"Peace!" Sa halip na mag peace sign sya, he sticked out his middle finger.

"What the! " Napatayo ako at tinutukan sya ng tinidor na hawak ko.

"Hoy bunso! Walang food fight!"Pero sya yung unang bumato nung gulay sa akin.

"Urrghh!" Nagbatuhan na kami pero hindi na ako galit. Actually, I enjoy it. Noong bata pa kami lagi kaming napapalo ni Mama kasi nagbabatuhan kami ng pagkain.

"What is this?!"

Pareho kaming natigil ni Kuya. Yung ngiti namin nawala at sabay napatingin sa Manager kasama si Rafael. Kasama si Rafael?

He gave me a quizzical look, then he was scanning Kuya Zero from head to toe.

"I'm sorry Sir, Ma'am but food fighting is not allowed here. I guess we need to clear things inside the office." Sabi noong manager. Tumango na lang kami at sinundan sya kasama si Rafael. Bakit nandito si Rafael? May relationship ba sila ng manager dito? Well, maganda sya, matangkad at sexy. What am I thinking? I don't care about his relationship with anybody. I'm just his FF.

"Ikaw kasi." Siniko ako ni Kuya Zero. We're in trouble but he's smirking like a jackass.

"Anong ako? Ikaw!" I hissed.

"Ikaw."

I rolled my eyes. There's no way winning an argument with your immature older brother.

Nakapasok na kami sa loob ng office kasama si Rafael. Nagtataka na nga ako.

"About what happen earlier, we're sorry but you need to compensate with the commotion and damage that you've done." Sabi ng Manager. Seryosong seryoso sya pero mukhang nagpapaimpress lang kay Rafael. I know it, ganyan yung mga staff ko na pilit sumisipsip sa akin.

"I guess so, so what do we need to do? Pay for it?" Cool na pagtanong ni Kuya. Sa tingin ko sanay na sya sa mga ganito. Lagi atang nasasali sa food fight itong sira ulo kong kuya.

"Or maybe sue you for this." Biglang singit ni Rafael na nagtatagis ang bagang. Tinitingnan nya si Kuya na may inis.

"Sue? Masyado mo naman atang pinapalaki ang isang food fight? Hindi ba makakadagdag lang sa trabaho nyo yun?"

"If that's what it takes."

"Rafael!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pinapalaki pa niya ang issue. Tska bakit ba sya nandito? Hindi naman ata kasama ito sa busine---"Do you own this place?" I frowned.

"I'm sorry Ma'am but he's the owner of this restaurant, please talk to him properl--"

Buti hindi naabot ng kamay ko yung mukha nya. Basta iwinagayway ko sa mukha nya yung kamay ko para manahimik.

"Demi, relax lang." Bumulong naman si Kuya sa akin. Hinablot niya yung kamay ko at ibinaba yun sa tagiliran. Hinahawakan nya ng mabuti kaya naman sya yung napagbubuntungan ko ng gigil. "sino ba sya?"

Yeah, hindi alam ni Kuya kung kanino ako engage. May sarili kasing mundo yan. Ayaw ng kung ano-anong bagay na related sa media. He doesn't read and watch any news. Hindi ko alam kung pano sya nakakasurvive. But anyway, he doesn't know that this guy infront of us is my so called fiancé.

"What kind of proper talk I need?" Sabi ko na may pagkasarcastic. "I'm sorry for the mess my company and I cause Mr. Raymundo but are you being too unreasonable for acting all fired up?"

"Raymundo?"Napapabulong naman si Kuya sa likod ko.

"I'm not fired up. I'm just working and doing what is right to protect my business." Sabi ni Rafael na parang galit na galit sa akin.

Natawa ako sa kanya. "Ano bang problema mo?"

"Ma'am" Pinigilan akong lumapit ni manager. Mukhang naiinis na sa tono ng pananalita ko.

"Ikaw!"

"Ako?" I scowled.

"Siya?" Kuya asked.

"Yeah, you." Pahina ng pahina yung boses nya. "Dating that guy, acting so happy and loveydovey."

"WHAT?" Nagkasabay kami ni Kuya. Alam ko narinig niya rin yung narinig ko.

"Hell, Rafael." This time hindi ko na napigilang wag matawa. Okay, think of me as a crazy woman. Silang tatlo nakakunot na yung noo sa akin. "I'm sorry, can't help it."

"Raymundo!" Napasigaw si kuya at meron syang Eureka moment sa gilid ko. Nakitawa na rin siya sa akin. "I got it, I got it." He said in between laughter.

Tumigil na kami sa pagtawa. Napatingin ako kay Rafael na mukhang naiinis na. Well, payback time Rafael, ako naman ang tumatawa sayo.

Lumapit si Kuya, umakbay sa akin. Nagtaka nga ako eh pero ng buksan nya na ang bibig nya naintindihan ko na. "Sorry for causing troubler Mr. Raymundo. Demi and I were very sorry and we promise not to do it again and will pay for the damage and.. Man! You're her fiancé?"

Rafael scowled, still doesn't understand that he is being played by my brother and..yeah, I guess, I too.

"Fiancé?" Napatingin din ako sa Manager na litong lito rin.

"Yeah, he's my fiancé." I said with a triumph smile still looking at her.

"Ako nga pala si Zero." He extended his hand to Rafael. "Ako lang naman ang..." Biglang natawa. "..what's with that look? I'm her brother."

"Brother?"

"Oo, kaya wag ka na magselos." Kahit hindi inaabot ni Rafael yung kamay nya pinilit pa rin ni Zero na makipagshake hands.

"Jealous?" Nagkasabay kami ni Rafael.

"Tss.. Okay, pretend that I didn't say anything. So, okay na tayo soon to be brother-in-law? Wala nang kaso huh?"

Noong malinaw na ang lahat sa pagitan ni Zero at Rafael nagkaroon sila ng 'Man talk' (sabi ni kuya) na ayaw iparinig sa akin. Naiwan na lang tuloy ako sa office kasama si Manager.

"Uhhhmm.. Sorry po." Sabi nung manager.

"Sorry for what? For being a manager? It's your work you don't have to say sorry. Tama lang naman yung ginawa mong pagpapatawag sa amin dito sa office."

Nagliwanag yung mukha nya. Ngayon nakangiti na sya. "Thank you Ma'am."

"But if you're saying sorry for flirting with my fiancé, I guess I can't forgive you. Don't worry I won't ask him to fire you."

I saw horror in her face but tried to cover it. "Po? Hindi nama--"

"I'm a woman like you Manager." Tinitigan ko sya hanggang sa mapagisipan kong lumabas na ng office. At doon narealize ko ang mga sinabi ko.

I sounded like a jealous wife! Mukhang mali si Kuya sa sinabi niya, hindi si Rafael ang nagseselos kundi ako.









------<3





May cameo si Zero Magsaysay :)

FAKE FIANCE ✔️Where stories live. Discover now