Chapter 28 - spa..

Start from the beginning
                                    

“buti naman, hija.. nabanggit kasi sa akin ni Kevin na naibigay na pala ng dad nya ung gift nila sa inyo.. at natutuwa ako, dahil tinanggap mo..”

“bakit naman hindi, Lola.. Thailand kaya to..” sabi ko ng pabiro..

“good.. kaya gusto ko, pagbalik mo dito, may aasahan na kong little boy o kaya little girl ha..”

Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Lola.. buti na lang pala at kalulunok ko pa lang nung kinakain ko, kung hindi, baka mabugahan ko si Lola sa mukha kahit pa sabihin na sa iPAD lang un..

“hahahhaha!! J.P!! Nakakatuwa talaga tong asawa mo..”

Sabay ikot ni Kieffer ng iPAD nya paharap sa kanya nang marinig nya ung pangalan nya.. napatingin ako kay Kieffer na parang may binubulong kay Lola at nag-bblush pa yata..

Bakit ba lahat ng makausap ko, un ung inaasahan nila?! Ano ba akala nila sa akin?! At tsaka....

Syet!! Makaka-kain na nga lang!!

-----------

*tukrruukk* *tukrruukk*

Yan! Yan ngayon ung nalilikhang tunog ng likod ko.. katatapos lang kasing batakin patalikod ung mga braso ko at puro pilay yata ako.. nandito na kasi kami ngayon sa spa at yeeeesssss!! Ang sarap sarap talaga magpa-body massage!! Heaven!! *U*

Pagkalapag ng mukha ko sa may unan, naka-harap ung mukha ko sa tulog na mukha ni Kieffer.. sa likod, braso at binti lang kasi nya gustong magpa-massage at gusto nya daw ung nakakatulog siya.. ayaw daw nya ung katulad ng massage sa akin.. ung buwis buhay! Haha..

Nalaylay sa ere ung kaliwang braso nya, at senyales un na malalim na ang pagkakatulog nya.. medyo nakanganga pa nga ang ugok.. sarap na sarap dun sa masahe nya..

Oh baka naman dun sa nagma-masahe??

Hmmmmm..

Di ko na lang un pinansin.. hindi naman siguro siya ganun.. mabait kaya yan.. hahaha..

Nung hindi na masyadong buwis buhay ung massage ko, medyo nakakatulog na ko.. naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko at napadilat ako ng Makita kong inabot ni Kieffer ung kamay ko at inintertwine nya un sa kanya..

“how are you?” he said in a husky voice.. ay!! Ang sexxxyyy ng boses!!

“ok lang.. well, medyo buwis buhay nga siya..” sabay tawa ko..

“saan mo gustong pumunta after this?”

“hmm.. ikaw bahala.. saan ba?”

“hmmm.. swimming ulit?”

“nyek! Bawal.. kama-massage lang natin eh..”

Natahimik naman kami saglit nun para mag-isip kung saan kami mamamasyal after this..

“eh kung, lumakad lakad na lang tayo sa beach.. you know, ung bibitbitin na lang natin ung slippers natin tapos maglalakad tayo sa tabing dagat..”

False AlarmWhere stories live. Discover now