Entry45*P.o.views

3.5K 108 7

Jerome P.o.v
Buti di natuloy yung sasabihin ni Jennie kanina.. kasi nasaksihan ko ang lahat, bakit niya sasabihin yun?

Naiintindihan ko na ang lahat ng nakita ko silang nag uusap ng Kuya niya.. Oo kuya niya, si kuya Phillip..
Yung girlfriend ng ate ko.

Narape pala yung ate ko at dito rin sila napadpad nung nawala sila. Nakakaawa naman yung ate ko , narape siya.
Ang lungkot, akala ko buhay pa siya pero mukang yung akalang yun ay hindi talaga totoo.

Siguro may tamang oras at lugar ang pag sasabi niya nun..
Habang nag lalakad kami patungo sa cafeteria upang kumain. Parang may naaninag ako sa lupa na kumikinang kinang.?
Linapitan ko iyon at kinuha..

Ito yung necklace na suot ni Jennie ahh?
Ito yung binigay sa kanya ng ate ko nung bata pa kami..Alam niya kaya na ako yung si Om na pinakilala ni kuya Phillip sa kanya?

Sasabihin ko ba sa kanya ang lahat ng nalaman ko?
Na ang kuya niya at ang ate ko ay magkasamang nabiktima rin dito.?
Hayssst.. nalilito nako..

'Boy.. tara na.'
Yaya sakin ni Arth para kumain.

'Susunod na'
Sabi ko at agad agad na linagay ang necklace sa bulsa ko.

Pumasok na ko ng cafeteria at nakatulala lang ako ngayon sa pag kain ko..
Haysst. Ano kayang gagawin ko?

Pag katapos namin pumunta agad kaming clinic wala na kaming balak maggala..
Pagkapasok ko napasin ko agad ang leeg ni Jennie . Sa kanya talaga tong necklace na nasa bulsa ko..
Ayoko pa sanang ibigay sa kanya ngayon.. Siguro sa susunod nalang..

......
.....
....
...
Jennie P.o.v
Aray!! May kumagat na kung sa batok ko ano bayun..

Pagkahamapas ko sa batok ko , parang may napansin ako.
Asan na yun?
Kinapa ko na yung buong leeg ko pero nawawala talaga..

Asan na yung kwintas ko?
Omygooddd!!

.......
......
.....
....
Allysa P.o.v
Pag kadating ni Lloyd lumapit siya sakin..

'Bat ayaw mo ba kasi kumain?'
Tanong niya sakin at hinawakan yung kamay ko.

'Busog nga ako'
Sagot ko..

Di ko alam kung bakit parang wala akong mood ngayon .
Pero ang ewan ko talaga ngayon.
Napanaginipan ko na naman kasi yung nangyari sakin tungkol sa leeg ko ehh..

'May tanong pala ako sayo..'
Sabi niya sakin..

'Oh?'
Sagot ko.

'Anong meron sa leeg mo? Anong nangyari jan?'
Hayyssst.. sa lahat mg itatanong bakit yan pa yung naisip niya itanong?

'Wag mo nang alamin'
Sabi ko sa kanya at inirapan siya.
Ang sungit ko ngayon. Moody talaga ako minsan.

'Wait Rain san ka pupunta?'
Tanong ko kay Rain na tumayo sa pinagkakaupuan niya katabi ko.

'Mas mabuting mag usap muna kayong dalawa.'.
Sabi niya at ngumiti kay Lloyd.
Baliw ba siya?
Iiwan niya ko? Ayoko pa naman makipag usap dito ngayon..
Nang tuluyan ng makaalis su Rain. Agad kong iniharap si Lloyd.

'Sorry . May masama ba kong nasabi?'
Sabi niya ulit..

Haysss.. kung sasabihin ko ba sa kanya kung bat ako may peklat sa leeg makakatulong ba siya?
......
.....
....
...
Lloyd P.o.v
Ano kayang problema nito? Ang sungit niya ngayon..

'Sige na nga. Sasabihin ko na sayo.'
sabi niya at bumwelo pa. Haha ang cute niya talaga.

'Kasi ganito yan.. Nung panahong yun sobrang gabi na ko nakauwi..
Nang napansin kong may sumusunod sakin kagaya ng nag hahanap satin dito.. lalaking nakahood at nakamaskarang puti. Hanggang sa napunta ako sa Dead end. Kaya yun pinaso niya ang leeg ko gamit ang hawak niyang bakal na sobrang jinit'
Sabi niya..

Wait!! Parang may naaalala ako tunggkol jan ahh..

*flashback

Napagabi ako sa pag lalaro ahh. Sana naman di ako mayari kay mama nito..
Habang nag lalakad ako may narinig akong
'Waaggg'
May narinig akong boses mula sa kabilang pader. Ano yun?
Pinilit kong umakyat sa pader para makita ko kung ano bang nangyayare.

Pag katingin ko sa orasan ko 1:20am na.
'Waaggg'
muli kong narinig mula rito.
Nang may nakita akong nakahood at nakamaskara na may hawak na bakal.
di ko ko alam kung anong gagawin ko..
Nag dial ako sa pulis upang maligtas ang babae,

'Waagg. PLSS *sniff'

Nang napatingin siya sa direksyon ko..
Shit....!!

'Wiwuwiwuwiwu'
(A/n: basta tunog ng pulis kapag nandyan na)

Agad na agad siya umakyat patungo sa ditreksyon ko at tumakbo ako ngunit pag kalingon ko wala ng nahabol sakin.
Binalikan ko yung babaeng kanina ay na corner niya.,

Nakahiga ito at mukang nahimatay ng may umasikaso na sa kanya mamang pulis.

'Umuwi ka na.. gabi na.'
Sabi niya saakin...

Kaya umuwi na ako.

*end of flashback

Di kaya siya yun?
tinitigan ko ang peklat niya sa
Leeg.. malaki ang posibilidad na siya yun.. na siya yung nakita ko ng gabing yun..

Di ko na masyado maalala ang muka niya dahil madilim nun at medyo masakit na yung mata ko kakacomputer.

'Uuyy.. okay ka lang ba?'
Tanong niya sakin at kinaway yung kamay niya sa harap ko.

'Ahh.. o-oo.'
tanging nasagot ko sa kanya.

'Sabi ko naman kasi sayo ehh.. wag mo nang alamin .'
Sabi niya ulit..

Okay na yun.. atleast nalaman ko kung bakit siya may peklat sa leeg.
haysst .. sakit na ng ulo ko bwisettt!!

Nang bigla nang pumasok si Bobby at umupo sa may kabilang sofa. Bagong ligo lang siya at wala ng tuyong gugo sa katawan niya. Malinis na siya.
......
.....
....
...
Jennie P.o.v
Agad agad akong tumayo at tumungo sa pinto Shit.. Naiiiyak ako eh..
Yung kwintas ko eh..

'Jen!! San ka pupunta?'
Tanong sakin ni Joshua bakla.

'Wala .. may hahanapin lang.'
Sabi ko at lumabas na.. san ko kaya yun pwedeng mahulog? Pumunta ako sa una kong pinuntahan siguro nandito.. pero ilang minuto na kong nag hahanap di ko parin makita.

Sumunod ako saay cafeteria, tas bigla kong naalala na nasalubsob pala ako sa lupa sa tapat ng cafeteria.
Nag madali akong pumunta dun at lumuhod.. hinanap ko yung kwintas ko, as in hinuhukay na ng kamay ko yung mga lupa.
Ang dumi ko na at pawis na pawis pero di ko parin makita.. tirik na tikik pa yung araw.

Asan ka na ba kwintas ko? Bigay ka sakin ni Ate Cindy eh.. Bawal ka mawala..!!
......
.....
....
...
..
.
A/n: May i paplug akong story :)
horror din :D cursed yung pamagat .. Basahin niyo guys.. :) binabasa ko rin XD
Jennie's Here :*
Next Page :)

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon