Ang bilis ko lang namang nawala pero ayos na ang lahat para makalabas kami.

"Sige Bry alis na tayo. Tumawag ka na lang ng nurse na tutulong satin" sabi ko.

Ang kailangan lang naman ay yung magtutulak kay Paige sa wheelchair.

Hindi naman mabigat ang mga dadalhin namin ni Bry dahil naibaba na niya yung iba kanina.

"Goodbye Paige" paalam ni Yuni sa anak ko "Pagaling ka ah"

"Opo" magalang na sagot naman niya. Si Yuni kasi ang naghatid sa amin. Sabi ko nga yung lalaking nurse na lang pero sabi niya kaya naman niya.

Nag-usap lang kami about sa pinsan kong si Aya at wala ng iba. Buti naman hindi nasabi ng pinsan kong iyun na may anak na ko.

Does she even know?

Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita at wala akong masyadong balita sa kanya. Alam niyo naman hindi ako fan ng facebook at ng kung anu-anong social media.

Kahit na gumawa ako ng account ni Paige sa facebook ay madalang ko lang namang buksan yun. Busy kasi sa work at sa marameng bagay. At tsaka nakaka skype ko naman ang pamilya ko. Yun ang mahalaga.

Hindi ko talaga hilig ang social media kaya nga hindi ako updated sa anong trending.

Siguro walang alam si Aya. Pero tingin ko mas malaki ang chance na alam niya. hindi lang niya nabanggit kay Yuni  dahil pam-pamilyang usapin na yun or alam niyang sekreto ko si Paige kaya tahimik lang din siya. Ah basta nagpapasalamat ako na wala siyang sinabi.

"Sige ate ingat ah" paalam ni Yuni. Mas gusto ko naman na ate ang tawag sakin kesa sa mam.

Tumango lang naman ako at nagpasalamat sa kanya.

"Wait lang pala ate Armie." Sabi niya na mukhang may naalala "Kung di kayo busy punta kayo sa sunday sa bahay. Birthday ng anak ko" pag aaya niya.

"Anak mo?" Gulat na tanong ko "may anak ka na rin pala?"

"Ha? Bakit may anak ka na rin ba?" Tanong niya ring pabalik sakin.

"Ah-" di ko alam ang sasabihin ko. Na corner ako dun ah. 

mali naman kasi ang pagkakatanong mo Armie.

"Ikaw naman ate binibiro ka lang. Sana makapunta ka. Isama mo si Paige dahil kids party yun"

"Sige titignan ko. saan ba kayo nakatira? Yung number rin mo pala" sabi ko.

"Tatawagan na lang kita. Hindi ko dala yung phone ko. Nasa bag ko. Kakapalit ko lang kasi ng sim kaya hindi ko pa memorize" sagot niya.

"Ah sige" sabi ko na lang. "yung number ko kukunin mo?"

"meron na" sabi niya.

nagtaka naman ako. ibinigay ko ba ang number ko sa kanya na hindi ko matandaan?

Biglang tumambad sa harap namin ang sasakyan ni Bryan kaya nawala na yun bigla sa isip ko. Nagpaalam kami kay Yuni at niremind na naman niya yung sa birthday ng anak niya sa linggo.

Bakit pakiramdam ko may mali? Parang dapat hindi ako pumunta dun.

Nagkibit balikat na lang ako at tsaka inayos sa upuan si Paige. Nagrereklamo kasi siya kapag nababangga ang cast niya.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now