Entry39*Dog

3.7K 108 1
                                    

Joshua P.o.v

Bbbbbwwaaaaaa  ..
Maaga na naman, hayssst..

'Ano na? Gising na kayo'
Sabi samin ni Lloyd,
Eto na naman tayo sa plano,
Ano na naman kaya sunod naming gagawin ngayon.

Tumayo na ako at nag kusot kusot ng mata..
Napatingin ako kay Bobby, nakahiga parin siya at nakatali.
diba siya nakakaramdam ng gutom?

Hmm? Wala parin siyang malay pero may hininga pa siya.
Natatakot parin ako sa kanya hanggang ngayon.

Hayssst.
'Uuyy.. tara na !'
Gising ko kila Glazel at Jennie.

'Ano ba?'
Sabi ni Jennie nung pag kabangon,

'Tawag na tayo ni Lloyd sa labas. tayo nalang yung hinihintay '
Sabi ko sa kanila at lumabas na kami.
Kahit wala pa kaming kain kain nag punta kami sa tapat ng gate at nag isip kami ng plano.

'Bat di kaya? May isang lalabas dun sa pinaka labas, mag tutulungan tayo'
Sabi ni Lloyd.

'Di nga pwede. Pano tayo makakalabas eh, may mga wire nga at kuryente'
Sabi ni Christian sa kanya.

Hmm? isa? Isang lalabas?
Eh, pano naman?

'Simple lang. Dun sa may pinaka gilid, napansin ko na may isang wire dun na sira.'
Sabi ulit ni Lloyd at tumuro sa bandang gilid ng campus.

'So? May isa dun na kailangan lumabas at pupunta sa harap ng gate dun sa labas.'
Sunod nitong sinabi.

Sino naman kaya?
Basta ako ayoko..,!!

'Ako nalang.'
Sabi ni Jessica na tumatakbo papalapit samin.

'Oh? Jessica? San ka ba nang galing?'
Tanong ni Aira sa kanya.
Kahapon kasi hinahanap nila si Jessica.

San naman kaya siya nanggaling? :3

'Ahh.. wala, ano bang gagawin?'
Tanong niya ulit may napansin ako sa bandang leeg nito.

Di kaya kamuntikan na siyang makuha kagabi?

'Tara na .. Tulungan tayo'
Sabi ni Lloyd at nag punta na kami sa may gilid ng Campus.

.......
......
.....
....
...
Jessica P.o.v
Haharapin ko na to..

'Sure ka ba na ikaw na gagawa?'
Tanong sakin ni Marvin habang nakahawak si Aira sa braso ko.

'Oo naman'
Sabi ko sa kanya at pinilit kong ngumiti.

'San ka ba nanggaling kagabi?'
Si Maika naman yung nag tanong, haysst!! Ayoko ng balikan yun siguro kaya ako linigtas ni Lord kasi may kailangan pa kong gawin.
Naalala ko bigla yung babaeng tumulong sakin kanina.

Sino kaya siya?

'Ayy. Basta mahabang kwento! buo na desisyon ko'.
Sabi ko sa kanila.
Malapit na kami makarating dun.

Kagabi ayoko pang mamatay . Pero ngayon kaya kong mamatay maligtas ko lang sila.
Hayysst . Di ko na alam ang gagawin ko 
Atyaka bakit naman ako mamamatay? Eh, lalabas lang naman ako.

Lalabas akong mag isa at bubuksan yung gate mula sa labas.
Bakit nga ba ako nag prisinta?
Kasi parang ito yung misyon ko kaya di pa ko namatay kagabi.

'Yan na Jessica Umakyat ka na '
Sabi ni Lloyd at inalalayan akong makaakyat sa pader.

Eh pano ako bababa?
nandito lang ako sa may tuktok ng pader. Di ko alam kung pano ako makakababa.

'MAG INGAT KA AHH'
Sigaw sakin ni Aira.

Pag kasabi kiya nun. Agad akong tumalon sa baba, sa kabilang pader.

Parang napapikit ako nun sa sobrang sakit kasi bigla akong tumalon , mataas din yung napag talunan ko.

Pag kadilat ko, laking gulat ko sa nakita ko.
Ang mga tuhod ko.!!

Di ko mapigilang di mapaiyak .
Di ko nararamdan yung sakit namamanhid pero tuloy tuloy parin ang agos ng dugo ..

Lumabas yung mga buto ko sa tuhod sa pag katalon ko.
di ako makalakad..

Tumingin ako sa likod ko.
Sa likod ng mga pader na to nandito yung mga classmate's kong umaasa sakin na mabubuksan ko yung gate.

Tumingin ako sa paligid, puro puno dahon, puno, dahon  at puno, dahon ang nakikita ko.

Kailangan kong makarating sa tapat ng gate.
Sa di na nga ako makalakad , gumapang nalang ako papuntang tapat ng gate.

Nang may narinig akong kaluskos galing sa likod ng mga dahon.
ano yun?

Binilisan ko yung pag gapang ko at nang pag katingin ko , may parang aso na mukang papalapit saakin.
Namumula ang mga mata nito at nag lalaway ang bibig. DI KAYA? NAKADRUGS YUNG ASO?

Binilisan ko ang pag gapang pero papalapit na sakin yung aso.
Eto na ba katapusan ko? Kailangan ko pang tulungan ang mga classmate's ko.

Onti nalang makakarating na akong tapat ng gate.
Pero may biglang humila sakin.
Pag katingin ko nakita ko yung asong kagat kagat ang paa ko at hinihila ako papalayo sa may gate.

Dahil nga sa di ko na maramdaman ang mga paa ko dahil sa nabali ang buto ko.

di ko maramdaman yung sakit habang kinakagat niya yung paa ko..
Pinilit ko parin gumapang papalapit sa gate pero sadyang malakas yung aso at nahihila niya ko.

Dinilaan niya yung mga dugong dumaloy saakin binti..
pag katapos diladilaan bigla niya itong kinagat.

Di ko nararamdaman pero alam kong kinakain niya na yung paa ko.
Di ko pinangarap na mangayari sa akin ang gantong pag ka patay.

Hanggang sa buong binti ko na ang wala.
Kinain na ng aso..

Napa iyak ako sa nakikita ko.
Bakit pa ko may hininga?

Pinunasan ko luha ko at tinignan yung aso..
Gusto kong patayin ngayon yung aso kasi nakikita kong inuunti niyan kainin ang mga parte ng katawan ko..

Di ko pa natutulungan yung mga classmates ko.!!
Pinipilit ko paring gumapang pero di ako nag wagi.
Pag kalingon ko,

May kumagat sa ulo ko.
Ramdam ko ang mag pangil na tumatagos na sa ulo ko..

Nagawa ko pang kumilos, at nakapag sulat pa ko sa lupa gamit ang mga dugo ko.

Patawad classmate's..
Nabigo ko kayo..
Patawad...

Di ko na kaya.,
Katapusan ko na..

PATAWAD.!!
.....
....
...
..
.
A/N: Natapos ko na yung High School Love on!! Grabe! Ang ganda talaga promise.. Nakakaiyak tas nakakakilig tas nakakatawa... haysss. Sana may part two :3
Ps: Hahaha.. Nag A-a/n ako na walang konek sa story XD
Hahaha. Share ko lang naman :)

Death ClassWhere stories live. Discover now