--

833 16 3
                                    


( K E V I N )

Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Hani sa kusina kasama si Lea.

     “Hello, Kevin.” pagbati ni Lea.

     “Hi.” tiningnan ko si Hani matapos nun.

     “Tart, dito na muna si Lea at si Baby Lance ha?” pagpapaalam ng asawa ko.

   Napatingin ulit ako kay Lea.

     “Bakit? May nangyari ba?”

     “Gusto ko lang lumayo muna. Wala rin naman kasi si Clark sa bahay.”

     “Hindi ba siya nagpaalam sa’yo na pupunta siya'ng Davao?”

     “Sa Davao? Hindi, wala naman siya'ng nababanggit sa’kin tungkol dun. Ano'ng gagawin niya ron?”

     “Ang sabi niya may nilalakad daw siya sa kompanya ng Daddy niya. Akala ko alam mo.”

   Lumapit sa’kin si Hani at bumulong.

     “Tart, nag-away nga sila at hindi umuwi si Clark sa bahay nila kagabi.”

     “Ano?”

   Hindi na sumagot si Hani, tiningnan niya ang kaibigan niya, maski ako ay napatingin ulit kay Lea.

     “Gusto mo kausapin ko si Clark ngayon?”

     “'Wag na, Kevin. Saka na.”

     “Sigurado ka? Baka naman kailangan niyo lang pag-usapan ‘to.”

     “Saka na siguro, gusto ko muna'ng magpalamig muna.”

     “Sige, hindi na kita pipilitin.” tapos ay tiningnan ko si Hani, “Magbibihis lang ako.”

   Tumango-tango siya.

   Kalaunan, nasa loob na kami'ng mag-asawa ng kwarto. Nagbabasa ako ng libro, samantala'ng kakaupo lang ni Hani sa kama. May hawak siya'ng hairbrush. Matapos niya'ng magsuklay ay humiga na siya sa tabi ko, tumagilid pa para harapin ako. Napansin ko talaga na tinititigan niya 'ko kaya sinita ko na siya.

     “Kung tungkol 'to kay Clark. Wala. Wala ako'ng alam." Inunahan ko na siya, halata naman'g 'yun na naman ang bumabagabag sa kanya.

     "Sigurado ka?"

   Tumingin ako sa kanya, ang lalim nang pagkakatitig niya sa'kin.

     "Wala nga ako'ng alam."

   Nasaksihan ko ang pagkunot ng noo niya at tinitigan pa’ko lalo.

     “O ba’t ganyan ka makatingin?”

     “Sigurado ka'ng wala ka'ng alam?”

     “Wala nga.”

     “Siguraduhin mo lang, dahil kapag nalaman ko'ng pinagtatakpan mo 'yun'g bestfriend mo, tayo'ng dalawa ang magkakagulo.” pagbabanta niya. Ayan na naman 'yun'g mga nanlilisik niya'ng bilog na mata.

     “Wala talaga ako'ng alam.”

   Nag-snarl ang labi niya at tinalikuran ako.

     “Good night.” sabi ko nalang.

   Tumingin siya sa'kin, at hinila pa ang braso ko. Akala ko kung ano, 'yun pala hahalik lang siya sa labi ko. Napangiti ako and pressed my lips against hers.

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon