Entry58*Melany Lopez

3.5K 107 0

A/n: eto na po. Sorry kung typo. At wag po kayong mainip. :)
Enjoy Reading :*

Third Person:

Maaga na naman at mag sisimula na naman sa panibagong pagsubok ang mga mag kakaklase sa loob ng campus.

Nag hahanap na sila ng paraan upang makalabas sa mala imyernong campus na iyon.

'Ang anak ko...'
Sabi ng babaeng mukang manika sa loob ng Hospital . Pero ngayon ay hindi na siya naka pusturang manika..

Naka ayos siya at mukang inosenteng tao..

'Anak ko.. Gagawa ako ng paraan para lang mabuhay kita..'
Sabi niyang muli sa anak niyang naka confine sa hospital  ..

Muli siyang bumalik sa Campus at This time, ihuhubad niya ang kanyang costume na pang manika at mag papakita sa kanila.

Samantala.........

'Ano nang sunod nating gagawin?'
tanong ni Bobby kay Lloyd.

'Hindi tayo pwedeng kumain dahil hindi ko na kayang isipin na mga bangkay ng mga kaklasi natin ang kinakain natin.'
Sagot naman nito.

'Kaso mang hihina tayo.'
Sabi naman ni Justin...

Nasa loob na sila ng Clinic dahil maaga na.
Ilang saglit pa ay nag isip na silang lahat kung pano matatagpuan yung lagusan na sinasabi sa Diary ng ate ni Jerome.

Lumabas sila at nag simulang mag libot.
Inabot na sila ng hapon pero wala parin silang nakikitang lagusan para makalabas.

Hanggang sa di na nila namalayang mag gagabi na. Abalang abala parin sila sa pag hahanap.

'Lahat kayo.. Ay pumunta sa labas ng building'
Nagulat sila ng may narinig silang boses galing sa speaker kaya imbis na pumunta sa may tapat ng building ay agad silang tumakbo patungo sa under ground dun sa likod ng stage.

Pero pag dating nila dun ay may mga lalaki ng naka hood at naka maskara ang nag aabang sa kanila dun.
Di nila alam kung bakit nalaman ng mga lalaking yun kung san sila nag tatago.

.......
......
.....
....
Justin P.o.v

Masyado kaming nag nais na makalabas agad dito.. Di na namin namalayan yung oras.
Di ko alam kung anong gagawin ko o san ako mag tatago.

Marami na sakanila ang nakuha ng mga naka hood..
Di ko alam kung san nila dadalhin sila Lloyd.

Oo.. nakuha na sila Lloyd at Allysa. Pero yung iba di ko alam kung nakuha na ba.
Basta ako ayokong mag pakuha , ayokong mamatay.
Baka kung anong gawin nila samin..

Takbo lang ako ng takbo, di ko talaga alam kung san ako pupunta nito.
Hanggang sa nakita ko yung library, agad agad akong tumakbo patungo dun.

Pero naka lock. Bakit ngayon pa nangyari to,? bakit naka lock to..
Pinipilit kong buksan yung pinto at kung ano ano na yung ginagawa ko.

Pero,, nung pagka lingon ko meron ng maskarang puti sa harap ko..
maskara lang siya at walang katawan pero, di ko masigurado dahil sa madilim na at itim na hood pa ang suot niya.

Bumalik ako ng tingin sa pintong binubuksan ko..
At may bigla akong naramdaman sa bandang leeg ko ..

Nahihilo ako....
........

Nagising ako sa isang kwarto..
Isang kwarto kung saan puro puti lang lahat ang nakikita ko.
Andito rin yung iba ko pang mga kaklase na buhay pa salamat at wala pang napapatay samin.

'Anong ginagawa natin dito?'
Natatakot na tanong ni Maika.
Di ko rin alam kung bakit kami nandito pero kakaiba talaga yung nararamdaman ko.
Natatakot talaga ako..

'May isusunod na ba siya?'
Pagkasabi nun ni Allysa ay may lumiwanag sa bandang gilid namin.
Sa gilid na pader ito pala ay isang napaka laking screen.
Yung pang sinehan yung screen.
Basta malaki talaga.

At nag pakita yung mukang chakadoll na babae sa screen.

'Hahahahahaha'
Nababaliw na nga to..
Bigla nalang tumatawa.

'Nag kita tayong muli.'
Sabi ulit nito..
nakakatakot yung mga mata niya.
Mukang luluwa na..

'Ano ba talagang pakay mo? Papatayin mo talaga kaming lahat?'.
Sigaw sa kanya ni Jerome..
Mukang galit na galit ito sa babae , at siguro dahil alam niya na kung sino siya.

'Kilala na kita.. Ikaw yung walang hiyang babaeng umagaw sa Daddy ko.'
Sigaw ulit nito sa tapat ng screen.
Pipigilan ko na sana siya kaso naunahan nako ni Lloyd.

'Wala kang karapatan na pag salitaan ako ng ganyan!!'
Sagot naman nito dito.

Inalis niya na yung mga nakalagay sa pag mumuka nito at hinubad na yung damit na pang manika.

Bumungad samin ang isang maganda at parang inosenteng babae , kung tititigan mo talaga siya parang wala talaga siyang muwang sa mga nangyayari.
maamo ang pag mumuka nito kaya siguro na bighani sa kanya ang Daddy ni Jerome.

'Bakit mo samin giganawa to?'
Tanong ulit sa kanya ni Jerome.

'Sa huling 26 na kabataan na papatayin ko. Ang huli ay yung mga may kasalanan sa akin'
Sabi nung babae,.
Ayun nga yung nakasulat sa black book.

'Wala kaming ginagawang masama sayo'
Sabi ko sa kanya..
Kasi wala naman talaga akong natatandaan na may ginawa akong masama.

'Wala.. wala sakin.. Sa anak ko meron.'
Sigaw ulit nito.
Medyo nakakarindi na yung boses niya..

'Alam mo bang anak mo si Karla . Karla Santiago..,'
Napatingin ako kay Kit na nakayuko habang sinasabi niya yun.

'Oo.. alam ko., Tinutulungan niya pa nga akong patayin kayo eh.'
Sabi nito, kaming lahat at pati na si Kit ay napatingin na sa kanya.

May hawak itong kutsilyo at pinag lalaruan ito.

'Huh?'
Tanong ni Kit sa kanya.
.......
......
.....
....
Third Person:

'Alam niyo nung namatay si Gerazon at Sheng., si Karla ang may kakagawan nun.. Kay Sheng , sinarado niya ang pinto sa isang room dun sa building.. kaya di niyo siya maririnig kahit na nag sisigaw na siya habang kinakain ng mga daga. Kay Gerazon naman ay sumapi si Karla kay Bobby at pinag sasaksak ito.'

Nagulat naman si Bobby sa sinabi nito.. Di niya alam at walang nag sabi sa kanya na may ganun palang pangyayari.

'Eh, bakit pinatay mo ang sarili mong anak?'
Tanong naman sa kanya ni Jennie.
Lahat sila ay litong lito na sa mga pangyayari.

'Di ko siya pinatay.. Nang sinabi ko sa kanya na anak ko siya.. Nag pakamatay siya. Nag paka bitin siya sa may puno..'
Sabi nito..

Hindi alam ng mga mag kakaklase ang mang yayari kaya, yung ibay nag sisimula ng umiyak.

'Wala kang awa.!! Para lang sa nadisgrasya mong anak nakipag sanib pwersa ka sa demonyo..'
Sigaw sa kanya ni Jerome na ngayon ay umiiyak narin..

'Hindi naman mapapahamak ang anak ko ng hindi dahil sa inyo.. Alam ko ang bahong tinatago niyong lahat.'
Nag taka ang mga mag kakaklase kung ano ba ang ibig niyang sabihin.

'Lahat kayo ay nakita ang pang yayaring yun.'
Sabi ulit nito, Naiyak na ito at gigil na gigil na sa hawak nitong kutsilyo..

'7yrs OLD PALANG ANG ANAK KO NUN!! 5YEARS NARIN ANG NAKAKALIPAS AT HANGGANG NGAYONG 12YRS OLD NA SIYA DI PARIN SIYA NAGIGISING.. KAHIT NA SINASABI NA NG MGA DOCTOR NA PATAY NA ANG ANAK KO. DI KO PARIN SIYA PINAPAALIS SA HOSPITAL.. 5YEARS AGO NA NUNG SINABI SAKIN NG MGA DOCTOR NA PATAY NA SIYA.. KAYA , NANG HINGI NA KO NG TULONG SA LOLA MO!! '
Tinuro ng babae si Glazel habang naiyak..
Nagulat naman ito sa sinabi nito.

'SA LOLA MO AKO NANG HINGI NG TULONG AT YUNG NAKITA NIYONG BLACK BOOK SA TABLE KO.. ALAM KO NA MAKIKITA NIYO YUN.. SINADYA KO YUN PARA MAIPALABAS NIYO ANG MAKAPANGYARIHAN NA KAYANG BIGYANG BUHAY MULI ANG AKING ANAK!!'
......
.....
....
...
..
.
Next Page....

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon