Napahawak tuloy ako sa tiyan ko na wala pang kabakas bakas na buntis ako. Di ko pa rim maImagine hanggang ngayon na may mabunuong bata dito sa loob ng sinapupunan ko. At ang batang ito ay ang anak namin ni sir zach.

"Salamat po" sabi ko bago siya nginitian.

Maya maya lamang ay dumating na ang inorder ni sir kervy na pagkain. Kinailangan pa nga ng mga waiter na magdagdag ng lamesa para lamang mapaglagyan ng iba pang pagkain.

"Ok, let's eat" anunsyo nito.

Nahihiya man ay hindi ko na din naman napigilan ang aking sarili. Kaagad akong kumain ng kanina ko pang gustong kainin. Pero mas lalo akong nahiya kay sir kervy ng yung mga kinuha ko ay kinalahati ko lamang at di ko naman maubos ubos, para naman kasi akong nawalan na ng gana dahil sa kabusugan.

"Ok Sofia, let's talk about your plans" paguumpisa nito pagkatapos kumain.

"Uhm...maghahanap pa po ako ng tiyempo kung kailan at paano ko sasabihin sa mga magulang ko" paguumpisa ko sa kanya.

"Do you want a help?" Tanong niya sa akin na kaagad kong inilingan.

"A...ayos lang po, kaya ko naman po siguro iyon" paninigurado ko pa sa kanya.

Tinanguan ako nito. "Kailan mo sasabihin kay Zach?" Tanong niya na nagpatigil sa paginom ko ng pineapple juice.

Seryoso itong nakatingin sa akin at handang handa ng makinig sa lahat ng aking sasabihin. "Pero ayaw pa po niya akong makita diba?" Nanalulumong sabi ko pa.

"Tell me kung kailan ka na handang makausap siya. I'll make a way para makita mo siya" paninigurado pa nito sa akin kaya naman kaagad akong nabuhayan ng loob.

Naglalakad kami palabas ng mall ng madaan kami sa isang baby botique. Awtomatikong huminto ang mga paa ko sa labas nuon. Ang ganda sa loob, ang sarap sa mata lahat ng kulay ng mga damit at gamit pang baby.

"Bigla kang naging excited?" Nakangiting tanong sa akin ni sir kervy ng maramdaman ko siya sa tabi ko.

Tumango tango ko. "Ano po kaya ang magiging baby ko?" Ta ong ko dito, at sobrang saya sa pakiramdam habang binabanggit ko ang mga iyon.

"Kahit lalaki o babae pa ang magiging baby niyo. One thing is for sure, mamahalin iyon ni Zach" paninigurado sa akin ni sir kervy.

Marami pa siyang binilin sa akin bago ako bumaba ng kanyang sasakyan. Sinabi niya din sa akin na susunduin nila ako ni ma'm grace bukas para magpacheck up.

Di na ako nagulat ng makitang labas masok sa bahay namin ang iba pa naming kapit bahay. Pagkauwi kasi ay kaagad na nagdesisyon si mommy na magluto ng pagkain para magcelebrate. Alam kong masaya lamang siya dahil nakalabas na si daddy. Pero alam ko na alam niyang wala talagang nangyaring hustisya sa paggulong ng kaso.

"Sofia, andyan na ang Daddy mo" nakangiting anunsyo ng isa naming kapit bahay habanv palabas siya ng bahay namin na may dalang pagkain.

Tinanguan ko na lamang ito at pilit na nginitian. Pumasok ako sa bahay at duon ko naabutan ang iba naming kamag anak sa side ni daddy. Ang iba nga dito ay di ko pa kilala, marahil ay malayong kamag anak pa ang iba.

"Sofia, Apo. Kumain ka na" salubong sa akin ni lola.

Kaagad ko itong hinalikan sa pisngi. "Kumain na po ako sa labas Lola. Gusto ko lang pong magpahinga" pagtanggi ko dito.

Tumango naman ito at binigyan ako ng daan ng tinawag ako ni mommy galing sa dinning. Ayoko pa nga sanang lumapot dahil gusto ko lang talaga ay makapagpahinga. Pero ayoko naman na magpakita pa ng kahit anong kabastusan lalo na't maraming tao sa bahay. Tama na muna ang kahihiyan para sa pamilya namin.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now