Entry16*Wheel

4.7K 117 13

Nagulat ako mula rito sa kinatataguan namin, Nakita ko si Sheng na buhat buhat ng lalaki..
Omayghooddd..
Si Sheng yung nakuha?

Umakyat sila sa may taas ng building ,
Tas nagulat din ako ng nakita ko si Shane na lumabas sa isang room..
Lumabas agad siya?

Wala pa namang sinasabing pwede ng pumunta ng room huh?

....
Shane P.O.V
Mula rito sa room na tinataguan ko, Nakita ko si Sheng na buhat buhat ng lalaking naka Maskara

'Waaaaaahhh .. Tulong..*sniff TULONG!!'
Sigaw nito..
Natakot naman ako dahil siya na yung papatayin.
May pinag samahan din naman kami kahit nag kaaway kami..

Totoo naman talagang siya yung may kasalanan eh,
Siya yung unang nakaisip na maggala kami ng 12:00am.
Totoo naman talaga!!
Kaya wala akong paki sa kanya..
Kasalanan niya yan!!
Mamatay siya...

Umakyat na yung lalaking daladala si Sheng sa Building.
Tapos lumabas narin ako.
Excited na kong makita siyang nag durusa.

Naging mabuting kaibigan naman ako kahit papano.
Pero dapat pala pinabayaan ko na siyang mamatay nung nahulog siya sa pader.!!
Ang arte arte niya!!
Lagi nalang siyang naiyak..
kala naman niya may mapapala siya sa kakaiyak niya..
Sus, Pabebe pa siya kay Jennie..

Habang papalakad ako papaunta sa Building nag taka naman ako kung bakit wala pang umaakyat.. Baka naman nasa taas na sila?

Kaya nag madali akong umakyat papunta sa may room ng may nabangga akong tao?

Pag kaangat ko ng ulo ko...
Shoooccccckkkkk!!!!

Bigla naman niya kong tinusukan ng di ko alam na bagay.

....
Maika P.O.V
'Okay.. Pwede na kayong umakyat dito sa room'
Pagka rinig namin nun..

Nag simula na kaming tumayo sa pinag taguan namin.
Nag tago kami sa may ilalim ng mga Parang upuan dito.
Ibig sabihin nakadapa kaming nagtago..
Tiis tiis lang naman.

Umakyat na kami.,
'Sino kaya yung nakuha?'
Tanong ni Aira..
Di ko rin alam eh., Sino nga kaya?
Walang sumagot sa kanya..
Nag dirediretso lang kami sa may taas..

Nakita ko sila Kit na paakyat rin..
Mukang ayos na nga siya ngayon.
Kanina kasi parang may nangyari sa kanya eh.. Kakaiba? O sadyang pinag tulungan lang talaga siya?.
Ay ewan..

Pag kadating namin dito sa may taas .. Nagulat kaming lahat ng makita namin sila Sheng at Shane na nasa loob ng room..

Bakit silang dalawa?
Anong nanyari?

'Let's the game begin, Bwahahaha.. Habang patagal ng patagal paganda ng paganda huh? '
Sabi ng babae na nasa screen.
Anong ibig sabihin nito? Dalawa? Ibig sabihin dalawa yung mamamatay.?

....
Third Person:
Si Shane ay nakatali sa roleta nakatali rin yung mga mata nito.
Habang si Sheng naman ay nasa malayo at pinapaligiran ng mga kutsilyong matutulis..
Nakatapat lahat ng kutsilyo kay Shane,

Naka tali yung mga mata ni Sheng pati narin yung kamay papaharap.

'Ganto lang yan.. Nakakapa mo ba yung mga kutsilyo sa paligid mo?'
Tanong ng babae kay Sheng.
Kinapa naman ni Sheng yung kutsilyo at tumango nalang ito..

'Magaling.. Kukuha ka lang nang isa dyan, Tapos ibabato mo lang sa harap mo.'
Pag kasabi naman ng babaeng manika ay nag taka si Sheng?
Pero di na siya nag tangkang mag tanong..
Nginig na nginig na yung katawan at mga kamay nito.

Hindi alam ni Sheng kung ano ba yung nasa harap niya..

'Gawin mo na!'
Pag kasabi nung babae, Ay agad namang kumuha si Sheng ng kutsilyo at sinimulan naring iikot si Shane sa roleta.
Parang nagising ito ng pag kaikot nun..
Bumuhos yung luha sa mga mata ni Shane sa sobrang takot at pag kasisi kung bakit agad siya umakyat sa building..

Ng pagkakuha ni Sheng ng kutsilyo agad namang binato ito sa harap niya at wala siyang kamalay malay na natamaan niya sa braso si Shane ..
Napasigaw naman si Shane sa sakit na nadarama niya ng siyay natamaan.

'Wahh.. Ansakit. Bwiset!!'
Sigaw nito.. At patuloy parin sa pag iyak.

'Shane?'.
Tanong nito rito..

'Sheng ikaw ba yan?'
Tanong nito pabalik.

'Oo.. Ako to Shane. Asan ka?'
Tanong ulit ni Sheng kay Shane.

'Hindi ko rin alam , Siguro nasa wheel ako, Kasi paikot ikot ako dito , Tulungan mo ko Sheng!!'
Sagot nito..

'Isa pa..'
Sabi ng babaeng nasa screen.

Nanginginig na kumapa ng kutsilyo si Sheng at inihagis ulit sa harapan niya.. Natamaan naman niya yung binti ni Shane.

'Bwiset..!! Sheng tulong.. '
Sigaw ulit ni Shane.

'Isa pa..'
Sabi ulit ng babae.,

Kumapa ulit si Sheng nang isa at sa sobrang takot nito.
Agad niyang binato sa harap niya..

Nawalan na ng hininga si Shane dahil natamaan si Shane sa leeg sa may bandang pulso..

Hindi niya na nagawang sumigaw at mang hingi pa ng tulong.

Nag siiyakan ang mga kaklase niya sa may labas ng Room..

At bigla ng nag bukas yung pinto,
Agad agad na pumasok ang mga kaklase nila at tinanggal na yung mga nakatali rito at kay Sheng din..

Laking gulat ni Sheng ng makitang  madaming dugo ang dumadanak sa harap niya..
Kitang kita rin nito na nakakabit pa yung kutsilyo sa leeg niya..

Napahawak siya sa bibig at humagulgol ng iyak..

'SHANEEEE!!'.
Tumakbo siya kay Shane at hinila yung kutsilyo at paulit ulit na pinupunusan ang dugo nito.
Sobrang dami na ng dugo ang nasa katawan ni Sheng dahil na siguro sa pag kakayakap nito habang umiiyak kay Shane..

'Shane *sniff. Sorry na Shane !! *sniff .. Gumising kana *sniff.. Shane!!'
Hindi parin tumitigil sa pag iyak si Sheng..
Laking pag sisisi niya sa sarili kung bakit siya nag yaya pang pumunta sa lugar na yun..

Hindi niya alam na gustong gusto na siyang makitang mamatay at nag durusa sa pagkamatay..

'Shane!! *sniff .. Shane..!!''
Halos di na makahinga ng maasyos si Sheng sa sobrang pag hagulgol..

'Tama na yan. Sheng, Hayaan na nating ilibing siya..'
Malungkot na sabi ni Aira sa kanya..

'Hinde..!! Hinde *sniff *sniff.. Buhay pa siya *sniff'
Pag kasabi niya nun, Muli niyang yinakap si Shane..

'Sorry na Shane.. Magising ka na!! *sniff'
Inilayo na kay Sheng si Shane.

At Ibinalot sa malaking tela si Shane..
'Tara na *sniff.. Samahan na natin silang ilibing si Shane'
Maluha luhang sabi ni Joshua sa iba pa nilang kaklase.

'Beh,Wag ka ng umiyak..'
Hinimas ni Jennie yung likod ni Sheng ,
Pero parang wala paring talab..

Umiyak ng umiyak si Sheng,
Hindi niya mapigilan ang mga luha niya .

Hanggang sa binuhat na at ibinaba si Shane..

'Wait.. Beh, si Kit!!'
Sigaw ni Glazel kay Jennie,,

'Huh? Bakit anung nangyari sa kanya?'
Tumakbo si Jennie papunta sa direksyon ni Glazel..

.....
...
...
.....
....
..
A/N: Nakakalito ba yung Shane at Sheng? HAHA.. pati ako nalilitorin eh XD
Next page po....

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon