Entry44*Necklace

3.6K 106 2

Dumiretso ako sa cafeteria kasi parang nakaramdam ako ng gutom.
Nagugutom na ko, ayoko namang mag mukmok at magpakagutom lang.

Andito ako sa Cafeteria, tumabi ako kila Marvin na ngayo'y kumakain din. Napansin ko din si Aira na nakain na rin, Tanggap niya na kaya? Pero kahit di kami sure na wala na si Jessica pinaniwalaan nalang namin na wala na siya dahil narin sa pangalan niyang may guhit sa baba dun sa pader.

'Okay ka lang Jennie?'
Muntik na kong masamid ng bigla akong hinawakan ni Marvin sa kaliwa kong balikat at sinabi ang katagang yan..

'Oo naman.. Muka ba kong di okay..?'
Kahit di ako okay, pinipilit kong maging..

'Aahh.. Ganun ba? '
Sabi niya nalang at di na miuling nag salita.
Nang matapos na kami sa pag kain, yinaya ko na silang lumabas at para maikwento ko sa kanila ang nangyari sakin kanina.

Gusto kong malaman nila na merong lagusan upang makalabas kami rito. Pero nag iisip parin ako kung sakaling makita namin ang lagusan, pano namin matatakasan ang mga asong nag aabang samin sa labas?

Haysssstt.. Ewan ko ba.. basta sasabihin ko sa kanila kapag naging kumpleto na kami ..
Napaisip din ako nung biglang sumulpot sa tabi ko si Jerome.. Nakita niya kaya yung nangyari? At yung mga sinabi ni Kuya?

Tss.. Bat ko ba yun iniisip.. Wala naman akong pake kung nakita niya kami, wala naman siyang kinalaman dun.. Tss...
.......
......
.....
....
Third Person:
Nag lalakad na sila Jennie papalabas ng Cafeteria ng bigla siyang natisod at na subsob sa lupa.

'Anu ba Jennie? Sabi mo okay ka lang?'
Sabi ni Marvin sa kanya at agad siyang tinayo..

'Baliw ka talaga.. '
Sabi naman sa kanya ni Maika na medyo natawa.

'Sorry.. Clumsy lang'
Sabi ni Jennie nang makatayo at naglakad na papuntang Clinic.

Nang makalayo na sila sa lugar kung san siya natisod , Hindi niya napansin na sa pagka subsob niya ay nahulog ang kwintas na bigay sa kanya ni Ate Cindy niya. Na girlfriend ng kuya niyang si Phillip.

Nang makarating na sila sa Clinic, ay maaga aga pa naman kaya kumpleto sila sa loob ng Clinic.
......
.....
....
...
Bobby P.o.v

Nagising ako nang nakaramdam ako ng pananakit ng Tyan at pag susuka..
Na ikinagulat naman nilang lahat.
Maga parin ang mga mata ko at barado ang ilong..

Nang lumapit sakin si Justin, 'Okay ka lang? Anong problema?'

Tanong niya sakin..

'Nasusuka ako kaya pwede bang ialis mo na ko sa pag kakatali rito?'
Pag mamakaawa ko sa kanya.

'Wag kang mag palinlang sa kanya Jus.. Baka nag papanggap lang siya.'
sabi ni Lloyd sa kanya.

'Di ako nag papanggap.. Masama talaga pakiramdam ko kaya pwede niyo na ba akong tanggalan ng pag kakatali?'
Pag mamakaawa ko sa kanya.

Mga ilang beses din ako nag makaawa sa kanila para pag bigyan nila ako at sa bandang huli ay tinanggalan na nila ako ng tali..
Nang hihina nako.
At ansakit ng tyan ko.

Agad agad akong nag tungo sa cafeteria upang kumain dahil nagugutom narin ako.
Yung mga nangyari sa aakin nung panahong yun ay gusto ko ng kalimutan pero yung mga ala ala ko kay January ay hindi mabubura kahit anong gawin ko.

May sasabihin sana sa aming lahat kanina si Jennie dahil napaparinggan ko siya kahit tulog ako , pero naririnig ko siya dahil gising ang diwa ko.
Pero di yata na tuloy dahil naduwal ako kanina.
Kumain ako ng marami upang lumakas,

Di ko alam kung bat ko to ginagawa pero gusto ko lang ipahatid ang mesahe ni January sa mga magulang niya.
Ano ba tong luha ko.!! Ayaw ng huminto..

Nang matapos akong kumain, pumunta agad akong clinic at kumuha ng damit upang maligo..
Puro tuyong dugo na kasi ang nasa katawan at damit ko.
Ang dungis dungis ko na.!!

Sa tabi naming Cr kung saan ang cr ng mga boys.
May narinig akong parang hinaharas?
Babae yung tinig ng boses at humihingi ng tulong..
Kaya agad agad akong nagbihis at agad na binuksan ang cr ng mga boys , pero walabg tao..

Ano yung narinig ko kanina?
......
.....
....
...
Christian P.o.v
Di ko na maintindihan ang nangyayari samin ngayon..
Di ko na alam kung ano na ba ang susunod na mangyayari samin.
May sasabihin sana samin si Jennie nang tumuon ang lahat ng atensyon namin kay Bobby na dumuwal. Agad agad naman siya linapitan ni Justin, matapos ang pag uusap nila , lumabas na si Bobby na mukang hinang hina.
Wala nag lakas loob na sundan siya dahin natatakot parin ata sila rito.

Ilang saglit pa ay dumating na siya at kumuha lang ng damit at lumabas ulit.

Sa di kalayuan ng pwesto ko nakita ko si Aira na nakahiga at nakataklob ng kumot.
Tumingin ako ng orasan ko para icheck kung anong oras na.
Pero 9:50 palang. Maaga palang ehh, matutulog na agad siya?
Wala siyang katabi ngayon siguro nag paiwan siya kila Marvin? San naman kaya pupunta sila Marvin at Maika?

Lumapit ako at tumabi sa tabi niya.

'Aira?'
Tawag ko sa kanya at kinalabit siya ng Tatlong beses.

'Hmm? Bakit?'
Wooooowwwhhhh..
Anyare sa muka niya?
Muka siyang busog na garapata..

Magang maga yung muka niya.

'Bakit ganyan muka mo?'
tanong ko sa kanya.,

Pero di niya ko sinagot at nag takip ulit ng kumot.
ang taray niya. Concern lang naman ako sa kanya eh.. tsss.

Di ko parin siya tinantanan at inuyog uyo siya..

'Wuuuyy.. okay ka lang ba?'
Tanong ko ulit..

'Ano bang kailangan mo?'
This time napaupo na siya sa pag kakahiga at tumingin sakin.
Beastmode agad.?

'Sus. Wag kanang pakipot! Sabi mo nga sakin diba? Crush mo ko nung unang kita mo palang'
Oo di ko parin nakakalimutan yung truth or dare.

Minsan tinitignan ko siya mula sa malayo. Napapaisip ako kung bakit ako yung unang bumihag ng paningin niya.. oo baduy pakinggan pero minsan ayun yung nag papawala ng takot ko.. ewan ko ba..

'Kapal mo'
Sabi nito..

Hayssst.. Gusto kong pagaanin yung loob niya pero di ko alam kung pano ko magagawa.
Alam ko naman yung nangyari sa kanya. Yung nangyari sa pinsan niyang si Jessica na di na bumalik ng makalabas sa campus.. ano na kayang nangyari dun?

Pero mukang may nangyaring masama sa kanya kasi may guhit ang baba ng pangalan niya sa pader.

'Sus.. Sigi na nga. Kain nalang tayo sa Cafeteria.'
Yaya ko sa kanya ..

'Kakakain ko lang, busog na ko.'
Sabi niya.

'ahh.. ganun ba? Sasamahan nalang kitang matulog.'
Sabi ko at humiga sa tabi niya.

'Anu ba? Jan ka pa nahiga di ka naman jan eh..'
Sabi niya sakin at pinag hahampas ako.. Di ko nalang siya pinansin,
habang nakahiga ako nakita ko sila Lloyd at Jerome na lalabas ng clinic , siguro nagugutom na sila.
Susunod sana ako pero nakaramdam ako ng antok..

HAYYYSSSSTTT!!
.........
........
.......
......
.....
....
A/n: Enjoy ba guy's ? Okay na ba yan? :)
Next page.

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon