The Cold-Hearted Doctor

1K 12 0
                                    

( K E V I N)

Suot-suot ng asawa ko ang isa'ng puti'ng uniform habang nakatali ang lahat ng buhok niya. Talaga'ng handa'ng-handa na siya sa pagpasok niya sa trabaho sa araw na ‘yun. Una'ng araw 'yun nang pagiging official Nurse Hani niya. Hindi naman mawala sa mukha niya ang tuwa at excitement habang nasa biyahe kami papunta sa ospital na pagtatrabahuan niya.

     “Tart, 'wag ka'ng hahanap ng gulo ulit sa trabaho mo ha? Ayoko nung umiiyak at nafu-frustrate ka.” paalala ko sa kanya.

     “Tss. Hindi na noh. Hindi naman talaga ako pabaya'ng nurse, ang galing-galing ko kaya tuwing may practical tests kami nun. Skills ang meron ako, Tart, hindi intelligence.”

   Napangiti ako sa sinabi niya kaya sinundot niya ang braso ko.

     “Hoy, ba’t ka ngumiti ng ganyan? Tama naman ang English ko ah, at may sense ang sinabi ko.”

     “Alam ko.”

     “O, ba’t mo 'ko pinagtatawanan?”

     “Wala lang, 'di ko mapigil. Naku-kyutan ako sa’yo.”

     “Sus. Ano'ng akala mo sa’kin? Kagaya nang mga napapanuod mo sa cartoons? Tss, mas maganda ako ron noh.”

     “May sinabi ba ako'ng ganun? Wala naman diba?”

     “Ewan ko sa’yo.”

   Ngumiti ulit ako.

( H A N I )

Una'ng araw ko sa trabaho sa Hearts of Angel, ni-tour muna kami ni Nurse Ella sa lugar. Pinaliwanag niya sa'min ang shifting of duties. 7am-7pm, kapag graveyard naman 7pm-7am. Isa'ng araw lang ang allowed namin na rest day, the rest ay kailangan nang mag-file ng leave with valid reasons. Labindalawa'ng oras lang talaga ang duty namin, pero kapag may nag-leave na nurse ay aabot ito ng 18-24 na oras.

   Matapos kami'ng ma-orient ay ipinakita na sa amin ang mga pasyente. Sa una'ng building, 'yun'g nasa kanan kapag kaharap mo ang gate, nandun ang mga matatanda na nag-uulyanin na, ang iba naman marami nang sakit na kailangan talaga e-monitor. Dalawa ang attending doctors, si Doc Alice at Doc Norman. OB-Gyne si Doc Alice, sa Family Medicine naman si Doc Norman.

   Sa kabila'ng building, mga bata naman ang nandudun. Kung nursing home ang kabila'ng building, dito naman para na talaga siya'ng ospital.  Lima ang kwarto para sa pasyente, may opisina ang mga doctor. Tapos may emergency room din naman, imposible'ng wala. Si Doc Francis ang may hawak sa building, siya lang 'yun'g pediatrician kasi rito, si Doc Paula naman ay ENT specialist.

   Labindalawa'ng oras din 'yun'g duty hours ng mga doctor, dahil nga konti lang sila, minsan pa kailangan na 36 na oras. Hindi naman kasi pwede na wala'ng attending physician. May mga pagkakataon na kasi na nagwawala ang mga pasyente sa nursing home building. Hindi mo rin naman malalaman kailan darating ang emergency kaya kailangan may doctor.

   Ang sabi ni Nurse Ella, sampu'ng nurse lang ang meron sa ospital, pang-sampo siya. So lima'ng nurses lang ang usually on-duty. Tatlo sa nursing home, dalawa sa mga bata—minsan nagkaka-pull-outan pa lalo na kung may emergency. Labintatlo na ang pasyente sa nursing home, sa children's ward naman ay lima. Kahit maliit ang ospital kumpara sa mga nasa siyudad, maganda at malinis naman ito. Up to date rin ang teknolohiya at equipments. Para siya'ng community hospital, ang kaibahan nga lang, long-term ang paglalagi ng mga pasyente rito.

      "Tuwing Lunes, may community service. Free check up, dumarating din dito ang kaibigan ni Doc Francis na dentista, nagvo-volunteer. Medyo busy talaga kapag Lunes, kaya sana, please lang I do ask for your cooperation." huli'ng instruction ni Nurse Ella.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathDove le storie prendono vita. Scoprilo ora