"Ayaw mo bang mabuo tayo?" Sigaw niya sa akin at muli nanaman akong nakatanggap na malutong na sampal mula sa kanya.

Dahil sa sakit ay di ko na napigilan ang aking pagiyak. "Umalis ang Daddy mo! Iniwan nanaman niya tayo dahil sayo! Dahil akala niya kasalanan niya kung bakit ka nagkakaganyan!" Sigaw niya pa sa akin.

"Totoo naman po! Kasalanan niyang lahat ito!" Laban ko kay mommy.

"Gusto ng Daddy mo na mabuo ulit tayo! Pero anong ginawa mo!?" Sigaw niya pa muli sa akin, pero dahil sa inis ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tsaka ako inalog alog na para bang akala niya sa paraang iyon ay magigising ako.

"Ma...Ma naman!" Frustrated na sabi ko habang umiiyak.

"Wala kang pakialam sa pamilya na to Sofia" akusa niya sa akin na kaagad kong inilingan.

"Ma...nakapatay si Daddy, may pinatay siya!" Madiin pero mahinang sabi ko kay mommy.

Sa di ko mabilang na pagkakataon ay muli nanaman niya akong sinampal. "Di yan totoo! Tigilan mo na ito! Umuwi na tayo!" Hila niya sa akin.

Kaagad akong nagpumiglas, "Ayoko na pong umuwi sa atin! Ayoko na po!" Pagpupumilit ko.

"Sofia!" Sigaw niya sa akin.

"Ayoko na po, Ma..." mahinahong pakiusap ko.

Padabog niya akong binitawan. "Kung hindi ka sasama sa akin ngayon, kakalimutan kong may anak ako" pagbabanta niya sa akin.

Nanlulumo ko siyang tiningnan pero mukhang desidido siya sa kanyang desisyon. "Ano, Sofia?" Tanong niya.

Umiling ako dahilan para marinig ko ang pagsinghap niya. "Ma..."lalapit sana ako sa kanya para hawakan siya ng bigla niyang tinabig ang aking kamay.

"Kalimutan mo ng may ina ka, Sofia...dahil kakalimutan na din kita" pagbabanta niya sa akin tsaka niya ako iniwan na magisa duon.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak duon. Di ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin, sinong dapat pilin at kung sino yung worth it para sa lahat ng sakit na ito.

"We have only a week to prepare, Sofia" sabi ni coach Dylan sa akin.

"Ok po, Coach" nakatulalang sabi ko sa kanya.

Tinabihan ako nito habang nakaupo ako sa may gutter. "Umiyak ka nanaman?" Sabi niya sa akin.

"Wala po ito, Coach" nakangiting sabi ko sabay pahid muli sa luha kong di matigil sa kakapatak.

"You know what Sofia, alam ko ang nangyayari sa main campus. But still, I remain silent...kasi nakikita kong desidido ka sa competition na ito" kwento niya sa akin.

Tumango tango ako. "Kailangan ko po talagang maipanalo to, Coach" desididong sabi ko.

Kaagad na kumunot ang noo nito. "Kailangan? For what...whatever happens may full scholarship ka pa din naman" kwento nito sabay tawa.

"Kaya nga yung iba they take it for granted" dugtong pa nito.

Nakikinig lamang ako sa kanya nang bumaling siya sa akin. "But I see your dedication for this Sofia, nakikita kong kinakaya mo lahat ito" pagpapalakas niya ng loob ko.

Dahil sa pagcocomfort sa akin ni coach dylan ay di ko napigilan mapayakap sa kanya. "Masyado pa akong bata para maging second Dad mo, Sofia. Let's say a brother..." natatawang sabi niya pa sa akin.

"Thank you po, Coach" pasasalamat ko sa kanya.

Pagkatapos mag practice ay kaagad na akong nagbihis ng school uniform, may klase pa kasi ako. Ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong ko, marahil sa issue at dahil na din siguro sa namumugto kong mata.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now