Chapter 15: She's Back !

Start from the beginning
                                    

Naglakad ito palapit sakanya at inabot ang isang baso na may lamang alak na tinanggap nya naman kaagad " salamat po "

" maupo ka " utos nito, kaya naman walang ano-ano ay naupo sya sa sofa na nasa opisina ng matanda.

Nilibot nya ang paningin sa buong opisina at hindi maiwasang mamangha sa mga bagay na kanyang nakita. Mababakas sa opisina nito na isa itong kagalang-galang na tao.

" may ideya ko ba kung bakit kita pinatawag ?" nagbalik sya sa kanyang katawang lupa nung magsalita ang matandang nakaupo na pala katapat nya

Umiling sya " wala po ". Totoo yun, wala nga syang ideya kung ano ang dahilan ng head emperor para ipatawag sya. Hindi naman kasi sya nito karaniwang pinapatawag, at sa tanto nya ay ito ang kauna-unahang pagpapatawag nito sakanya.

Pinatong nito ang hawak na baso sa lamesita na kaharap nila at naupo ng naka-de quatro bago sya tuluyang tingnan ng seryoso.

Pakiramdam nya ay may malamig na hangin na dumaloy sa buo nyang katawan nang tingnan sya ng matandang kaharap. Walang duda na isa nga itong jimemez dahil tulad ng kanyang biyanan at asawa ay may malamig din itong mga mata

" alam kong gusto mong manatili sa tabi ni nathan, tama ?" malamig pa sa yelo na tanung nito sakanya

" opo " maikling sagot na lang nya. Kahit na isang salita lang yun ay nahirapan pa sya dahil talagang nakakakaba ang matandang kausap nya

" alam mo naman na hindi mangyayare yun hindi ba ? Maliban na ang kung tatakbo ka bilang isang emperador " sabi nito

" alam ko po yun, pero.. "

" pero ayaw mo ? My grand daughter is the empress of our society, at alam kong alam mo na ang dapat na mapangasawa ng isang emperatris ay isang emperador " pagpuputol nito sa sasabihin nya sana kanina

" at ngayon ay may napili na ako para makatuwang nya. Isang magaling, matalino at mapagkakatiwalaang tao at hindi ikaw yun Mr. McQueen " nakangising sabi nito

Tiim bagang lang na nag-aantay ng sasabihin ng matanda si steal. Nais nya kasing malaman kung sino ang taong tinutukoy ng matanda pero bigo sya dahil agad na iniba nito ang usapan.

At dahil dun, kahit na natapos na ang selebrasyon at nakauwe na sya sa kanyang bahay ay himdi pa rin mawaglit sa isip nya ang sinabi ng matanda

' you will never get what you want if you keep on hiding your real intention '

Nathan.

" do you really have to go eumma ?" malungkot na tanung saken ni iku habang nakayakap sa bewang ko.

Nakahiga silang dalawa ni eurie sa magkabilang gilid ko at ako naman ay nakasandal sa head board ng kama nila

At yung tinatanung nya ay tungkol sa pag-alis ko bukas papunta sa boracay for business purpose.

Gamit ang kaliwang kamay ko ay niyakap ko sya " yes baby, napag-usapan na natin to di ba ? "

" yeah but do you really have to go ? I mean tito cupid can take care of that right ?" natawa ako sa sinabi nya.

" haha, silly. I'm with your tito cupid, we both need to be there also your ---"

" argel was there right ?" napalingon ako sa kabilang gilid ko and there was eurie, reading his favorite book.

Inangat nya ang ulo at sinalubong ang tingin ko " don't hide it, i know he was there " as usual ay cold na sabi nya. Muli nya ng binalik ang kanyang tingin sa librong binabasa

Take The Empress' Heart BackWhere stories live. Discover now