--

851 13 0
                                    


( K E V I N )

Pagbukas ko nang pintuan ng bahay ay ang asawa ko agad ang nakita ko na nakatayo sa huli'ng step ng hagdan. Nakalagay pa sa bewang ang dalawa'ng kamay niya.

     “Tart, bakit?” pagtataka ko dahil iba rin ang tingin niya sa’kin. Para ba'ng may nagawa ako'ng sobra'ng laki'ng kasalanan.

     “Mahal ko, nakausap mo ba si Clark?” mataray niya'ng tanong sa’kin.

     “Hindi pa. Busy kasi ako kanina sa trabaho tapos bigla siya'ng umalis at 'di na bumalik ulit sa hotel. Bakit? Ano'ng nangyari?”

     “Binuntis lang naman kaya niya 'yun'g kaibigan ko.”

     “Ano?! Buntis si Lea?”

     “Narinig mo naman ang sinabi ko diba?”

     “Gago talaga 'to'ng si Clark.”

     “Gago talaga, at ang sabi ni Lea, wala raw'ng balak 'yan'g kaibigan mo na panagutan siya.”

     “Talaga? Kakausapin ko si Clark, hindi tama ang ginagawa niya.”

     “Aba dapat lang na kausapin mo siya. Dehado 'yun'g kaibigan ko dito noh? Palibhasa kayo'ng mga lalaki, ang iniisip niyo lang ay 'yun'g kung sa’n kayo magiging masaya, pero kapag nagkaproblema na wala na iniiwan niyo agad ang mga babae sa ere.”

     “Oy, teka, 'wag mo naman'g lahatin. Hindi naman lahat ng lalaki ganun.”

     “Ah basta, kailangan'g panagutan ni Clark si Lea.” sobra talaga siya'ng nainis. Ta's bigla nalang siya'ng tumalikod at umakyat ng hagdan.

     “Hindi ka ba kakain?” tanong ko.

     “Wala ako'ng gana.”

   Bumuntong-hinga nalang ako.

     “Mukha'ng hindi ata maganda ‘to.” nasabi ko nalang sa sarili ko.

   Sinubukan ko'ng tawagan si Clark pero hindi niya sinagot. Kumain na muna ako at tinawagan ko ulit siya pagkatapos.

   Buti't sinagot na niya.

     “Clark, but—”

     “'Wag na muna ngayon, Kevin please? Gusto ko'ng mapag-isa.” tangi'ng sagot nito at pinutol agad ang tawag.

   Nang pumasok na’ko ng kwarto ay nakahiga lang si Hani— tinitingnan ang ceiling.

     “Tart.” pagpapapansin ko sa kanya.

     “Tart, ba’t may mga lalaki'ng ganun?”

     “Huh?”

   Tumabi na’ko sa kanya, tiningnan naman niya ako at inulit ang tanong.

     “Ba’t may mga lalaki'ng ayaw magpatali? Ayaw magkaroon ng obligasyon? Ba’t may mga chickboy?”

     “Hindi ko rin alam.”

     “Huh? Hindi mo alam?”

     “Hindi naman kasi 'yan nababasa sa libro eh, at ayoko rin naman'g manghusga sa kapwa ko.”

     “Ehsus, alam mo 'yun'g sagot. Ayaw mo lang sabihin kasi lalaki ka rin kaya ipagtatanggol mo talaga 'yun'g mga kagaya mo.”

     “Hani, 'wag mo'ng sabihin'g, mangingialam ka na naman sa buhay ng kaibigan mo?”

BOOK 4: The Him who loves Her...til the last breathWhere stories live. Discover now