"Damn it..." rinig ko pang frustrated na bulong nito.

Natahimik ito sandali malamang ay pinapakalma niya ang kanyang sarili. "Look Sofia, hindi kayang gawin ni Zach ito. You know him right? Nagkasama kayo sa iisang bubong. Bakit ganuon kadali na lang sayong pagbintangan siya?" Seryosong tanong pa niya at hindi matatago ang hinanakit sa boses nito habang sinasabi ang mga iyon.

Napatakip na lamang ako ng parehong palad ko sa aking mukha. Napapailing na lang din ako habang umiiyak. Sa sobrang gulo ng utak ko, di ko na alam kung tama pa nga ba ang mga naiisip ko. Halos lahat na lang ay mabilis na dumadagsa sa utak ko dahilan para wala ng preno ang lahat ng sasabihin ko. Hindi ko na napagiisipang mabuti, wala na akong oras na pagisipan pag mabuti.

"Sorry...Hindi ko na po alam ang gagawin ko" paumanhin ko sa mga ito. Nakaramdam na din ako ng hiya dahil nasasangkot pa sikang magasawa sa mga problema na ako naman ang may kagagawan. Dahil sa mga naging maling desisyon ko dati ay ito ako ngayon, maraming napeperwisyong buhay.

Muling lumapit si ma'm grace sa aki at tsaka ako niyakap. "Naiintindihan namin Sofia. Laging mo lang tatandaan na nandito lang kami para sayo...handa kaming tumulong" pagninigurado pa nito at pagaalo.

Dahil bawal magstay sa ICU ay magkakasama kaming umuwi ni mommy at ni lola. Di pa rin ito matigil sa pagiyak at di pa nga makausap ng maayos. Nagpresinta na din kasi sina ma'm grace at sir kervy na sumabay na kami sa kanila dahil may dala silang sasakyan.

"Salamat sa inyo..." pasasalamat ni Lola habang akay akay niya si mommy, nauna silang pumasok ng bahay.

"Sofia, hindi ko alam kung ano yung nararamdaman mo ngayon. Pero alam kong sobrang bigat non, pero sana wag mo ring pabayaan ang sarili mo...may batang umaasa sayo" nagaalalang paalala sa akin ni ma'm grace.

Kaagad ko siyang tinanguan at binigyan ng tipid na ngiti. Tama siya, di ako pwedeng magpabaya, dapat ay maging matapang ako. Lalo na ngayon.

May iilan pa silang bilin sa akin bago sila tuluyang umalis. Tinanaw ko ang sasakyan nila habang papalayo ito. Umikot na ako para sana pumasok na ng magulat ako ng makita ko ang gulat na mukha ni lola. Mukhang binalikan ako nito pagkatapos ihatid si mommy sa loob.

"Sofia..." paos na tawag nito sa akin.

Ilang lunok muna ang nagawa ko dahil sa parang kung anong nakabara sa aking lalamunan. "Lola, kanina pa po ba kayo diyan?" Tanong ko kahit natatakot ako.

"Apo, akala ko ba bestfriends tayo? Dapat walang secret diba?" Pagtatampo pa nito.

"So...sorry po, Lola" paghingi ko ng tawad at kaagad na yumakap sa kanya.

"Hindi ko po sinasadya, kasalanan ko pong lahat ito" paninisi ko sa aking sarili habang umiiyak sa mga bisig niya.

"Sofia, Apo. Hindi mo kasalanan ito, walang may gusto nito...at yang bata sa sinapupunan mo biyaya yan" pangaral niya sa aki kaya naman tuloy mas lalo kong hinigpitan ang aking yakap sa kanya.

Iniwan ko si lola at ipinagsawalang bahala sa mga nagdaang problema. Hindi ko din alam kung paano siya nung mga panahong iyon, lalo na't siya lang din ang pwedeng kapitan ni mommy dahil wala ako...dahil iniwan ko sila.

Di niya ako hinayaang matulog na hindi kumakain. Napagdesisyonan din naming wag munang sabihin kay mommy dahil marami pa itong iniintindi sa ngayon. Siguro ay pag maayos na si daddy tsaka na namin sabay na sasabihin sa kanila ang lahat.

"May lakad ka ba ngayon, Apo?" Tanong sa akin ni lola kinaumagahan. Naghahanda ito ng almusal sa mesa, si mommy ay hanggang ngayon tulog pa din sa kanyang kwarto. Marahil ay di kaagad siya nakatulog kagabi.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now