--

900 11 0
                                    

( H A N I )

Sa sumunod na araw ay naghanap ulit ako ng trabaho, nagsend ako ng resume sa email address ng mga malapit na ospital. Sinabay ko nalang din ang paggo-grocery tapos habang nagmemeryenda ako sa isa'ng fast food chain ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Bree.

     “Hi, Bree.”

     “Hani, may nahanap ka na ba'ng ospital?”

     “Hmm? Wala pa nga eh, ikaw?”

     “Wala rin, pero may kaibigan kasi ang Mommy ni Boom na nasa isa'ng private hospital nagtatrabaho, maliit lang siya pero why not try diba? Pupuntahan ko nga bukas, magbabakasakali ako. Sama ka sa’kin oh.”

     “Sasama rin ba si Lea?”

     “Siyempre naman.”

     “O sige, sasama ako.”

     “Sige, magkita-kita nalang tayo sa labas ng subdivision niyo ha?"

     “Okay.”

     “Sige, bye. See you."

   Napangiti ako matapos namin'g mag-usap ni Bree. Sana nga makahanap na’ko ng trabaho, excited na talaga kasi ako'ng mag-alaga ng mga pasyente.

   Nang gumabi na, habang naghahapunan na kami ni Kevin ay sinabi ko agad sa kanya ang tungkol sa offer ni Bree.

     “Magbabakasakali kami sa isa'ng pribado'ng ospital.”

   Tumango siya agad.

     “Ok, sana ito na talaga ang swerte mo.”

     “Sana, para naman bago ang birthday ko ay magkaroon na ako ng trabaho. Birthday gift ko na sa sarili ko kumbaga. Tsaka, gusto ko na rin'g bumawi sa'yo.”

     "Sa'kin?"

     "Oo," na may pagtango, "Ang haba-haba na ng listahan ng utang ko sa'yo. Wala naman'g tubo 'yun diba?"

   Natawa siya.

     "Sino ba'ng may sabi na naniningil ako?"

     "Nakakahiya kaya. Hindi mo naman obligasyon na pag-aralin ako."

     "Asawa kita. Obligasyon na kita kahit na ano pa'ng sabihin mo."

     "Ah, basta. Babawi ako sa'yo."

   Nangiti siya.

     "Sapat na sa'kin na mahal mo 'ko."

     "Asuss, humirit ka pa."

  

Nagkita-kita kami nina Bree at Lea alas otso ng umaga sa labas ng subdivision na tinitirhan ko. Sabay na kami'ng pumunta sa tinutukoy ni Bree na ospital.

   Pagpasok ko pa lang sa lugar na’yun ay naging magaan na agad ang loob ko. Maliit lang siya na ospital, pero maaliwalas, ang dami'ng puno. Marami ako'ng nakikita'ng mga bata na naglalaro sa mini-playground tapos may mga matatanda'ng naka-wheel cheer din ako'ng nadaanan. Isa't kalahati'ng oras nga lang biyahe mula sa bahay namin, medyo liblib na kasi ang lugar na 'to. Isa siya'ng pribado'ng institusyon na may dalawa'ng building. Parang malalaki'ng bahay nga lang na magkatabi. Ang isa, nursing home, andun ang mga dimentia patients at maging ang mga matatanda na hindi na kaya'ng alagaan ng pamilya nila. Sa kabila'ng building naman ay para sa mga bata'ng may sakit. Para lang siya'ng nursing home na ospital.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin