[Naya?] His hoarse voice lingered again in my ear.

Pinahidan ko ang luha ko. "I'm at the hospital, please come here Calix." Huminga ako ng malalim. "I'm with lola. Something happened earlier. Please, come here."

"Okay, calm down Naya. I'll be there. Wait for me, okay? Hush now."

Napayuko ako. I felt a lot of weight lifted from me. The thought of him here at my side has delighted me.

Tahimik akong naghintay sa labas ng emergency room na pinagdalhan ni kay lola. Lumipas ang ilang minuto wala parin si Calix.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Madali akong tumayo at lumapit sa kanya. Agad kong niyakap si Calix. I buried my face on his chest as I cried there.

Naramdaman ko ang mahigpit nyang pagyakap sa akin. I gently lifted my head as I looked at his face. "Salamat nandito ka na." I cried.

We were able to speak with the doctor na nag-attend kanina sa lola ni Calix. We were told that it was a minor heart attack. Usually it would not cause any worry but considering the age of lola, nabahala na rin ang doctor.

It was suggested na iconfine muna ang lola ni Calix for the mean time to help her recover and to also monitor her condition.

Kaming dalawa lang ni lola ang nandito sa loob ng hospital room nya. Lola's asleep, nakaupo naman ako sa sofa hindi kaluyan sa hospital bed nya. Calix is outside speaking with his aunt on the phone.

Nakaramdam ako ng pagod. Hindi ko alam, buong araw ba kong umiiyak? These passing days has been so rough on me. Sana naman bukas ayos na ko. I hope I don't have to cry tomorrow.

Sandali kong sinandal ang ulo ko sa head rest ng sofa. I feel sleepy. Tinignan ko ang orasan, hindi pa naman ganon kalate. Maybe if I just take a nap for 10 mins madadagdagan ang energy ko. Just 10 minutes.

Oo, pwede na yan.

"10minute-sleep, Naya." Bulong ko sa sarili ko.

Napamulat ako ng mga mata. Napatingin ako sa jacket na nakapatong sa balikat ko. It's Calix's. Kinusot ko ang mga mata ko atsaka umupo. Napalingon ako sa hospital bed ni lola, gising na si lola at nasa tabi nya si Calix.

Nakangiti si lolang nakatingin sa akin.

"Gising ka na pala, hija."

Inayos ko ang magugulo kong buhok at ngumiti din. "Pasensya na po kayo. Di ko na po napigil ang antok." Nahihiya kong sabi. Nilingon ko ang orasan, agad akong napahinto. It's already 7pm.

What?! Nakatulog ako ng dalawang oras?

"Naku, napahaba po pala ang tulog ko." Agad akong tumayo at kinuha ang bag na dala ko. Calix was sitting beside lola, lumapit ako sa kanya upang iabot ang jacket nya. "Thank you." I said.

Nilingon ko si lola. "Kailangan ko na pong umuwi. Anong oras na po pala."

Tumawa si lola at pagod na initinaas ang kamay para yakapin ako, maingat ko syang nilapitan at niyakap. "Salamat, hija. Buti nalang at nandon ka kanina sa parke. Baka napano na ako kung wala ka doon."

"Naku, wala po yon, la. Masaya po ako na ayos na kayo." Lumayo ako at hinawakan ni lola ang kamay ko. "Hahatid ka na ni Axel, Naya apo."

Agad akong napailing. "Ay hindi na po kailangan. Magtataxi naman po ako." Nilingon ko si Axel na syang nakatingin lang sa akin.

Kumunot ang noo ni lola at umiling. "Hindi, hija. Delikado, hahatid ka na ni Axel, pumayag ka nalang para sa akin."

Hindi ako nakasagot ng kunin nya ang kamay ni Calix at pinaghawak ang mga kamay namin. "Apo, Axel, ihatid mo si Naya. Wag mo bibitawan ang kamay nyan, magtatampo ako."

Napanganga ako sa sinabi ni lola. Hindi ko na rin nakuha pang tumanggi.

"Bagay talaga kayong dalawa. Kailan ba kayo magkakatuluyan?" Mahinang pagbibiro ni lola. Ramdam ko naman agad ang pag init ng mukha ko.

"Lola." May halong pa-warn ang tono ni Calix kaya naman tinawanan sya nito.

Lumabas kaming dalawa ni Calix ng kwarto habang magkahawak ang kamay. Hindi ko magawang makapagsalita, ganon din sya.

Ilang sandali pa ay binasag niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. I heard him cleared his throat. "By the way, thank you for helping my lola."

Nilingon ko sya pero sa pasilyo ng hospital lang sya nakatingin.

I smiled. "You're welco---"

"--- what the hell?!"

Napaigtad ako at napatigil nang marinig ko ang malakas na sigaw ng isang babaeng papalapit sa amin. Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla itong sumulpot.

Agad kong tinanggal ang pagkakahawak ni Calix sa kamay ko at umatras.

A very familiar face. Kilala ko sya. It may be two years since I last saw her but I'm sure, nothing almost changed about how she looks.

Matangkad at magandang Leila. It was Leila.

"What the hell, Axel?!" Sigaw nya, galit na galit syang nilingon ako at ibinalik ang tingin kay Calix. "Why are you with her?!"

"Stop it, Leila." Mababang tonong boses ni Calix na para bang iniilo ang sarili mula sa galit.

"What?! You expect me to stop?!" Nilingon nya ako at lumapit sa akin. "Sya nanaman, Axel!"

Dinuro nya ako. Kita ko ang galit at inis ni Leila sa akin. "Sya nanaman." Madiing sabi ni Leila, napaatras ako ng bigla nya akong itulak.

Hinawakan sya ni Calix sa braso para pigilin.

"Sya nanaman!" She blasted. Kahit na hawak sya ni Calix ay nagawa nya paring hablutin ang buhok ko. "Malandi ka parin!" Sigaw nya.

Napahinto sya nang hatakin sya ng malakas ni Calix papalayo sa akin. "Stop it, Leila! You better stop!"

Hinarap sya ni Leila. "You, Axel. Why the hell can't you get over her? Bakit sya parin? This coward bitch! Bakit sya? She left you before, nakakalimutan mo ba? I never did that to you!"

Muli akong hinarap ni Leila at paulit ulit akong dinuro. "Ano bang meron ka?! Anong klaseng gayuma ang ginamit mo?! Bakit hangang ngayon?!"

Tinulak nya ako ng malakas at sinampal. Ramdam ng buong mukha ko ang pagnginginig dahil sa lakas ng ginawa niya. Ramdam ko ang sunod sunod na luhang bumagsak mula sa mga mata ko.

Nakita kong hinatak sya ni Calix na nagbigay sa akin ng pagkakataon para makalayo sa kanila.

Tumakbo ako.

Hindi ko man alam kung saan ako mapadpad basta ang alam ko, gusto kong malayo sa kanila.

I just don't want to see them.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon