Entry37*Beeeezzzzzz

3.5K 110 11

Jessica P.o.v

Sa ngayon, ako lang yung nag tatago dito sa may gilid ng class room namin..

Nasa pinaka gilid ako, at madilim naman kaya sure akong di ako makikita. SANA.!!

Sa gantong pagkakataon kasi di kami pwedeng mag sama sama nila Marvin sa iisang taguan.
Delekado na..

Napatahimik ako ng may dumaan pa baba ng hagdan.
Tinakpan ko na yung bibig ko sa sobrang kaba. Pawis na pawis narin ako.

Sinulyapan niya ko, may hawak siyang matulis na bagay.
Plsss Lord sana po di niya ko makita.!!

Umakyat ulit siya at tinungo yung direksyon ko.
Shit!! Nakita niya ba ako?
Papalapit na siya ng papalapit.

My ghod! Anong gagawin ko?
Bago pa siya makalapit ng sobra,
Bigla ko siyang tinulak dahilan kaya siya nahulog sa hagdan.

At kumaripas ako ng takbo.
Feeling ko kaming dalawa lang sa Building na to.
Ako na kaya yung susunod?

Pagka talikod ko, nakita ko siyang nag lalakad na at mukang ang bilis ng lakad niya kasi maabutan niya nako kahit natakbo na ko.

Bumaba ako ng hagdan , ng may biglang humila ng buhok ko!

Shit!! Shit talaga!
Tumingin ako sa kanya at kita ko yung mata niya sa loob ng maskara.
Pulang pula ito at parang galit na galit.

May tinusok siyang kung ano sa leeg pero di ko yun inalintana,
Hinawakan ko yung maskara niya para sana tanggalin, nakahood siyang itim para siyang si kamatayan.

Pinipilit kong hilain sa kanya yung maskara niya..

Habang ginagawa yun may nakapa akong stick sa tabi ko.
Parang nanlalabo na yung paningin ko at nangmamanhid.
Pero kinuha ko parin yung stick at nanginginig na tinusok ko sa mata niya.

Sabay dahan dahang bumaba , kahit na nahihilo na ko at nang hihina, dahil siguro sa tinusok niya sakin.

Naiwan ko siyang hawak hawak ang mata niya na nagdurugo.

Sa third floor may nakita akong room na nakabukas.
Lumingon ako at tinignan kung may nag hahabol ba sakin.

Nang nakita kong paparating na siya at ngayon ay sobrang nakakatakot na siya.

Agad agad akong pumuntang room na nakabukas at sinara ko iyon.
Pinipilit niyang buksan yung pinto at may nakita akong babaeng mahaba ang buhok at maputi na pinipilit isarado yung pinto..

Nang nakatulog na ko, sa sobrang hilo.
.....
....
....
....
Mary P.o.v

Nag tatago ako sa baba ng building ako lang mag isa.
Di ko alam kung nasan si Princess.

Nang may narinig akong yapak ng paang nag lalakad pa baba.

At pag kababa nung lalaki nakita ko siyang hawak yung mata niyang nag durugo.

Napaisip muna ako sa gagawin ko bago ko gawin.
Kung ako ba yung magpapahuli ngayon, makakaligtas yung iba kong mga classmate at maeenjoy yung oras ng buhay nila?

Mag paparaya nalang ako. Pero napapaisip din ako.

Bago pa makarating yung lalaki sa direksyon ko may iniwan akong sulat sa may bintana na ginawa ko kanina.
nakapag desisyon na ko.

Lumabas ako sa tinataguan ko at sana makita nila yung message ko.

Dahan dahan kong pinuntahan yung lalaking nakahood.

May naisip ako.
Bago ako mag pahuli pag titripan ko muna siya.

Kumuha ako ng bato at binato ko siya.
Sabay takbo.

Di ko alam kung bat ko yun nagawa , basta buo na desisyon ko.

Habang natakbo ako binabato ko siya ng bato at sigurado akong masakit yun..
Katunayan kulang payan sa ginagawa niyo sa mga classmates ko.

Sunod kong ginawa nakita ko yung lubid na ginamit namin kanina.

Pinaikot ko ito sa paa niya.
Kahit na natatakot akong dumikit sa kanya kailangan ko tong gawin.
Sa pag kakatali ko, nadapa siya at sumubsob muka niya sa lupa.

Hahahaha..
Pero patakbo na ko ng hawakan niya ko sa paa.
Hala? Eto na ba?.

Agad niya kong hinila at may tinusok na kung ano sa leeg ko.
Pagkatapos nun, nawalan nako ng malay...
......
.....
....
....
...
Aira P.o.v

'Pwede na kayong lumabas at pumunta sa room'
Agad agad kaming lumabas sa pinag taguam namin.
Napaisip ako kung sino yung nakuha.

Habang nag lalakad ako nakita ko sila Marvin kaya hinabol ko sila.
Nang papaakyat na kami sa building parang may napansin ako. Asan na si Jessica?

Di kaya? Omg!! Di pwede.
Agad agad akong tumakbo sa taas. Nang makarating ako, may nakita kong babaeng naka dapa.
Siya ba si Jessica?

Nakauniform din kasi kagaya ng uniform namin kaya di ko ma identify kung si Jessica yun.

Nakarating na yung iba kobg classmate's dito sa taas at nakita namin kung sino ba yung nasa loob ng Classroom.

Si Mary.
Pero nasan si Jessica?

'Mary!!! Kala ko ba di mo itutuloy plano mo?'
Sigaw sa kanya ni Princess na nauna pang umiyak sa kanya .

Nagising ito at naoatingin kay princess , binigyan lang siya nito ng ngiti.

'Anong plano?'
Tanong ko kay Princess.

'Sabi niya kasi sakin nung namatay si Gerazon. Mag paoahuli nalang din daw siya '
Sabi ni Princess na umiiyak iyak.

Napatingin ako kay Mary.,
May nakita akong lalaking pumasok sa room galing pader.
Nakatagos sila sa pader?
May magic sila?
Ilang beses ko na yan nakikita pero ngayon lang ako napaisip kung pano sila nakakapasok.

Habang nakayuko si Mary na nakikita kong may tumutulong luha sa mata niya.
Nakita ko yung lalaking naka hood na may hawak ng bahay ng bubuyog?

Anong gagawin niya sa bubuyog??

'Manood nalang kayo'

Sabi nung babaeng mukang manika.
Anong gagawin niya sa bubuyog?

May hawak ring pamatpat yung lalaki .
Wag niyang sabihing ipapapapak siya sa mga bubuyog?

Iniisip ko palang, kinikilabutan na ko.!!
Hinampas hampas ng lalaki yung bahay ng bubuyog.

'Bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz'
Rinig na rinig yung pag kakagulo ng mga bubuyog.

At ibinato sa tabi ni Mary yung bahay ng bubuyog at nawala na yung lalake.

Nakaramdam si Mary ng pangangati ng may isang bubuyog na tinusok siya.

Napatayo siya at napa atras ng nakita niya sa gilid niya na kumpol kupol ng bubuyog .
Tumakbo ito kaya siya hinabol ng mga bubuyog.

Kitang kita ang pag alis niya sa katawan niya ng bubuyog.
Tumakbo ulit ito pero hinahabol parin siya..

Nang nadapa ito at natumpok na siya ng napaka daming bubuyog, halos di na siya makita sa sobrang daming bubuyog ang nakapaligid sa katawan nito..

Kinikilabutan ako sa nangyayari sa kanya.

Nang umalis na yung mga bubuyog sa katawan niya.
Kitang kita sa yung pamula mula ng buong katawan niya.
at parang wala na itong malay.

Nakakaawa yung karanasan niya. Hayssst.
Isa na naman sa mga classmate namin ang namatay.
Nakakalungkot pero kailangan naming tanggapin.

Kailangan pa naming mag isip ng plano para makalabas dito..
Gustong gusto ko na talagang makalabas dito.!!
......
.....
....
...
..
.
A/n: Kung marami po kayong tanong na gustong masagot.
Pwede po kayong mag message sakin:) kung may hindi po kayo naiintindihan, tanong lang po kayo :D

Ps: Di po ako Snober.
Jennie's here :*
Next Page .....

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon