12. Gabi ng Kilig!

Start from the beginning
                                    

"Bakit ka namumula?" ang nakangisi kong tanong. Tulad kanina parang na alarma na naman sya. Nagiging wirdo na din sya tulad nung apat.

"Anong namumula? Hindi kaya! Basta! Sagutin mo na lang ang tanong ko." sabi nya at nag iwas ng tingin. Tutal naman ay nagtanong sya,edi sasabihin ko na. Matagal ko na kasi tong kinikimkim. Ang hirap ng walang napagsasabihan.

"Si Flexter,una ko syang nakita sa Tv,nabatobalani na ako sa kanya,sya lang ang lalaking pumukaw ng atensyon ko,lagi ko syang naiisip. Yung pagkagusto ko sa kanya napunta sa pagmamahal pagkalipas ng maraming araw. At nung una ko syang makita sa personal,hindi ko maipaliwanag pero ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko hanggang pangarap ko na lang sya,pero ngayon parang natupad na,kasama ko na sya,at lahat titiisin ko para sa pagmamahal ko sa kanya." mahaba at madamdamin kong sabi. Ang sarap sa pakiramdam na may napagsabihan ako ng nararamdaman ko kay Flexter.

Ngunit tahimik lang sya at parang bumalik sa dati,kaya medyo kinabahan ako.

"Tara ng umuwi,ihahatid na kita,baka hinahanap ka na ng mahal mo." aniya na walang emosyon at dumiretso sa motor kaya sumunod na ako.

"Cross,maraming salamat sa paghatid at sa time mo,pakisabi din dun sa apat,maraming salamat,nag enjoy talaga akong makasama kayo." ani ko ng makababa sa motor. Nanatili lamang sya sa motor at tinanguan ako. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa gate,ayaw ko na syang kulitin,may nasabi siguro akong hindi nya nagustuhan. Sayang,ayos na kami eh tapos nagkaganito pa. Ang bigat sa pakiramdam.

Nasa tapat na ako ng gate,binuksan na iyon ng guard ng bigla syang sumigaw kaya hinarap ko sya.

"Khalil!"

Kinabahan ako. Mukhang galit nga talaga sya. Hinintay ko syang magsalita. Agad syang bumaba sa motor at lumapit sa akin,tinitigan nya ako,lalo ako natakot.

"Gagawin ko ang lahat para mapasok ko yan." turo nya sa puso ko. "Hindi ako titigal,cross my heart!" natulala ako sa sinabi nya,hindi agad pumasok sa sistema ko ang sinabi nyang iyon. At bago pa ako makasagot,mabilis na nyang pinaharurot ang motor palayo.

"Ano daw? Anong sinabi nya?" wala sa sariling sabi ko at napahawak sa dibdib ko kung saan naghuhurumintado na sa pagtibok ang puso ko.

"Nag enjoy ka ba sa paglalakwatsa?" agad akong napatingin sa nagsalita

"F-flexter!"

"Its SIR FLEXTER,baka nakakalimutan mong alila kita? Pumasok ka na sa loob,madami pa akong ipapagawa sayo." madilim ang mukha nyang nagsalita. Galit sya.

"O-opo sir,pasensya na." nakayukong sabi ko ng pumasok na,nahiya kasi ako kay manong guard.

"Sabi ko alas otso dapat nandito ka na. Lumampas ka sa oras ko. Pinapauwi na kita kanina pero hindi ka umuwi. Inuubos mo ba ang pasensya ko?" aniya ng makapasok na kami sa kwarto. Nanginig ako bigla. Naalala ko yung sinuntok nya ako dati,natatakot akong maulit iyon.

"P-pasensya na talaga. Hindi namin namalayan ang oras,sorry po sir" ang nakayuko kong sabi.

"Wala akong pakialam. Nasa banyo ang mga damit at pantalon ko. Labhan mo iyon,at gusto kong pag gising ko bukas ay tuyo na lahat yon." aniya at tinalikuran ako at humiga sa kama nya. "Ang haliparot kasi,ganyan talaga mga bakla." dinig ko pang sabi nya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko,napaiyak na ako pero pinigilan kong huwag humikbi. Pumasok na ako sa banyo na masama ang loob ko. Habang buhay na siguro akong makakarinig ng insulto patungkol sa kung ano ako.

Ganon nga talaga siguro,pag sobrang saya mo,lungkot din agad ang papalit. Lumuluha pa din ako habang naglalaba na. Kahit sanay akong maglaba ay nahirapan pa din ako sa mga maong at pantalon. Wala kasing brush,kung bakit ba naman kasi hindi muna ako bumaba para kumuha nun. Ngayon nakaka limang pantalon pa lang ako pero ang hapdi na ng mga kamay ko. Ng tingnan ko puro galos na at pulang pula.

"Itigil mo na yan." halos mapatalon ako sa gulat dahil dun,agad akong tumayo at hinarap sya.

"P-po? Konti na lang po ito,patapos na din ako."

"Itigil mo na yan." at tiningnan nya ang mga kamay ko kaya inilagay ko ang mga ito sa likod ko. Pero pinilit pa din nyang hawakan at tingnan.

"Aray!" ang hindi ko maiwasang daing ng matmaan nya yung galos. Tiningnan nya ang mga kamay ko saka ako tiningnan ng parang naaawa sya. At ganun na lang ang gulat ko sa ginawa nya.

Niyakap nya ako.

Parang tumigil ang lahat at tumahimik,parang tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko. Ganito pala kasarap ang pakiramdam pag niyakap ka ng taong mahal mo.

"Im sorry Khalil,Im really sorry,nainis at nag alala kasi ako sayo na hindi ka dumating sa oras." ang bulong nya sa tenga ko. Nakiliti ako ng tumama sa balat ko ang mainit nyang hininga.

"Sorry talaga. Nasugatan ka tuloy dahil sa akin." at hinipan nya ang mga kamay ko. Hindi ako makapag salita,hindi ako makapaniwala na ginagawa ito sa akin ng taong mahal ko.

"Nung bata pa ako,pag nadadapa ako at nagkaka galos,hinihipan lang ni Mommy ang galos ko at magiging okay na ang pakiramdam ko." aniya at saka nag angat ng tingin at nginitian ako. Parang sasabog na ang dibdib ko. Umaapaw na yong nararamdaman ko. Panaginip lang ba ito o totoo?

"S-sir?"

"Tara,maupo ka dun sa kama at gagamutin ko yan." aniya at iniupo ako sa kama nya. Pumasok sya sa banyo at ilang saglit pa ay lumabas na sya ng may bitbit.

"Sir,ako na lang po,saka malayo naman ito sa bituka. Hindi ako mamamatay dahil lang sa galos."

"Huwag ka ngang magbanggit ng mamamatay na yan! Pano kung ma impeksyon? Edi lalala lang." sabi nya sa akin habang nilalagyan ng betadine ang bulak. "akin na mga kamay mo." at nung hawakan nya ang mga kamay ko,nakaramdam ako ng kuryente.

Bakit kanina hindi ko iyon naramdaman?

Tinitingnan ko lang sya habang ginagamot nya mga galos ko. Paminsan minsan ay hinihipan pa din nya ito,na para bang sa ganung paraan ay maiibsan ang hapdi ng sugat.

"Huwag mo ng uulitin iyon. Pinag alala mo ako ng husto. Kung hindi ka makakauwi sa oras na binigay ko ay magtext o tumawag ka para hindi ako mukhang baliw dito na nag aalala at nag iisip kung ano na ang nangyari sayo." seryoso nyang sabi habang ginagamot pa din ako. Hindi ko mapigilang kiligin at umasa na gusto din nya ako. Hindi naman masamang mangarap diba?

"Opo sir. Pasensya na talaga."

"There. Okay na yan. Matulog at magpahinga ka na,maaga pa tayo bukas,hindi pwedeng hindi kita kasama,ayokong nawawala ka ng matagal sa paningin ko." aniya at inayos na yung mga gamit nya na pinang gamot sa akin.

"Po?"

"Wala. Matulog ka na." sagot nya. Nagpasalamat at humingi ulit ako ng pasensya at naglakad na papunta sa kwarto ko. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ay tinawag na nya ako.

"Khalil." agad akong humarap sa kanya.

"Ano po iyon sir?"

"Hindi kita pinagbabawalang makita at makasama mo ang mga kaibigan mo. Pero pag oras ko na,gusto ko sa akin lang ang atensyon mo,gusto ko akin ka lang. Ayokong habang kasama kita ay iba ang tinitingnan mo. Maliwanag ba?"

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now