Entry66*Check-up

4.1K 175 49

Aira P.o.v
Nag matapos na kong lagyan ng mga pinapahid na gamot sa katawan.
Pumunta ako sa room nila Christian,
Balita ko di pa siya nagigising.
Nauntog kasi yung ulo niya sa manebela.
Di rin ako makapaniwala na nakaalis na kami sa Campus na yun.

Nga pala, sinabi ko na kila tita kung anong nangyari kay Jessica, at sinabi na namin kung anong nangyari sa iba sa mga magulang nito.

Ang swerte ba namin kasi nakaligtas kami dun? O ang malas namin dahil nakaranas kami ng ganun?
Pero kahit ano payan. Nag papasalamat ako sa panginoon at binigyan pa kami ng pagkakataon na makisalamuha sa mga tao .

Nang makarating nako sa room bila kung nasan sila Christian nasa number A bed siya. Kay nung pag katabing ko ng kortina, nakita ko agad na umiiyak ang mga kamag anak niya..

May nakakabit din sa ulo nito at may host sa ilong.

'Okay na po ba siya?'
Tanong ko sa mama niya siguro.
Tumingin lang ito sakin at pumatak ang kanyang mga luha.
Nadala tuloy ako kaya napaiyak din ako,

'Comatose siya..'
Iyak nitong sagot sakin ..

Ano ba Aira.. Kaibigan mo lang siya pero bakit ka ganito umiyak.?

'Po??'
Pinaulit ko pa dahil parang di pa nag sync in sa utak ko.

'Camotose siya , pero di alam kung 3years ang pagka coma niya.'
Hindi ko na talaga mapigilang umiyak.
Siya kasi ang sobrang napuruhan samin dahil siya ang nasa unahan tas wala pa siyang safety belt..

Ano ba to.. Bat ba kami nag kakaganito?

'Nga pala.. Girl friend ka ba ng anak ko?'
Tanong sakin ng nanay niya.
Pero ako parang tanga lang kasi imbes na sagutin kong hindi ,
Wala lang akong imik at iyak lang ng iyak.

'Mukang, naging mabait kang kaibigan ng anak ko. Thank you for being good to my son, pero dahil masyadong malala ang kanyang kalagayan. Napag pasyahan naming ilipat siya sa states.'
Dahil dun sa sinabi ng Mama niya.
Lalo akong nag iiyak, kulang nalang ay mag halumpasay ako dito.

Muli kong tinignan si Christian na nakahiga at nakapitik, tapos ang daming makakabit sa kanya.
Then tinignan ko yung mama niya na nasa harap ko.

'Sigi po.. *sniff. Pero kung sakaling totoo po yung sinasabi niyo kapag nagising *sniff po siya makalipas ang tatlong taon. Paki sabi pong nag hihintay ako sa kanya. Aira po yung pangalan ko'
Nang matapos ko yun sabihin lumabas na ko ng room nila at dumiretso na sa kwarto namin .
Kung saan 9 kami nandun..
.......
......
.....
....
Marvin P.o.v

Hindi naman ako masyadong nasugatan. Nagkaron lang ako ng gasgas sa bandang binti at chineck up ng nurse yung mga tyan namin, dahil sa kinain naming mga bangkat ng tao.

Habang nakaupo ako at hinihintay sila mama na kumuha lang ng pagkain.
Pumasok si Aira na umiiyak at nakatakip ang bibig tapos lumapit saakin.

'Bakit yun Aira.?'
Dahil sa kinilos niya, lahat kami ay nakatingin na sa kanya at inaabangan ang kanyang sasabihin.

'Si Christian Comatose siya.. Di pa alam kung ilang years siyang makakatulog ng mahimbing.. Basta sabi mga three years plus daw.'
Umiiyak na sabi ni Aira..

Feeling ko kami yung may kasalanan dahil siya pa yung pinag drive namin.

'Ililipat siya sa states at dun ipag papatuloy ang pag papagamot sa kanya.'
Dagdag nito..

Magsasalita na sana ako ng biglang may pumasok na mga pulis sa room namin at parang may isa pang detective.
Meron ding mga abogado yata ? At isang Doctor tyaka nurse.

'May tanong lang po kami sa inyo , tungkol sa nangyari sa inyo..'

Yun na nga, ikinuwento na namib sa kanila ang buong pang yayari at pati narin yung mga namatay .

'Ganon ba.. Sigi , mag pagaling na kayo at kami ng bahala dito.'
Sabi ng detective na sinusulat ang bawat ditalyeng sinasabi namin.
Tapos umalis na sila.

Di ko alam kung makakatulong pa ba sila dahil, namatay na si Melany at yung iba nitong kamag anak na si Roger at si Lola na tumulong samin.

Di parin tumitigil sa pag iyak si Aira at pinapatahan naman siya ni Maika na meron ding natamong mga gasgas.

Pumasok na sila mama at papa kasama yung kapatid kong babae na ibinigay naman yung cp ko sakin.
Namiss ko to... Di ko kasi to nadala nung first day of school eh .
Binigyan nila ang ng tinapay at juice. Dahil daw gutom kami, di daw pwedeng pakainin agad kami ng marami at bawal pa samin yung mga junkfoods.

Ilang days kaya kami dito?
Medyo maayos narin naman yung pakiramdam ko , pero sabi ng doctor kailangan daw na titignan kami ng mga nurse at araw araw daw kaming checheckup-an.

Humiram muna ako kay mama ng headset at pinatugtog ang Dangerous woman ni Ariana..
Namiss kong pakinggan to.. Na miss kong makinig nag music ni Ariana.

......
.....
....
...
Maika P.o.v

Kanina pa kami nag iyakan eh.. Si Aira nalang yung natirang umiiyak dahil nga daw kay Christian. Sa tingin ko may gusto na to kay Christian eh.

Dito sa room na room namin, kami lang 9 ang nandito at may kanya kanya naman kaming bed. Meron din mga upuan ng mga nag babantay.
Kanina namdito sila mama pero ngayon umuwi muna sila dahil kumuha ng mga prutas at damit.

Sabi kasi ng doctor mapapatagal kami dito sa Ospital.
Medyo iniisip ko na napaka swerte namin dahil nakaligtas kami doon.

Lahat kami ay halatang galing lang sa iyak.
Dumating kasi kami dito sa Manila kanina lang madaling araw . Dahil dito kami diniretso ng driver dahil narin sa mga natamo namin. Kaya bumyahe pa yung mga magulang namin para makita kami.

Gusto kong makita ulit ang driver at makapag pasalamat ulit.

Ang sarap ng feeling ng ganito., yung wala ng nanggugulo at pumapatay sa mga kasamahan namin. Turing ko narin sa kanila ay mga kaibigan,
Dahil tama lang yung ginawa naming nag tulungan kami.

Nang tumahan na sa kakaiyak si Aira.
Pumunta na ko sa kama ko at humiga.
Sarap humiga sa malambot na kama.
Yung kama sa Campus? Di naman kalakihan yun at pang clinic lang talaga. Hindi pa malambot yung kutson..

Dito ang lambot ng hinhigaan ko at ang sarap talagang tulugan..
Namimiss ko na tuloy yung Kama ko sa bahay..

Tinignan ko ulit yung mga kaklasi ko na mga chinecheck-up pa at yung mga kakagising lang.
At siii...

Melany?
Sumilip siya sa my pinto kaya agad akong mapabangon ng wala sa oras.

Pero nung lumabas ako para tignan muli. Wala na ito.
Siguro guni guni ko lang ...
......
.....
....
...
..
.
A/n: Hi sa mga nag vovotes at nag cocomment. :)
Thank You sa inyo.. :*
Next page...

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon