Nurse Hani

910 15 0
                                    

( K E V I N)

Sa loob ng opisina ay kinausap ko si Lani at nagpatulong sa pagreresearch ng mga hospital websites na nangangailangan ng volunteer nurses. Sa pag-alis niya ng opisina ay pumasok naman si Clark na narinig pala ang inutos ko sa assistant ko.

     “Para kay Hani ba ang ginagawa mo?” tanong ni Clark.

     “Sumusuko na kasi siya, ayoko naman'g masayang lang ang mga pinaghirapan niya. Ilan'g taon siya'ng nagpakahirap para makatapos sa pagiging nurse tapos hindi naman pala niya magagamit ‘to.”

     “Pare, mahirap talaga'ng maghanap ng trabaho ngayon. Ay, ganito nalang, ba't 'di mo bayaran 'yun'g ospital na pagvo-volunteeran ni Misis?"

     "Ano?"

     "'Yan 'yun'g ginawa nang ex ko'ng nurse. Binayaran nila 'yun'g ospital. Certificate lang naman 'yun'g habol nila eh."

     "Unfair naman ata 'yun."

     "Pero mas unfair 'yun'g magtrabaho ka pero wala'ng bayad. Naaawa nga 'ko kay Lea eh, tatlo'ng buwan siya'ng magtatrabaho sa isa'ng ospital pero wala'ng bayad. Kung pwede ko lang sana'ng bilhin ang certificate na 'yun, gagawin ko."

     "If ever pwede, sigurado ako pag-aawayan namin'g mag-asawa 'yun. Magiging unfair para kay Hani 'yun. Mas lalo'ng mawawalan 'yun ng gana."

     "Sabagay. Pero pagkatapos nang pagvo-volunteer, mababawi niyo na ang pera 'pag nakapagtrabaho na talaga si Hani sa ospital. Lalo na kung dollars 'yun'g kikitain niya."

     “Ang ibig mo ba'ng sabihin. Gusto mo'ng dun sa iba'ng bansa pagtrabahuin ang asawa ko?”

     “Hindi naman sa ganun, pero kung sa’n may mas maganda'ng opportunity, then why not diba?”

     “No, hindi ako papayag, at saka pa’no kung si Lea dun din magtrabaho sa iba'ng bansa. Okay lang sa’yo?”

     “Hindi rin.”

     "Kita mo na? Pareho lang tayo."

     “Diba magkasama sila ni Hani kahapon? Natanggap ba si Misis?” tanong niya bigla.

     “Tingin ni Hani hindi siya makakapasok dun.”

     “Ah, so kaya pala nakikialam ka na sa paghahanap ng trabaho para sa asawa mo.”

     “Ganun na nga.”

     “'Wag ka'ng mag-alala, tatanungin ko rin 'yun'g mga connections ko.”

     “Salamat, Clark.”

     "Anything for my bestfriend-in-law."

  

Nasa walk in si Hani, pinaplantsa ang damit na isusuot ko sa kinabukasan. Nilapitan ko siya habang hawak-hawak si U-bear, 'yun'g kulay brown na teddy bear.

     “Hindi ka ba umalis ng bahay ngayon?” tanong ko.

     “Huh? Pa’no mo nalaman?”

     “Kasi napakalinis ng bahay, bawat sulok wala'ng kahit ano'ng alikabok. Therefore, buo'ng araw nandito ka lang at naglilinis, tama?”

     “Oo nga pala, nakalimutan ko matalino ka.”

     “So tama ako?”

     “Oo.”

     “Ba’t 'di ka umalis? Sana nagpunta ka ng mall kasama sina Bree at Lea, o 'di kaya sa plaza kasama si Ces o dun sa shop ni Mama dahil sigurado ako'ng miss na miss ka na nun. O 'di kaya, pinasyal mo ang sarili mo."

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon