"pero hindi siya pumunta sa bahay? bakit ba kasi hindi nakatira sa atin si dee? mee miss ko na po si dee"

kaloka ang anak ko. isang araw lang hindi nakita ang ama ay ganito na.

"i'll check on dee first. kapag hindi siya okay we will visit him later so pasok ka na" sabi ko at pinagtatabuyan na siya sa kotse.

"promise yan mee ha?"

"yes baby"

bumaba naman siya kaagad. tinignan ko lang siya hanggang makapasok ng gate ng school. kumaway pa siya bago tuluyang pumasok.

"kumusta na kaya si Nie?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi niya kasi pinaalam sa akin kahapon kung saan siya nakatira. Nakakainis na tama si Kate. Ang dame ko ng hindi alam tungkol sa mahal ko.

Kung dati rati ay lahat alam ko. ngayon naman wala akong kaalam alam. Hindi pa nga kami nakakapag-usap tungkol sa nalaman ko kahapon. totoo kaya ang nakasulat sa article? or publicity lang para sa hospital nila. Pero kung hindi yun totoo edi sana magkaaway na ngayon sina Ian at Navi. lalo kung iisang babae lang pala ang gusto nila.

Ang gulo! pero wala ng mas gugulo pa kesa sa sitwasyon ko ngayon.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Ngunit nakailang ring na ay hindi pa rin niya sinasagot.

ano kayang nangyare? kinakabahan ako.

Calling Ian Salcedo...

tinawagan ko na si Ian dahil nag-aalala na talaga ako.

"hello" bati sa kabilang linya

"hi. good morning Ian." bati ko naman

"anong maipaglilingkod ko sayo binibini? ang aga mong tumawag ah."

"hinatid ko sa school si Paige" sabi ko "may itatanong lang sana ako"

"okay"

"saan ang condo ni Nav? hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko. eh may sakit siya kahapon. ayaw niya akong papuntahin dahil takot siyang mahawa ako pero nag-aalala na ako. wala akong balita"tuloy tuloy na sabi ko "pupuntahan ko sana siya kaso hindi ko naman alam kung saan. ayaw niyang sabihin kahapon kahit anong pangungulit ko. pati si Paige nagtatanong na."

"chill ka lang" natatawa niyang sabi

"Ian" tawag ko sa kanya

"masyado ka naman mag-alala. buhay pa naman yun"

"hindi nakakatulong ang mga sinasabi mo" inis na sabi ko.

"ikaw di kana mabiro. sa may Incognito Condominium siya nakatira"

"saan yun?" tanong ko.

"sa may Quezon Ave. malapit lang sa ABS. medyo malayo sa hi-way kaya ipagtanong mo na lang."

"o sige thank you. pupunta na ako"

"sige at tatawagan ko na rin sa landline or sa reception. baka mamaya hindi na makatayo yun"

"okay do that and call me back. bye Ian" paalam ko

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now