"May pupuntahan lang po ako lola pero pagkatapos po nuon ay didiretso naman po ako kaagad sa hospital" sagot ko sa kanya.

Di naman na ito nag tanong ng kung ano pa, nung nagusap kami kagabi ay sinabi niya sa akin na suportado niya lahat ng magiging desisyon ko dahil may tiwala siya sa akin.

Di ko alam kung saan ko pwedeng mahanap si sir zach. Kailangan naming makapagusap, hindi pwedeng ganito na lamang na wala na lamang pansinan bigla. Wala akong ideya kaya naman nagbakasakali ako sa school. Hindi ko na sinubukan pang pumasok dahil alam ko naman na hindi na ako papapasukin ng guards dahil iyon ang utos ni ma'm president.

Dumiretso ako sa parking lot para tingnan kung nanduon ang kanyang sasakyan. Nabuhayan ako ng loob ng makita kong nakaparada iyon sa tapat ng bagong tayong dentistry building.

Naghintay ako sa tabi nuon. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante. "Sofia!" Tawag sa akin nina Justine, Grace at Elayza.

"Ba't hindi ka pumasok sa loob?" Tanong ni Elayza sa akin.

"Oo nga! Para kang guwardiya ng sasakyan ni Sir Zach diyan" sabi pa ni Justine.

"Nasa quadrangle sila, tara pasok ka" yaya naman sa akin ni grace.

Kaagad kong sinabi sa kanila na hindi ako pwedeng basta basta na lamang pumasok dahil sa utos ni ma'm president. Humiram din ako ng notebook sa kanila, nagsulat ako ng sulat dahil nawawalan na ako ng pagasa na lumabas si sir zach at makita ko siya.

"Pasencya na talaga kayo sa abala" nahihiyang sabi ko sa kanilang tatlo.

"Tsaka sana sa atin atin na lamang muna ito, medyo magulo pa kasi ang sitwasyon" pahabol ko pa.

Kaagad naman silang tumango na tatlo. "Gagawin namin ang lahat para maibigay namin ito kay Sir Zach, Sofia" paninigurado pa ni grace sa akin.

Hinatid sila ng mga mata ko habang papasok sila ng university. May parte sa aking naiinggit dahil ganyan din sana ang buhay ko ngayon, ordinaryong studyante. Pero naging komplikado ang lahat para sa akin.

"Hindi ka talaga makaintindi ng simpleng salita, Ms. Hernaez"

Napahinto ang paglalakad ko palayo sa university at kaagad na napabaling sa nagsalita.

"Anong mahirap intindihin sa salitang wag ka ng magpapakita dito?" Mariing tanong sa akin ni ma'm president.

"Kailangan ko pong makausap si Sir Zach, marami po kaming kailangang pagusapan" matapang na sagot ko pa sa kanya.

Nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha na dinaan na lamang niya sa pagngisi sa akin. "Alam mo, wala talaga akong masabi sa kakapalan ng pagmumukha mo. Ayaw ka ng makita ng anak ko kaya lumayo ka na" utos niya pa sa akin.

Kumunot ang aking noo. "Bakit po? Dahil po ba may kinalaman kayo sa nangyari sa Daddy ko?" Tanong ko pa sa kanya.

Nagulat ako ng lumipad ang kamay nito sa aking pisngi. "Wag na wag mong maibaling sa amin ang sisi, dahil alam nating pareho kung sino ang tunay na biktima dito" matapang na sagot nito sa akin.

"Alam ko po, kaya nga hindi niyo natanggap ang hatol ng korte sa Daddy ko kaya kayo na ang humatol sa kanya sa sarili niyong paraan" laban ko pa sa kanya. Alam kong mas matanda siya sa akin. Pero walang lugar ang pagpapakita ng paggalang sa ngayon.

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo bata! Hinding hindi kami papayag na marungisan ng dugong basura ang mga kamay namin" pagkasabi niya nuon ay kaagad siyang umalis.

Nanlulumo pa din akong nagtungo sa hospital. Nagtaka ako ng di ko makita si mommy duon. Kaya naman kaagad akong tumawag sa bahay, nalaman kong nanduon pa si mommy at may sakit daw ito sabi ni lola. Para akong pinagbagsakang langit at lupa. Kung wala lang batang unti unting nabubuo sa sinapupunan ko ay matagal na siguro akong nagisip ng bagay na hindi tama.

"Pagaling ka Daddy, kailangan ka pa ni Mommy. Kailangan pa kita at ng magiging Apo mo" pagkausap ko dito.

Bago umuwi sa bahay ay napagpasyahan ko munang kuhanin na ang lahat ng gamit ko duon sa condong tinuluyan namin ni sir zach. Kagaya pa din ito nung huling punta ko, ginawa ko kaagad ang dapat kong gawin. Gusto kong malungkot, gusto kong umiyak habang isa isa kong nilalagay sa maleta ang mga gamit ko.

Isa isa ko na ding inilabas sa kwarto ang mga maleta ko. Iniligay ko muna iyon sa may gitna ng sala ng magulat ako ng bumukas ang pintuan.

"Sofia..." tawag sa akin ni sir zach at mabilis na kinain ng kanyang malalaking hakbang ang aming pagitan.

Nabigla ako ng kaagad niya akong niyakap. Naamoy ko din kaagad ang alak mula sa kanya.

"Damn...I miss you so much" mariing sabi nito habang mas lalong humigipit ang yakap nito sa akin.

Kaagad akong nagpumiglas at buti na lamang ay humiwalay din naman siya kaagad. "I'm sorry Sofia, i'm so messed up this past few days..." nanlulumong sabi pa niya sa akin at tangka nanaman sana niya akong yayakapin ng kaagad kong iniharang ang magkabilang kamay ko sa kanya.

"May kinalaman ka ba sa nangyari kay Daddy?" Matapang at diretsahang tanong ko sa kanya.

Medyo nakaramdam ako ng sakit ng makita ko ang pagusbong ng sakit sa kanyang mga mata. "Ofcourse not baby, hindi ko yon magagawa sayo..." sincere na sabi pa niya.

Natahimik ako pagkatapos nuon, kaya muli nanaman siyang nagkaroon ng chance na lapitan ako. "Sumama ka na sa akin sa America, Sofia. Hindi safe dito...please sumama ka na sa akin" frustrated na pamimilit niya sa akin.

Kaagad na kumunot ang noo ko kasabay ng paginit ng aking ulo. "Sa lahat ng nangyayari ngayon, yan pa din ang nasa isip mo?" Dismayadong tanong ko sa kanya.

Parang wala naman iyon sa kanya. "I just want you safe, so please come with me...I promise na aalagaan kita duon, Sofia" paninigurado pa ito.

Di ko alam kung dahil lang ba sa lasing siya o magulo lang talaga ang isip niya.

"Hindi po ako makakasama" malumanay pero seryosong sabi ko sa kanya.

"But your promise...sabi mo hindi mo ako iiwan" Punong puno ng sakit ang kanyang bawat salita, pero i need to choose, kailangan ko ng magdesisyon. At pipiliin ko ang dapat kong pinili simula pa lang.

"Umalis kang magisa Sir Zach, kasi sa totoo lang pinagsisisihan ko ang araw na nakilala at pinapasok kita sa buhay ko"






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now