda ang nararamdaman nang loob ng tiyan ko. Umalis ako ng kama at pumunta ng banyo para sumuka.

   Pangalawa'ng araw na 'yun na sumusuka ako kapag gumigising ako.

   Nang naghihilamos na ako ay tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin. Parang nakita ko si Bree sa gilid ko na nagsasalita.

     “Hello? What if talaga'ng preggy ka na, hihintayin mo nalang na lumubo ang tiyan mo? Maselan ang condition mo kaya dapat sapat ang nutrients ni baby kaya sige na magpatingin ka na.”

   Dinatnan nga ako pero dalawa'ng araw lang naman 'yun, tapos ang hina-hina pa.

     “Posible, posible naman diba?” pakikipag-usap ko sa repleksyon ko.

   Binuksan ko ang hanging cabinet sa ibabaw ng sink at kinuha ang isa'ng pregnancy test kit, buwan-buwan bumibili ako nang isa nun pero sa buwan ng January hindi ko pa nagagamit dahil nawalan na rin naman ako nang pag-asa.

   Nang hawak ko na ang kit ay napabuntong-hinga ako at umupo sa toilet bowl. Nagdadalawa'ng isip pa rin ako dahil baka mali na naman ako.

   Natalo ako nang takot ko kaya lumabas ako ng banyo at bumalik sa pag-upo sa kama. Bigla naman'g naalimpungatan si Kevin.

     “Okay ka lang ba, Tart?” tanong niya. Kahit bago'ng gising, putek ang gwapo pa rin.

     “Oo, Tart.”

     “Nagugutom ka na?”

     “Hindi naman.”

     “Magpahinga ka muna, alas sinko pa.”

     “Mm.” at humiga na agad ako, niyakap din naman niya ako agad, 'yun'g mahigpit na yakap. Bumuntong-hinga ako at niyakap rin siya pabalik.

   Hindi ulit ako nakatulog, at nang mag-aalas sais na ay bumangon na naman ako at pumunta ng banyo. Kinakabahan ako pero gusto ko na rin'g tuldukan ang hinala ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, kaloka parang may nag-iba talaga sa'kin.

     "Hoh!" Reaksyon ko at nagdisesyon na subukan na nga ang pregnancy test. Hinintay ko na maihi ako, pero hindi naman sobra'ng tagal. Nate-tense kasi ako kaya madali ako'ng naihi. Matapos ko'ng maglagay ng urine sa kit ay pinatong ko lang 'to sa nook ng sink. Hinintay kung ano ang kalalabasan.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathKde žijí příběhy. Začni objevovat