Entry61*Lucky 13

3.7K 130 31

Bumaba na kami sa hagdan.
Habang palayo kami ng palayo sa room , napapansin ko na padami ng padami yung mga sapot at mga alikabok sa mga dinadaanan namin..

'Guy's napapansin niyo ba?'
Tanong samin ni Joshua na nasa likod ko kasama sila Jennie.

'Oo.. '
Sagot naman namin..
Padami na talaga ng padami, hindi na nga ako nahawak sa may hawakan ng hagdan dahil nakapit sa kamay ko yung sapot.

'Okay ka lang?'
Tanong sakin ni Lloyd habang nakahawak sa kamay ko.

'Pag nakalabas na tayo dito dun ako mas magiging okay.'
Sagot ko sa kanya at sabay tingin sa dinadaanan ko.

Medyo di talaga ako okay.. Ikaw ba naman magdanas ng ganito magiging okay ka ba?

Pero bakit ganun? Medyo ang sakit na sa ilong nung mga alikabok.

Nang maka baba na kami sa building, Laking gulat namin sa itsura at ayos naming lahat. Di lang yun, sa bawat building dito sa school ay may umuusok at parang lumang School na talaga.

Nakita ko si Lloyd na may mga dugo at ang dungis dungis ang buong katawan. Pati narin ang iba.

'Ahh.. Ang sakit..'
Nag kamalay na si Marvin.
Buti naman dahil makakapag lakad na sila Maika at Aira ng maayos.

'Anong nangyare?'
Tanong nito samin , siguro nag tataka din siya kung bakit ganito ang ayos namin at ganito yung school .

Maraming dahon na nakakalat sa mga lupa at ma usok ..

.......
......
.....
....
Third Person:

Nagising na rin si Kit at kagaya ng reaksyon ni Marvin. Nag taka rin ito kung bakit ganyan ang ayos nila at kung bakit maraming Buildings ng school ang nag uusok.

'Bakit nag kaganito yung campus na to?'
Tanong ni Kit sa kanila pero walang sumagot sa kanya at nag patuloy na sa pag lalakad.

Kahit maaga pa ay madilim dilim dahil mukang uulan.
Ang ayos nila ay gulo gulo ang mga buhok at may mga dungis sa mukha pati narin sa katawan..

Habang hinahanap nila ang lagusan , di na sila nag hiwahiwalay.
Nag simula silang mag hanap sa pinaka unahan ng School.

Lakad lang sila ng lakad. Bawat hakbang nila ay rinig na rinig sa buong Campus.

'Nang hihina na ko at nagugutom narin'
Sabi ni Rain na mabagal ng naglakad. Hindi na kasi sila nakakain ng malaman nilang bangkay ng kanilang kaklase ang kanilang kinakain.

Hanggang sa...

'Eto na yun!'
Sigaw ni Justin ng makita nila yung malaking butas sa pader.
perpekto ang pag butas nito na halatang pinasadya.

'Salamat at natagpuan na natin'
Mangiyak ngiyak na sabi ni Aira.
Nagkaroon na sila ng buhay ng makita nila iyon.

Sinilip muna iyon ni Justin at nagulat ito sa kanyang nakita.

'Sino siya?'
Tanong niya habang tinuturo sa mga kaklasi ang nakita niyang taong nakabulagta at wala na ang ulo.

Dahan dahang lumabas silang lahat sa malaking butas na nakita nila at linapitan ang nakita nilang tao..
Napatakip si Aira ng bibig ng makumpirma niya na si Jessica iyon. May nakasulat pa sa lupa gamit ang dugo na galing sa katawan nito 'patawad' ayan ang nakasulat sa lupa..

Nagsimula na namang umiyak si Aira ngunit di niya pinalakas dahil may nakita silang malaking itim na aso na natutulog.
Hinga palang ng aso ay nakakatakot na.

'Tara na Aira'
Bulong ni Maika sa kanya .
Dahan dahan itong nag lakad habang humihikbi,

Habang nag lalakad sila papalayo sa campus. Ay agad na nagising ang aso, at sinundan sila ng dahan dahan.

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon