19: (wala akong maisip na title)

Start from the beginning
                                    

*KRRIINNG

Finally! "Hello."

"Hi Babe!"

"Babe mo mukha mo! Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo."

"Sige ka hindi ko sasabihin kung anong nangyari."

Itong malanding to! Kung empleyado ko lang yang si Rafael matagal ko nang napatanggal sa trabaho. "Okay Babe." Sarcastic kong sabi. "Ano na pong nangyari sa atin kagabi?"

"Labas ka muna."

"Huh?"

"Nandito ako sa labas ng bahay nyo."

Sa labas ng bahay namin? Kaagad akong kumaripas ng takbo palabas sa bahay namin. Nagulat pa nga si Mama sa akin.

"Bakit ka nandito?" Ibinaba ko na yung cellphone ko. Totoo ngang nasa tapat sya ng bahay ko.

"Wala ka man lang kaayos-ayos sa katawan mo. Kaharap mo kaya finacé mo."

Tiningnan ko yung sarili ko. Nakapantulog na ako, nakaglasses pa rin at gulo-gulo ang buhok. "Seryoso ako Rafael huh."

"Seryoso na." Pinilit nyang wag tumawa pero mukha naman syang constipated. "Doon tayo sa park."

"Bakit sa park pa? Sabi mo nga diba hindi maayos ang itsura ko."

"Ang daming reklamo. Tara na." Hinawakan nya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad sa Park.

Sana nakikita nya yung glare ko sa kanya kasi kanina pa nanlilisik itong mata ko. Pinagtitripan na naman ako nang lalaking ito. Hindi nagsasalita at pasipol-sipol pa. Nakarating kami sa park, umupo sya sa isang swing kaya umupo na rin ako.

"Magsasalita ka na ba?" Seryoso kong sabi. Seryoso lang at hindi galit. Hindi ko magawanng magalit sa kanya.

"last night... Thanks for..."

"for?"

"For...vomitting. Sukahan ba naman ako, ibang klase ka rin noh."

"Sinukahan lang kita dinala mo pa ako dito? Ibang klase ka rin noh!" Tumayo na ako sa swing at ready nang umalis.

"Bakit may inaasahan ka pa bang ibang ginawa natin?" Tiningnan ko sya ng masama. Ayan na naman kasi sya sa mga dirty talk nya. Dirty nga ba o ako lang ang nagiisip nun? Tss!

"Wala. Uuwi na ako."

"Baka gusto mong---"

"Blah! Blah! Ayoko nang makinig."

Tumayo na rin sya at nilapitan ako. "May cute side ka rin pala." Saka pinisil yung singi ko.

"Aray!"

"Iuuwi na nga kita sa inyo."

"Good."

Habang tahimik kaming naglalakad, na iisip ko pa rin yung nakaraang gabi. Sila Mama at Gardo..

"Rafael?"

"Huumm?"

"How's your Dad?"

Napatigil sya saglit sa paglalakad pero nagpatuloy rin sya. "My dad... He's good.

"Hindi ba sya nalulungkot?"

"Hindi naman."

Oo nga pala, tulad ni Mama, magulang din si Gardo. Siguradong hindi nya rin ipapakitang nasasaktan sya lalo na't sa harapan ng anak nya. "Ahhh.."

"Iba na nga pag-usapan natin. Dinner tayo bukas."

Speaking of dinner, magkikita pala kami ni Kuya bukas. "Hindi ako pwede."

"Bakit?"

"May date ako."

"Date?" He frowned.

"Bawal ba akong makipagdate?"

"Huh? Umm.. Bahala ka. Anjan na yung bahay nyo. Uuwi na ako." Walang lingon-lingong sumakay na sya sa kotse nya.

Anong problema nun?

Si Kuya nga pala! Yes! Makikita ko na rin sya bukas. Excited na ako. Matawagan ko nga sya.

"Hello?" He asked.

"Hi Kuya Zero."

"Demi?"

Maingay yung background nya. Siguro nasa party naman ang ugok na ito. "Nasa club ka na naman ba? May babae ka na naman? Naku pare-pareho lang kayong mga lalaki."

"Sandali lang bunso. Nasa club ako kasi may hinahanap ako. Ikaw talaga. Basta bukas ah."

"Yep!"

"Gotta go! Busy ako lil sis. Bye!"

"Stop kidding around Kuya. Bye."

Si Kuya Zero. Hindi kami lumaking magkasama. Sya kasi dinala ni Papa ng maghiwalay sila ni Mama pero madalas pa rin kami magkita ni Kuya. Si Kuya Zero may pagkahawig sa ugali ni Rafael. Kaya siguro hindi ko pa napapatay yung mayabang na yun kasi mejo immune na ako sa kuya ko.

FAKE FIANCE ✔️Where stories live. Discover now