--

856 14 3
                                    


( H A N I )

Mabilis ako'ng tumakbo papunta'ng sala at pasalampak na umupo sa sofa sabay sagot ng tawag. Si Lea pala ang nasa kabila'ng linya.

     “Uy, Lea!"

     “Hani, nakausap na namin ang wedding planner kanina.” 

     “Talaga?”

     "Oo, nakakapagod 'yun'g feeling pero masaya.” 

   Kinilig ako nang maalala ko ang kasal ko.

     “Tama ka, Lea, pero dapat magpahinga ka ha? Buntis ka pa naman.”

     “Oo naman, Hani, at saka alam mo ba? Tingin ko si Clark ang naglilihi.” 

   Natawa ako.

     “Ba’t mo naman nasabi 'yan?”

     “Kanina kasi naduduwal siya tapos ang silan-silan niya sa mga naamoy niya. Ayaw niya rin'g kumain ng mga pagkain na may gata.” 

     “Kawawa naman si Clark kung siya ang naglilihi.”

     “Tingin ko tama nga 'yun'g sinabi nang Mommy ni Clark na dapat hakbangan ko si Clark sa pagtulog para siya ang maglihi.” 

     “Talaga? Totoo ba talaga ang pamahiin na ’yun?”

     "Siguro. Kasi hinakbangan ko si Clark eh.” 

     “Sa’n at kailan mo naman hinakbangan si Clark?”

     “Kagabi, dito kasi siya natulog sa bahay namin.” 

     “Pilya ka talaga.” nakangiti ko'ng sagot.

     “Sinubukan ko lang naman ang sinabi ng mother-in-law ko, hindi ko naman akalain na magwo-work pala agad.” 

     “Siyanga pala, papasok ka ba bukas sa trabaho?” bigla ko'ng natanong.

     “Oo, kaya ko naman eh. Pero after ng kasal, hindi na muna siguro ako papasok.” 

     “Ah, okay.”

     “Um, sige na, Hani, kakain muna ako ng prutas ha?” 

     “Sige, bye bye.”

   Nang ibaba ko na ang telepono ay nakangiti pa rin ako. Sana naman sa susunod ako na ang mabuntis.






( K E V I N )

Nakita ko ulit si Hani na nakangisi'ng palapit sa'kin. Nakakatuwa lang na makita siya'ng ganun kasaya.

     “Si Lea 'yun'g tumawag, kinuwento sa’kin 'yun'g preparations sa kasal nila ni Clark.” nakangisi'ng sabi nya, hindi ko pa man siya natatanong.

   Tumango-tango lang ako at sumagot pero wala'ng kinalaman sa sinabi ng asawa ko.

     “Siyanga pala, 'wag ka'ng tatakbo masyado dito sa loob ng bahay.”

     “Hmm? Ba’t naman hindi?” habang kumukuha ng isa'ng piraso ng cheery sa bowl.

     “Pa’no kung madulas ka?”

     “Hindi naman siguro ako madudulas.”

     “Pa’no ka nakakasiguro?”

   Ngumiti siya at binalik sa bowl ang hawak na cheery tapos ay niyakap niya 'ko mula sa likod.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathWhere stories live. Discover now