Calix is sitting beside me. Ang lapit lapit namin pero bakit parang ang layo namin sa isa't isa? He was once my bestfriend. Nang maging kami, sya ang naging bestfriend ko.

Napailing ako. That's all in the past. I reminded myself again.

Tahimik ang naging byahe. Wala ni isa sa aming dalawa ang nagsalita. Tanging tunog lang ng mga busina ng mga sasakyan mula sa labas at mga patak ng ulan.

Nang makarating kami sa building ng unit nya ay nakapasan parin ako sa kanya.

Nakakahiya. Gusto ko na maglakad, alam kong nabibigatan rin sya sa akin. But again, I have no choice.

Narating namin ang condominium unit nya ng walang salitaan.

We entered his unit so I obliged myself to roam my eyes around as we got in. Nanatiling simple ang taste ni Calix sa mga bagay bagay. Ang simple ng lugar nya.

Piling mga bagay lang ang makikita mo sa loob. Nice interior.

We entered a room, it was probably his. Pinaupo nya ako sa kama at lumakad sya patungo sa isang pinto.

Ilang segundo lang ang lumipas at lumabas syang may hawak na damit. Iyon ata ang closet nya.

"Change your clothes, baka abutin ka ng lagnat." Aniya at inilapag ang hawak nya sa gilid ko.

Hindi nya manlang ako tinignan o sinalubong manlang ang tingin ko. Sobrang lamig ng kilos nya, I must wonder not. Halata namang ayaw nya ring nandito ako, he just seem to have no choice.

Napabuntong hininga nalang ako nang makalabas sya ng kwarto nya.

Flashback

"Just more minutes then it's done." Nakangiting sabi ni Calix at tinakpan ang pinakukuluan nyang pasta strips.

Tumango ako at nginitian sya.

Lumapit sya sa akin at marahang hinatak ang upuan sa tabi ko. He sat there at nangalumbaba ng nakaharap sa akin.

We stayed like that for seconds. Nakakaconcious tuloy. "May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya na tinawanan nya lang.

Inayos ko ang buhok kong nakasabog at inilihis iyon sa likod ng tenga ko. Minsan iniisip kong may pagkamalabo din ang mga mata ni Calix. He chose me over Leila na pang beauty queen ang height at ganda.

"Why do you like me, Calix? Let's be real, hindi naman ako kagandahan. You can do better, ang daming magandang babaeng nagkakagusto sayo, so why me?"

"You are beautiful. You just don't see it because you don't believe in you. Pero ako nakikita ko, maganda ka, maganda ang puso. If you could only open my heart and mind, makikita mo kung gaano ako gandang ganda sayo."

"Talaga ba?" Natatawa kong tanong. Kinikilig naman ako sa lalaking to. Grabe.

Tumango sya. His eyes were smiling.

"I love you, Naya."

Kitang kita ko kung paano kumurba ang mapula nyang labi, it compliments his pearl white teeth and his silky skin. Ang gwapo.

"Ako din. Mahal kit--" napahinto ako sa pagsasalita ng biglang tumunog ang tiyan ko. Agad na nag-init ang mukha ko dahil sa sobrang hiya.

Nakakahiya!! Bakit ngayon pa to tumunog? Bakit ngayon pa nagparamdam?

Tumawa si Calix kaya naman agad akong napatakip ng mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Grabe, Naya! Ang galing mo talagang ipahiya ang sarili mo. The best ka!

"Don't hide your face. I like it when you blush." He said kaya naman hinampas ko sya. "Nang aasar ka pa!"

Tinawanan ako nito kaya lalo kong sinamaan ang tingin kanya wala naman syang pake.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon