Entry18*Remember

5.2K 124 5

Siguro kaya siya madalas himatayin kasi gusto niyang iparamdam sakin na nandyan si Kuya.. Di ko alam kung bakit niya yun nakilala.

Asan na kaya si Kuya ngayon? Nawala na kasi siya at di kami nakakakuha ng onting impormasyon tungkol sa kanya.

Haysst..

'Beh, Pano niya nakilala si Kuya Phillip?'
Tanong niya sakin ng pabalik na kami sa Room..
Sila January na yung nag babantay sa kanya dun.

'Di ko alam.. Pero gumaan na yung pakiramdam ko.. Beh alam mo ba, Damang dama ko si Kuya sa kanya.'

....
Aira P.O.V
Papunta na kami sa room ng makasalubong namin sila Jennie.

'Jen!!'
Tawag ni Jessica sa kanya,
Pag kalingon nila lumapit kami.
Parang kakaiyak lang ni Jennie, Yung mata niya maga.

'Hmm? Bakit'
Tanong samin ni Glazel.
Ang dilim narin, Tas anlamig...

'Ayos na ba yung room? Tulog na tayo?'
Sabi ko sa kanila, Pero bigla naman akong siniko ni Marvin..

Tumingin ako kay Marvin at binigyan siya ng *ano look*

Nakatingin lang siya kila Glazel , Para siyang Tanga..

'Hindi ko alam eh, Binantayan kasi namin si Kit dun sa Clinic. Mabuti pa sabay sabay na tayong umakyat.'
Sabi ni Jennie at naglakad na nga kami papunta sa room.

Pagkarating namin, Malinis na ito at natutulog na yung iba naming classmate.
'Okay na pala eh'
Sabi ni Marvin at pumwesto sa gilid at nag unat.

Hayy.. Makakatulog narin!!
.....

Di ako makatulog!!!
Pati narin si Marvin.,

Lahat sila tulog na maliban samin,
Yung iba siguro nasa Clinic nandun kasi si Kit ehh. Binabantayan siguro nila?

'Marvs'
Tawag ko kay Marvin na nag mumuni muni.
'Hmm?'
Tanging sagot niya at tumingin sakin.

'Bakit mo ko siniko kanina?'
Tanong ko.. Oo nga pala di ko alam kung bakit niya ko siniko kanina.

'Ahh.. Kase'
Napatingin siya sa ibang direksyon.

'Kaseee?
Ano bato si Marvin bigla tuloy akong na curious.

'Kanina kasi nakita ko si Joshua dun nakaupo sa labas ng Clinic. Natutulog na yata?'
Sabi niya.. Sus..

'Oh? Tapos? '

'Tapos,, Nung tinawag ni Jessica si Jennie, Kasama nila si Joshua. Eh kakakita ko lang sa kanya nun sa Labas ng Clinic.'
Sabi nito at yung muka niya parang nag tataka.

Huh? Eh, kanina silang dalawa lang ni Jennie at Glazel yung nakita namin eh..

'Huh? Wala naman si Joshua dun eh, kanina nung nakita natin sila Jennie'
Sagot ko at napakamot pa ko sa ulo ko.

'Hmm? Anong wala? Kitang kita ko nga siya , Nakatingin pa nga siya sakin ng masama eh, Kaya kita nasiko'
Sagot nito..

'Alam mo.. Tulog mo nalang yan.. Inaantok ka lang..'
Sabi ko sa kanya at humiga na lang ako..
Kalokohan lang naman yung sinasabi niya eh.. Natawa nalang ako bigla.

Hayssst . Nakaramdam na ko ng antok..

.....
January P.O.V
Andito kami mi Bhabe sa Clinic , binabantayan si Kit... Kasi nahimatay daw eh,.

Death ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon