Entry65*And Finally..

3.5K 122 9

Jennie P.o.v

*tooottt...toooott..

Hmm? Aray, bakit ang sakit ng ulo ko.
At nasan ako?

Linibot ko yung paningin ko na medyo malabo labo pa. At puro puti lang yung nakikita ko, nasa langit na ba ako?

'Pa.! Gising na si Jennie.'
Wait.. Boses yun ni Mama ah..
Nasan na ba ako?

Pinikit pikit ko yung mata ko at nakita ko ng malinaw na nasa ospital na ako.
At marameng nakakabit sakin na echeboreche.

Agad agad kong yinakap si Mama.
'Mama!!'

Sabi ko sabay yakap sa kanya.. Naiiyak ako, grabe. Di ko akalain na makakaligtas kami.

'Bunso '
Sabi naman sakin ni Papa sabay yakap din sakin.

'Ano pong nangyari sakin? Bakit po ako nandito?'
Tanong ko sa kanila habang humihikbi, di talaga mawala yung luha ko sa mga mata ko. Halos di ko na sila makuta kakaiyak.

'Hindi ko alam . Pero may Driver daw na nag dala sa inyo dito sa ospital.'
Sabi ni Mama sabay yakap ulit sakin.

'Salamat at nakabalik ka samin.'
Iyak din ng iyak si Mama, nag karon ng isang malaking drama sa loob ng Kwarto..

'Pero saglit po. Asan po ba yung mga kaklasi ko?'
Tanong ko ulit sa kanila habang pinupunasan ko yung luha ko. Pero mukang useless yung ginagawa ko kasi may natulo paring mga luha.

'Nandito sa kabilang kortina yung ibang kaparehas ng sitwasyon mo. Mga kaklase mo rin sila.'-Mama.

Pagkasabi nun ni Mama, Lumapit ako ng konti sa kurtina at tinabing iyon. Sa kaliwa nakita ko si Christian at ang mga kapatid nito at sa kanan naman .

Ay si..

Ay si .

Melany??

.................

'Bat po siya lumuluha dok?'
Habang nakapikit ako, naririnig ko ang boses ng babaeng kausap yata ang doctor ngayon.
Ayoko dumilat.!! Ayokong dumilat dahil baka makita ko na naman si Melany, Panaginip lang pala .. Buti naman kala ko pati dito sinundan niya pa kami.

Kahit nakapikit ako gising ako at alam ko kung anong pinag uusapan nila.

Asan na ko? At bakit parang ang ingay?

Kahit ayoko dumilat, pinilit ko parin idilat yung mata ko.
Nasa Ospital pala ako kagaya ng nasa panaginip ko.

Agad agad akong yinakap ni Mama ng nakita akong nagising na.

'Bunsoooo.. Papa si Bunso gising na.'
Sabi ni Mama na agad ko naman ginantihan sa pag kakayakap.
Medyo di ko na matandaan yung boses niya kaya di ko siya agad nakilala nung nagsalita siya.

Kagaya sa panaginip ko . Iyak din ako ng iyak ngayon,
Yinakap din ako ni Papa at sila Tita ..

Nandito silang lahat . Namiss ko sila..
Alam kong di na ito panaginip dahil nararamdaman ko na yung mga nakatusok sa braso ko at mga pumapasok na gamot dito.

Eto na talaga yun ehh.. Di na to panaginip.
Di ko na kayang makapag salita dahil iyak lang ako ng iyak ,

'Maayos na ba pakiramdam mo?'
Sabi sakin ni Mama.

Habang naiyak ako tumango lang ako ng ibig sabihin ay Oo.

.....
....
...
..
Jerome P.o.v
'Salamat sa pag alalay mo sa anak ko ahh.'
Sabi sakin ng tatay ni Jennie. Nakuta ko na rin siya 5years ago, nung pumunta sila sa bahay namin kasama si Kuya Phillip.

'Wala po yun'
Sagot ko.
Siguro di niya na ako masyadong nakikilala ngayom dahil 5years ago narin nung nag kita kami.
'Bunsoooo.. Papa si Bunso gising na.'
Sigaw ng nanay ni Jennie at agad naman na pumasok yung tatay niya sa loob.

Sumilip lang ako at nakita ko silang nag yayakapan na.

Kasama niya sa room ay sila Christian ,Bobby at Allysa. At yung iba naman na chineck up lang at pinainom ng gamot dahil sa nakain naming masama sa Campus na yun..

Nag simula na kong mag lakad papunta kung nasan sila Justin. Buti nalang at dito kami diniretso ng Mamang Driver.

Nandun din sila mama , tapos na kaming nag iyakan kanina, At pati narin yung iba.
Masaya ako dahil naligtas kami matapos ng lahat ng sinapit namin.

'Okay na sila?'
Tanong sakin ni Glazel..

'Si Jennie, nagising na.. Pero yung iba hindi parin.'
Sabi ko sa kanila.

'Pre, Kamusta si Allysa? Okay na rin ba siya?'
Tanong sakin ni Lloyd na hawak ngayon ng Nurse dahil may ginagamot pa sa ulo niya.

'Hindi pa siya gumigising..'
Sagot ko dito na agad naman niya na ikinalungkot.

'Wag kang mag alala , gigising din yun maya maya.'
Dagdag ko.
Pumasok naman dito sa kwarto namin sila mama at yung ibang parents nila. Binigyan ako ni mama ng tubig pero dahil ginamot yung braso ko kanina na nasaksak ,
Hindi ako makahawak ng maayos.
Di naman ako sanay sa kaliwa kaya hinawakan ni mama yung bote at linagyan ito ng straw para makainom ako.. Ang swerte ko kasi naging nanay ko siya.

Ang maaalalahanin niya sakin kanina at halatang halata na puyat siya at kakagaling sa iyak .

'Okay ka na ba Om?'
Tanong sakin ni Papa na kasunod lang ni Mama.
Yinakap ko naman agad si papa ng mahigpit. Si mama labg yung kaiyakan ko kanina eh, ngayon si Papa naman mukang mag nunugto tong mata ko ahh.

'Opo .. papa.'
Sabi ko habang naiyak..
pati si papa nararamdaman kong naiyak habang yakap yakap ako.

Matapos yun umupo kami at nag kwentuhan ni Papa. Namiss ko talaga si Papa..
Nakakainis..

Ikinuwento ko rin sa kanya yung nangyari.. Nag kaayos na rin daw sila ni Mama nung nawala ako ..

Akala ko talaga may nangyari ng masama kay Mama eh.. Wala pala.. Thank you po god .

Naikwento ko rin kay papa ang tungkol sa kabet niya. Mag hihiwalay na daw sila at muling babalil kay mama.
Ang saya ko ngayon ...
......
.....
....
...
Bobby P.o.v

Ang sakit ng tyan ko.. Atyaka ng braso ko.

(A/n: yung braso masakit din kasi remember nasaksak siya ni January?)

Anong nangyare? Nasan ako?
Tinignan tignan ko ang paligid, At di ako nag kakamali, nasa ospital na ko.

'Bob..'
Nakita ko sila mama at yung ibang kapamilya ni January.
Napaiyak ako nung nakita ko sila dahil di ko masabi na patay na si January.

'Ate. Buhay pa kuya ko diba? Asan na siya?'
Umiiyak na sabi sakin ni jeremy , ang bunso niyang kapatid.
Di ko na siya nasagot at yinakap.
Iyak lang ako ng iyak dahil di ko alam kung pano sasabihin sa kanila. Di ko mabigkas sa mga labi ko.

Yinakap din ako ni Mama at nag papasalamat dahil nakaligtas ako.
.....
....
...
..
.
A/n: Don't foget to follow my new account here in wattpad.
JenBaek09.
ThankYou :*

Next Page :*

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon