Entry46*NoteBook?

3.6K 110 7

Habang  hinuhukay ng kamay ko yung lupa,
Parang may nakapa akong matigas na bagay.

Kaya hinukay hukay ko ito at may lumantad saking isang maliit na ?
Note book?

Kinuha ko iyon at pinagpagpag pag, Pag kabukas ko nakita ko yung sulat na parang matagal na.

Linibot ko muna yung paningin ko sa lupa at tumayo.
Pinag masdan ko lang yung notebook,
Tinignan ko ulit kung anong nakasulat sa unang pahina ng notebook na to.

.........................
Dear Diary,
06/03/2010

Ikaw muna ang magiging pansamantalang Diary ko ngayon..
Nagising ako sa di ko alam kung anong lugar, basta school na parang abandonado.
Buti nalang ay kasama ko si Phillip boyfriend ko..
......................

Pinutol ko muna yung pag babasa ko kasi nakita ko yung pangalan ni kuya..
Bakit nandito yung pangalan ni kuya??
Bago ko basahin lahat tinignan ko muna kung sino yung nag sulat sa baba ng sulat.
................
By:Cindy.....
................

Ayan ang nakasulat sa baba..
ibig sabihin kay ate Cindy tong notebook?
Kasi nung nawala sila ay 06/02/2010 ng gabi..
Ibig sabihin totoo yung sinasabi ni kuya na sumapi kay Kit ..

Huhhhh.. Napatakip ako ng bibig ko kasi what a coincidence, ngayon ko lang na gets..
Pinag patuloy ko yung pag babasa.

......................
Dear Diary,
06/03/2010

Ikaw muna ang magiging pansamantalang Diary ko ngayon..
Nagising ako sa di ko alam kung anong lugar, basta school na parang abandonado.
Buti nalang ay kasama ko si Phillip boyfriend ko.
Natatakot ako at di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Feeling ko may mangyayaring masama..

Kasi napagabi kami ng uwi at sinundo ako ni Phillip. Habang nag lalakad kami may huminto saming itim na S.u.v at bigla nalang kaming kinuha ng mga tao sa loob ng s.u.v..
Siguro alalang alala na yung mga magulang namin samin.
Wala rin yung cellphone ko kasi nasa loob yun ng bag.
Buti nalang ay nakapa kita sa bulsa ko at etong ballpen.
Pwede kong irecord lahat nang nangyayari samin dito ngayon.
Sigi na Diary..

By:Cindy....
.............................
Pag katapos nun agad kong isinara yung notebook at madaling sinuksok sa bulsa ko ng may gumulat sakin galing likod.

'Ano yan?'
Tanong niya at tinignan yung bulsa ko.
Agad ko namang tinakpan ito..

'Wala ka na dun'
Sabi ko at inirapan siya.

'Bat ang dumi mo? Anong nanyari?'
Haysss.. pakelam niya ba.. kahapon nga ine ewan ako nito eh.. Ngayon tanong ng tanong..

'Ano ba Jerome? Anong meron ? At para yatang alalang alala ka? Siguro may gusto ka sakin no?'
Mas mabuti ng asarin ko siya para tumigil na siya sa kakatanong.

'Kapal mo naman.. Ang panget mo kaya.., At ano bang tinago mo jan?'
Tss.. kulit talaga .

'Wala..!! Wala kang pake.'
Sabi ko at tinalikuran na siya,
Ang init talaga,, kailangan ko ng maligo para mapreskohan ako.

'Ito ba yung hinahanap mo?'
Di pa ko nakakalayo kaya ko narinig yung sinabi niya.

Pag kalingon ko nakita kong hawak hawak niya yung.....

Kwintas ko :3

Tumakbo ako at kukunin ko na sana yung kwintas ko ng bigla niyang itinaas yung kamay niya para di ko makuha.

'Ano ba? Kanina pa ko hanap ng hanap niyan, nasayo lang pala. Pano mo yan nakuha? May lahi ka bang mandurukot? '
Sabi ko sa kanya habang pinipilit kunin yung kwintas.

Di niya pinansin yung sinabi ko at lalo niya pang itinaas yung kamay niya .
Hayssstt.. nakakainis na siya sobra eh..

Hinawakan ko yung kabila niyang kamay at kinagat ng pag kadiin diin..

'Ouchhhh.. araaaayyy!! Oo naaaa, eto na.'
At sa wakas ibinigay niya na yung kwintas ko. Bwiset to!!

Tinalikuran ko na ulit siya at nag lakad na papuntang Clinic..
Bwiset sa lahat ng bwiset!!
Tinignan ko munang mabuti kung may nasira ba sa kwintas, pero buti nalang at wala dahil kung merom Jojombagin ko talaga siya. Wag niya sabihing cute siya, di ako maaakit sa kanya noh.!
Pppsssssshhh..

Bigla kong naalala yung notebook..
Mamaya ko nalang ulit babasahin maliligo muna ako.
......
.....
....
...
Marvin P.o.v
Iniwan namin si Aira, nakataklob naman siya ng kumot kaya siguro di niya kami na pansin.

Pumunta kami sa tapat ng gate., kasi ayaw namin siyang nakikitang malungkot. Pero wala kaming nakita ..
Kaya bumalik na kami agad, ang inet kasi tirik na tirik yung araw.

Pumunta na kaming Clinic,
Pagkabukas ko ng pinto di ko alam kung ano bang iisipin ko..
Kasi nakita namin si Christian at si Aira na mag kayakap na natutulog. Sayang kung may cellphone lang ako edi sana na picturan ko na sila. Ang cute nilang dalawa..

Umupo kami ni Maika na mag katabi malayo sa kanila. Ayoko naman na maistorbo sila.
Napansin ko din si Bobby na parang okay na din,
Okay na kaya talaga siya?

'Card's o taguan? Ano kayang mangyayari mamaya?'
Sabi ni Maika habang nakatingin sa kisame.
Kanina pa siya isip ng isip tungkol jan..
Nakakaboring naman dito sa loob kaso mainit naman sa labas, wala naman kasing aircon dun ehh..

'Wag mo ng isipin yan. Mas mabuting paghandaan nalang natin kung anong mangyayari.'
Sabi ko naman sa kanya..

'Kawawa naman si Aira.. Hayssst.'-Maika.

'Ano ba? Wag kang mag buntong hininga.. Hayyssstt!!'
Ayy.. nag buntong hininga din ako..
ayy ewan..

Napayuko na ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Bigla nalang sumakit, meron ba ritong gamot sa sakit ng ulo ..

'Haysss.. Tara nga Maika!! Labas muna tayo!'
Di ko na mapigilan ang kainipan ko rito sa loob.
Gusto kong maglakad lakad..
Kahit mainit titiisin ko..

Lumabas na kami ni Maika at nag lakad lakad.

Habang nag lalakad kami sa dulo ng Campus na to.. Parang may nakita akong nag lalaro sa isang classroom.

'Maika Wait.'
Sabi ko kay Maika at huminto sa tapat ng classroom kung san may nakita ako.

'Ano yung Marvs?'
Tanong niya sakin.

'May makita kasi akong bata dito eh.' -ako.

'Nako Marvs, ahh. Wag mo kong takutin ahh..'-Maika.

'Oo nga.. Pero biglang nawala? Asan na yun?'

Bakit ba ko nakakakita ng mga ganun.. kagaya nung visual ni Joshua na hindi naman daw siya.
Hindi naman nakabukas yung Third eye ko eh..

'Tara na Marvin. Balik na tayo, medyo kinilabutan na ako dito eh'
sabi ni Maika at yinakap ang sarili.

Sure talaga akong may nakita ako dito ehh..

'Tara na Marvs.'.
At hinila niya na ako papalayo sa lugar nayun.

Pag kabalik ulit namin sa Clinic nakita ko si Aira na nasa sulok na. At sinisipa sipa si Christian na tulog parin hanggang ngayon.

.......
......
.....
....
...
..
.
A/n: Hellow :)
Next Page.. :*

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon