Entry34*Plan

3.6K 97 11


'Arth.. Sino siya?~~'
Pag kasabi nun ni Rain .. agad ko naman tinignan yung tinuturo nila. Hmm?

WTH!!!!.

Napaupo ako sa sobrang gulat..

'Waaaaaaaahhh'
Sigaw ng dalawa, di ko alam yung gagawin ko.

'Beh, bilisan mo'
Sigaw ni Rain kay Allysa na nadapa,
Nauna pa si Rain na umakyat..

Nakatitig lang sakin yung babae.
Oo,, Babae yung nakita namin at mukang walang reaksyon yung muka niya.

Tumayo ako at tinulungan si Allysa na tumayo.
Nagmamadali kaming umakyat sa taas kahit na nag kanda dapa dapa na ko sa takot..

Muli kong sinulyapan ang babaeng nakatingin samin kanina. Pero this time nakatingin parin siya..

Nang makarating kami sa room.
Pinaupo ko muna si Allysa at hinarap si Rain..

'Bat mo naman kami iniwan?'
Tanong ko sa kanya, nang iiwan kasi ehh.

'Eh, kasi eh.. Nakakatakot yung babae.'
Sabi niya at yumuko.

Pinuntahan ko ulit si Allysa na ngayo'y hipan hipan yung palad niyang may sugat.

Hayysst...

Tumingin ulit ako kay Rain na naka yuko parin.

'May panyo ka ba?'
Tanong ko sa kanya.

Inangat niya naman ulo niya at tumayo.. May kinuha siyang panyo sa bulsa niya at ibinigay sakin,

Tinali ko yung panyo sa sugat ni Allysa para tumigil ang pag dudugo.

'Ouch.. aray ano yun?'
Napatingin ulit ako sa kanya.
May kinuha siyang kung ano sa sapatos niya at tinignan itong mabuti..

'Huhuhu.. Yung hikaw ko.. sira naaa~~'
Sabi niya habang pumapadyak padyak pa ang paa sa sahig..

Inalala niya pa yung hikaw niya eh yung kaibigan niya di manlang niya tanungin kung okay lang ba.. tsss.

Lumapit siya kay Allysa,,
Hinawakan niya ang palad nito .

'Masakit ba?'
Tanong niya, sa palagay niya ba hindi?

'Ikaw kaya madapa di masakit?'
Pag mamataray sa kanya ni Allysa.

Pero di parin na wawala sa isip ko tungkol sa babaeng nakita namin kanina.. Sino kaya yun?

'Oh? Tara na. Tutal nakita mo na yung hinahanap mo eh'
Yaya ko sa kanila.
Masyado na kasing delekado dito.

Pero natatakot pa kong bumaba eh, eh pano kung nandun pa yung babae?

Tumayo na sila at hinawakan ang magkabilang braso ko.
Ramdam ko yung lamig ng kamay nilang dalawa.
Kinakabahan din sila..

'Ikaw na bahala samin Arth'
Sabi ni Rain habang nakapikit.

Dahan dahan kaming bumaba, rinig na rinig ang yapak mga paa namin.

Nang makarating na kami sa lugar kung san namin nakita yung babae,

'WAAAAAAAHHHHH'
Narindi yung tenga ko ng biglang tumili yung dalawang babae .

'Bat kayo tumili?'
Iritado kong tanong sa kanila habang nakahawak sa mag kabila kong tenga.

'Ahh.. hehe. Wala practice lang.'
Sabi naman ni Rain at binigyan ako ng peace sign. Ganun nadin si Allysa.

Mga babae nga naman , mga abnormal!!

Wala na kaming nakita na babae, tahimik kaming nag lakad papuntang Clinic..

Nang pag karating namin sa Clinic, halos lahat ay tulog na nag madali naman si Rain at mukang may balak ma gisingin sila. Nang pinigilan siya ni Allysa.

'Beh, tulog na tayo.. '
Sabi sa kanyan ni Allysa at pumwesto banda kila Jennie.

Napwesto narin ako sa pwesto,

Hayst sino kaya yung babaeng yun? Sigurado akong isa siyang multo..

Aisshh..!! Nakakakilabot .
.....
.....
.....
......
Marvin P.o.v

'Anlamig,, Paki patay naman nung Aircon oh'
Napadilat ako ng narinig ko si Aira na yakap yakap ang sarili .
Ginaw na ginaw na tong babaeng to..

Pumikit ulit ako at di na siya pinansin.

Pero ilang saglit pa ..
Napabangon ako ng may narinig akong nakakarindi na tunog.
Pag katingin ko , nakita ko si Lloyd na may hawak na kaldero at sandok at pinag kukupol yung dalawa kaya nakakawa ng nakakarinding ingay.

'Lloyd.. Ang ingay!! Respeto naman.'
Sigaw ko kay Lloyd.

Ang ewan niya kasi eh, kitang may natutulog ang ingay ingay.

'Guy's magising na kayo.. Lalabas tayo sa School na to.'
Pagkasabi ni Lloyd nun. Agad agad namang nag sibangon sila.

Pati narin ako. Narinig lang namin yung salitang makakalabas na kami dito nag si gisingan na kami..

Atat na atat na kong makabas dito. Ayokong mamatay dito.!
Goal ko makapag tapos mg pag aaral at magkikita ko pa si Ariana Grande.

'Oh? Tara na'
Sabi ko sa kanila .

'Tara'
Sabi ni Aira na ngayo'y paramg nawala ang lamig na nararamdaman.

'Iwan muna ako dito. Babantayan ko muna si Bobby.'
Pag piprisinta ni Gerazon..

'Oh, sige.Mabuti pa, babalitaan ka nalang namin kapag makakalabas na tayo dito'
Sabi ulit ni Lloyd at sinundan na namin siya sa labas ..

Dumiretso kami sa likod ng stage at may nakita kaming malaking kahoy..

Malaki talaga . Di ko alam kung mabubuhat namin ko..

'Guy's tulong tulong.. Bilis buhatin na natin'
Nag umpisa ng buhatin ni Lloyd yung kahoy,
At nag tulungan na kaming lahat.

Medyo masakit sa kamay kasi magaspang yung balat ng kahoy.
Nabuhat namin siya sa tapat ng Gate.

'Guy's kailangan na nating makalabas dito. Kaya itong kahoy ipupukol natin sa Gate paraabuksan..'
Sabi ni Lloyd.

Inumpisahan na naman naming buhatin at ikapol sa gate. Pero nakakatatlong ulit na kami di parin namin nabubuksan yung gate..

'Ouch.. Sakit.'
Napatingin kaming lahat kay Glazel na ngayo'y hawak hawak ang kamay nitong namumula.

Pati sakin namumula rin..
Pero okay lang kahit mag dugo pa yung kamay ko makalabas lang dito.

'Ibang plano nama para makabas tayo dito.'
Sabi ni Christian kay Lloyd..

'Ahh.. alam ko na. Patayuin nalang natin yung kahoy dun saay pader tapos gawin nating hagdan'
Ideya ulit ni Lloyd.

Mukang impusibli namang makaka akyat kami..

'Pero diba may mga wire dun at mga kable ng kuryente?'
Tanong ni Christian kay Lloyd.

Oo nga may kuryente dun..

'Tiwala lang.'
Sabi ni Lloyd kay Christian at sinimulan na namin ulit ito buhatin..

Pero pag kabuhat namin ng kahoy sa pader..

Kapos..
Hayssst.. Wala na ba kaming pag asa makalabas dito?

Nag pahinga muna kami ng ilang minuto..

At nag umpisa ulit kami mag isip ng plano.
.......
......
.....
....
...
..
.
A/n: Hi ^_^ sorry ngayon lang nakapag update :)
Hahaha.. Plug ko po yung 'PARANG' yan po yung tittle,maganda po yung story niyan idol ko po yung Author niyan ^_^ , binabasa ko rin po siya ^_^
Enjoy reading guys. Loveyouall:*
Jennie's here ^_^
Next page :)

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon