"Nakakahiya naman—!"

He cut me off by giving me a fast peck on my lips. Sa sobrang bilis hindi ko manlang naramdaman.

"That's one of the million reasons why I love you." He said bago tumayo at balikan ang niluluto nya. Napailing nalang ako sa sarili.

"Finally it's done." Inilapag nya ang niluto nyang chicken pasta sa table sa harapan ko. Ito ang isa sa mga hobby namin. Magluluto sya at ako ang tagakain. We usually do this in his place lalo na't sya naman ang may gusto nito.

He said he loves cooking for me. And I love it too.

"Taste it, love, be my judge." Sabi nya habang tinatanggal ang suot suot nyang apron. Hot.

Kinuha ko ang tinidor na inabot nya sa akin at tinikman ang gawa nya. Sya naman ay umupo ulit sa pwesto nya kanina.

"Ang galing mo talagang mag-luto." I complimented him.

"Thank you." He said. Kumuha ulit ako ng pasta at tinapat sa kanya. "Say ah." Parang bata kong sabi habang hindi mapigilan ang mapangiti.

Hindi nya ako sinunod bagkus ay lumapit lang sya at muling nilapat ang labi sa labi ko. "Mas gusto ko tong tikman." He said as he kissed me again.

End of flashback

Lumabas ako ng kwarto ni Calix suot suot ang pinahiram nya sa aking oversized na white shirt at isang jogger. It took me minutes lalo nat hirap akong gumalaw dahil sa benda at pinatuyo ko pa ang undies ko.

Inikot ko ang buong tingin sa lugar nya. Where could he be? Hinanap ko agad ang kusina nya at hindi naman ako nagkamali dahil nororoon nga sya.

I cleared my throat telling him of my presence. He's working on the stove. Nagluluto sya.

Pano kung tumulong kaya ako? No, not a good idea. Hindi ako sanay.

"You need help?" Tanong ko parin. Hindi nya ako nilingon at tumango lang. "No need, just take your sit."

Sinunod ko sya. I needed to sit too, kumikirot pa talaga ang paa ko.

Hindi ko maintindihan si Calix. Just earlier we were talking, tinatanong nya kung ayos lang pakiramdam ko like he really cared, ngayon umaasta syang parang wala ako dito. He won't even bother to look at me. Umaastang wala syang kasama.

Natapos ang pagkain naming dalawa. Wala paring pag-uusap na nangyari. Hinayaan ko nalang. Maybe it's much better this way, kaysa naman mai-blurt out ko kung gaano ako naguguluhan sa asal nya.

"Go to my room. I'll be on the sofa." Aniya habang abala nyang nililigpit ang mga pinagkainan namin.

"No, okay lang sa akin, ako na sa sofa." Pagsalungat ko na natanggap ko lang ay isang kunot noo mula sa kanya ng harapin nya ako. "Ikaw na sa kwarto, no more changes of plan."

In the end, nakita ko ang sarili ko na nakahiga mag-isa sa kama nya habang sya naman ang nasa sofa.

Palalampasin ko nalang to at matutulog ng mahimbing. Iyon ang sabi ko sa sarili ko, pero inabot na ako ng ilang oras na nakapikit lang pero gising talaga at papalit palit ng posisyon para makatulog.

Hindi talaga ako dalaw dalawin ng antok.

Tumayo ako at humigab. Nauuhaw ako kaya naman kukuha ako ng tubig sa kusina, baka pag ginawa ko yon ay makatulog na ako.

Iika ika akong lumabas ako ng kwarto ni Calix, doing my best not to make any noise. Habang patungo ako ng kusina ay nadaan ako sa sala. There's Calix, laying on his sofa at balot na balot ng kumot. Well I understand him, malamig nga talaga.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Where stories live. Discover now