The Board Exam

1.7K 25 0
                                    

( H A N I )

Sa pagdilat ng mga mata ko, ang natutulog na mukha nang asawa ko'ng si Kevin ang agad na nakita ko. Sobra'ng lapit lang ng mga mukha namin sa isa't isa, naramdaman ko ang hininga niya na tumatama sa mukha ko, ang higpit din nang yakap niya sa'kin.

Napangiti ako.

Hanggan'g ngayon na ilan'g taon na kami'ng kasal, hindi pa rin ako makapaniwala na nahanap ko siya sa magulo'ng mundo'ng 'to. Napakalawak ng mundo at ang lawak din ng universe pero gaya nga ng sabi sa kanta, "It's as if the powers of the universe conspire to make you mine". Naks!

Ang sarap lang gumising sa bawat araw na kasama ko ang lalaki'ng pinakamamahal ko.

Dahan-dahan ko'ng inalis ang kamay ni Kevin na nakayakap sa'kin bago ako tuluyan'g bumangon at inunat ang dalawa'ng kamay. Pumunta na'ko ng walk in closet pagkatapos para ihanda ang isusuot na damit ni Kevin sa trabaho.

Matapos ko'ng maghanda ng almusal ay saka naman bumaba si Kevin, inaayos nito ang kurbata niya. Nakita ko 'yun kaya nilapag ko agad ang hawak ko'ng pagkain sa mesa at nilapitan siya.

"Ako na." nakangiti'ng sabi ko at inayos ko nga ang necktie ng asawa ko.

Parang sa mga napapanuod ko lang sa teleserye.

Kinikilig ako sa naiisip ko.

Ngumiti rin si Kevin at yumakap pa sa'kin matapos ko'ng ayusin ang necktie niya.

"Good morning, Tart." malambing na bati niya.

Ngumisi ako dahil sa kilig at tiningnan siya, nakayakap pa rin siya sa bewang ko. Dumukwang siya upang abutin ng labi niya ang labi ko.

Buti hindi pa kami nagkaka-stiff neck sa tuwing naghahalikan kami nang nakatayo.

Nangiti kami pagkatapos. Lunod na lunod ako sa mga titig niya.

Parang nag-iba na ata talaga ang bawat eksina sa buhay namin. Dati rati lang, hindi kami mapaglapit, at 'pag naglalapit man kami ay parang nagkakaroon ng sparks fly sa paligid dahil sa mga boltahe ng kuryente'ng papasabog sa tuwing nagkakatabi kami'ng dalawa. Pero ngayon, palagi nalang kami'ng nagyayakapan, naghahalikan at nagngingitian. Hindi na pa'ng action film ang love story namin, kundi talaga'ng Romantic love story. Mahihiya ang landian nina Romeo at Juliet pati Jack at Rose sa amin'g mag-asawa.

Magliliman'g taon ko na siya'ng kilala, matagal-tagal na rin pala mula nang una'ng beses na magtalo kami sa pila ng ATM.

"Mag-almusal na nga tayo." bungisngis ko'ng sabi habang nakatingin sa mga mata niya.

Bwesit, keaga-aga masusuwag ata ako ng toro sa pula na ng pisngi ko.

"Okay." nakangiti'ng sagot ni Kevin, inakbayan pa niya ako.

Hindi ako busy sa araw na 'yun, mula nang grumaduate ako, nakulong na'ko sa bahay. Nagse-self study ako. Nag-iiwan naman ng test papers si Kevin. Tingin ko nga mas nababasa niya ang libro ko kesa sa'kin.

"Mamaya, bago mag-tanghali pupunta ako sa opisina mo para dalhan ka nang pananghalian, ano'ng gusto mo'ng ulam?" tanong ko sa kanya kahit may laman pa'ng pagkain ang bibig ko.

"Kahit ano, basta wala masyado'ng gulay."

"Sus, hanggan'g ngayon ang hirap mo pa rin'g pakainin ng gulay."

Napangiti siya.

"'Wag mo nalang kasi ako'ng pilitin." sagot niya.

"Ewan ko sa'yo, pero sige, ako na ang bahala kung ano'ng lulutuin ko para sa pananghalian mo."

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz