Chapter 23 - langgam.. :P

Começar do início
                                    

“as much as i wanted to, not like, gusto ko talaga ah..i mean.. hindi ko na kaya.. pagod na pagod ako dahil ako lang ung nag-eentertain sa mga bisita kanina, at ikaw ung sitting pretty dun sa isang tabi at nakikipag-chika-han lang sa mga kaibigan mo..”

Dumilat ako at humarap na din sa kanya.. “eh paano naman kasi kieffer, puro mga business people ung mga un, tapos mga amiga naman un nila lola at mommy, kaya hindi na kita sinamahan dun.. creepy kaya.. tapos ung iba naman din dun ung mga pinsan mong hindi boto sa akin..”

“anong hindi boto? Eleksyon ba?”

“nyee nyee.. tatawa na ba ko?”

Natawa naman nun si Kieffer, saka nya ko niyakap sa may bewang at isiniksik nya ung mukha nya sa akin saka nya sinabi..

“boto sayo ung mga un.. kabahan ka kapag hindi ka tinarayan nun..”

“eh? Bakit?”

“kasi, kapag hindi ka nun tinarayan, ibig sabihin pina-plastic ka lang nun.. ganun un sa tao.. baligtad utak nung mga un eh.. pero, swear, gusto ka nila..”

“talaga lang ha..”

“oo.. kaya, matulog na tayo.. antok na antok na ko kanina pa eh.. ikaw lang hinihintay ko..”

Inilayo ko ng konti ung sarili ko sa kanya para Makita ko siya..

“eh bakit hindi ka nga pala matulog na?”

“kasi nga, first night natin to as newly weds..”

Ayan na naman! Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa lamig at kaba na naramdaman ko..

“*chuckled* tumigil ka nga jan sa mga pinag-iiisip mo.. ayan ang napapala ng pakikipag-chika-han kina sharmaine at ella.. oh, ano ka ngayon..”

“tssee!! Matulog na nga tayo! Wag na natin ung pag-usapan..”

At pinilit ko na nga talaga matulog nun.. pagod din naman ako dahil kanina, pero bakit hindi ako datnan ng antok? Samantalang itong kasama ko,sa isang iglap lang, tulog na.. naghihilik pa ang ugok.. xD

-----------

Kinabukasan, pagkagising ko.. instead na si Kieffer ung Makita ko, ay pulang rosas ung nasa tabi ko at may kasama pang maliit na papel..

Uuuyyy.. start na ba nung panliligaw nya kuno?? xD

Inabot ko iyong rose at idinampi ko sa ilong ko para amuyin ko.. napangiti ako kasi kinikilig yata ako?? Ewan!! xD

Binasa ko naman ung note na nakalagay dun sa tangkay nung bulaklak at binasa ko iyon.. nawala bigla ung ngiti ko dahil medyo nainis lang ako ng kaunti.. umalis na pala si Kieffer dahil may biglaan daw syang business deal na aattend-an.. kung sana ba jan lang sa office eh.. ok lang.. pero..

sa hong kong pa talaga?!

Amie,

Good morning.. o.. good afternoon? sorry, hindi na ko nakapag-paalam sayo.. tumawag kasi ung isang investor at aayusin na daw nya ung deal nya kay Kevin ngayon, kaso lang, alam mo naman na naka-leave siya, kaya ako muna daw ung papalit sa kanya.. nga pala, kung nababasa mo to ngayon, nasa hong kong na ko.. wala pa nga kong tulog eh, baka sa byahe na lang ako matulog.. sorry ulit..

Baba ka na.. nagpaluto ako kay manang ng laing.. favourite mo un, diba?”

I love you..

-J.P

Kung hindi lang talaga to sweet, nagalit na talaga ko.. pero, sabagay, acting director nga pala siya ngayon.. parang siya na umako ng lahat ng trabaho ni Kevin ngayon.. matatagalan pa siya dahil 2 weeks pa lang ung nakakalipas ng manganak ung asawa nya..

False AlarmOnde histórias criam vida. Descubra agora