Entry14*Jerome P.O.V

5.3K 115 10

Nakakainis...
May nadamay pa .. Nadamay ko pa si Kit at Laurence..

Yes.. Ate ko si Ate Cindy..
Di ko alam kung bakit kilala yun ni Kit.. Pero kanina talaga parang may sumanib lang sa kanya eh.'

Yung ate ko ? Di ko alam kung nasan na siya ngayon.
Dati dun kami sa Maynila nag aaral pati narin si Lloyd.. Siguro mga grade three lang ako nun nung nakilala ko si Lloyd., Naging katabi ko siya at naging mag kaibigan kami.

Hanggang isang araw.. Nalaman nalang namin na nawawala na si Ate Cindy. Di ko alam pero may kumidnap daw sa kanya sa school.
Mga grade six na ko nun,.
Kilala ko rin yung boyfriend ng ate ko, Okay naman sa mga magulang namin..

Di ko nga alam kung nag tanan na yun eh.. Kasi wala talagang balita sa kanya.. Hanggang ngayon di namin alam kung nasan na siya..
Kaya di ko mapigilang di umiyak..
Naiiyak talaga ako..

Pinipilit ko na yung kalimutan pero di talaga..
Hanggang sa lumipat na kami ng bahay , Sa cavite. Dun ako ng second year High school.. Tas nung third year na.. Nalaman kong lumipat din si Lloyd at malapit lang samin yung linipatan nila tas sa iisang school lang din kami nag aaral.

Gusto ko ng kalimutan si ate   .. Pero di ko talaga magawa..
Siya lang kasi yung napag sasabihan ko ng sikreto ko at ng problema ko ng elementary palang ako.

Yung kapatid ng Boyfriend ng ate ko? Kilala ko siya pero hindi yung totoong pangalan.. Inaasar kasi ako dun ng boyfriend ng ate ko, at chaka siguro di ko na alam yung pag mumuka nun ngayon.. Matagal narin yun eh.. Almost 5 years?
One day kasi bumisita yung boyfriend ni ate sa bahay namin sa Maynila, Taga Cavite kasi yung Boyfriend ng ate ko.
Sinama ng boyfriend ng ate ko yung kapatid niya.. Siguro ka edaran ko lang yun.

Bata pa kami nun mga 12yrsold?
So? Di ko na talaga siya makikilala kung magkikita kami ngayon.

Tapos si ate lang yung napag kukwentuhan ko kung anong nangyari sakin sa school...
Tas nag ka crush din ako., At si ate lang nakaka alam nun,.

Pero nung highschool na ko.. Wala na si ate.. Wala na ko mapag labasan o mapag sabihan ng problema.. Parang nag isstock nlang siya sa utak ko.

One time nga eh.. Gusto kong makilala yung kapatid ng boyfriend ng ate ko nung nandun na kami sa Cavite kasi nga dun sila nakatira. Kaso 3weeks na kong nag hahanap. Wala parin.... Ayun sumuko na ko.

Hayy. Ano ba to ang drama ko.. May naaalala na naman ako.

Tumayo na ko at pinunasan yung luha ko.. Di ko papahalatang umiyak ako kanina.. Ayokong panghinaan ng loob'
At kailangan pa namin makalabas sa mala impyernong lugar na to.

'Pre? Ayos ka lang?'
Tanong sakin ni Lloyd. Buti nandyan siya kapag kailangan ko ng kausap ..

'Oo naman.. Noobs ka talaga.!'
Sabi ko dito at parang wala lang nangyari kanina.

'Oh? Ano? Punta na tayong cafeteria?'
Yaya ni Arth samin..
Hahahah.. Alam kong madrama to. Pero masaya ako at kasama ko sila.. Hahaha.

'Tara na pre. Wag mo na yun masyadong isipin'
Sabi ulit sakin ni Lloyd at inakbayan ako..

'Omg. Bromance'
Sabi ni Justin at nag sitawanan lang kami .

Kilala niyo ko bilang tahimik at cold na tao. Pero ang totoo kwela rin ako at madrama. Ayoko lang ipakita sa iba..

Haayy nako.. Sino kaya yung sinasabi ni Kit kanina? Si Ate nga kaya? Na beast mode talaga ako kanina eh..
Yinakap kasi ako tas binanggit pa yung pangalan ng ate ko. Dahilan kaya naalala ko yung nangyari dati ..

Mag hahanda pa kami para sa taguan mamaya..
Ten seconds nalang mag tatago eh.. Pero two hours parin mag hahanap..
Ang daya talaga..!

Pumunta na kami ng Cafeteria . Fly high parin ako eh..
Kwento lang sila ng kwento.
Bala nga sila.,

Kakain nalang ako dito..
.....
Pagkatapos namin kumain, tumingin ako sa orasan na nakakakabit sa kamay ko,,

1:20pm na pala..
Kailangan na muna naming matulog eh.

'Tara na mga noobs balik na tayo dun sa room'
Yaya ko sa kanila., Pero mukang ayaw nila at di nila ako pinansin. Tsk'

'Tara Basketball tayo. May nakita akong bola dun sa Gym eh'
Sabi ni Christian at mukang sila lang talaga yung nag uusap.

'tara'
Sabay na sabi nila Lloyd at Arth.

'Hahaha. Kayo nalang, Di ako mahilig jan, Di ko yan sport'
Sabi naman ni Justin sa kanila.

'Ano? Sali ka? '
Tanong nila sakin.

'May magagawa pa ba ako?'
Pabiro kong sabi at nag sitawanan kami.. Mga baliw kami eh..

Kinuha ni Lloyd yung bola dun sa baba ng Stage..

At sinimulan na naming mag laro..

.....

'Boy.. Yung bola kunin mo'
Anu ba yan, napunta pa sa malayo yung bola ang Tanga kasi ni Christian eh. Tsk!!

'Oo na, Wait'
Sabi ni Christian at nag suot na ng tsinelas.

Dun napunta sa may gilid ng gym yung bola.

'Waahh'
Nagulat kami ng may narinig kaming sigaw galing sa may gilid ng gym.

Agad agad kaming pumunta dun at tinignan namin kung anong nangyare..

Nagulat kami sa nakita namin,.
Nakaupo si Christian at nakatingin dun sa bola kung saan napunta.

Naalala ko may Phobia pala si Christian sa mga labas yung utak at mga bituka, Hayop man o tao..
Napunta yung bola sa mga maraming lamang loob dun..

Di ko alam kung san galing yung mga lamang loob na yun.. Di namin alam..

Parang bago lang, Di pa naman kasi na ngangalingasaw.

'Bakit may Lamang loob jan Chan?'
Tanong ni Lloyd sa kanya..
'D-Di k-ko A-Alam'
Nauutal na si Christian kaya linapitan ko na siya at inalalayan na tumayo..
Nanginginig na si Christian, takot talaga siyang makakita ng mga lamang loob ,,,
Kaya nung si Daruen ay nasa loob ng Aquarium di siya nanood dun.. Sino ba naman kasing mag tatangkang manood dun.. Sa mga matitibay lang yung mga sikmura..

'Tara na..'.
Inakay ko si Christian na maglakad, Nanginginig parin siya, Ang tindi ng phobia niya sa mga lamang loob.

'Okay ka lang?'
Tanong ni Arth sa kanya,

'o-oo.'
Tipid niyang sagot.
Nakatingin lang siya sa may lupa habang nag lalakad.

Umakyat na kami ng Building,

'Sabihin natin sa kanila yung nakita natin kanina'

Sasabihin?, Di ko alam kung sasabihin namin..
Pero mabuti ng alam nila.

'Sabihin natin ng alam nila'
Sabi ko..

'Pwede bang , Tumahimik nalang kayo.Wag na nating sabihin.'
Sabi naman ni Christian.
Anong meron sa kanya? Bat ayaw niyang sabihin?

Mabuti ngang alam naming lahat eh.
Bat ba kasi may mga lamang loob dum eh..
Ano bang meron dito sa school na to..

'Tumahimik na kayo!!'
Mula rito papaakyat, Rinig na rinig yung boses galing sa taas.
...
...
....
...
....
...
A/N: Hahaha.. Update na ulit.
~prom na shitsss!!

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon